Third Attempt of Suicide Featuring His Conditions

5.5K 245 89
                                    

Anesthesia's Narration

tumayo na ako habang hawak hawak parin yung spongebob blanket

medjo nagtataka kasi ako kung kanino tong blanket

habang nag-iisip pa rin ako kung kanino ito ay nagsimula na akong maglakad papunta sa side ng building

wala lang , trip ko lang lumanghap ng sariwang hangin at gusto ko lang makita yung baba ng building

ganun kasi madalas kong mapanuod sa mga pelikula, lalo na kapag nagsesenti at gusto nang magpakamatay nung bida

*wind blows , yung super lakas*

"wahh!!" medjo napasigaw pa ako ng biglang linipad yung blanket na hawak ko >o<

sinubukan kong hulihin kaso nahulog na siya T^T uwaa..sayang naman, ang kyut pa naman nung blanket, pink na pink at tsaka favorite cartoon character ko kaya si spongebob TT^TT

pumatong ako dun sa parang harang ng building , tinanaw tanaw ko kasi  yung ibaba ng building, nagbabaka sakaling makikita ko pa si blanket, kaso hindi ko na makita TT^TT

"uwaaa! ang malas ko talaga!" pasigaw kong sabi habang nakatingala sa langit

"malas! malas!" pinupukpuk ko pa yung ulo ko, ang tanga ko naman kasi, hawak hawak ko naman yung blanket pero nilipad padin >o<

"MISS ANES WAG! "

habang nagpupuk-puk session ako ay nakarinig ako ng sigaw mula sa malayo

upto sa naramdaman ko nalang na may humawak sa braso ko sabay  hatak sa akin pababa

napapikit na lang ako dahil alam kong mahuhulog ako sa sahig

 pagmulat ko, nasa ibabaw na ako ng isang lalaki na naka-sunglass

teka, bat parang pamilyar ang mukha niya?

oo tama, siya yung lalaking naka-sunglass kahapon!

sinundot sundot  ko yung mukha nung lalaki

"okay ka lang ba?" napikit parin kasi mga mata niya

"oi, mister, okay kalang ba? gumising ka na jan!" sabi ko pa

TT^TT kahit anong duro ko sa mukha niya ay hindi parin siya gumigising

wahh..baka nagkakainternal bleeding na to! tapos mamaya mamatay na siya, tapos mapapagbintangan ako, tapos makukulong nanaman ako, uwaa ayoko ng bumalik sa kulungan pero wala naman ako kasalanan e, nagdadrama lang naman ako sa pagkakahulog ni blanket, at isa pa siya ang nanghila saken TT^TT

pero kargo konsiyensha ko parin to kapag na-deads to ngayon, uwaa..baka hindi na ako tanggapin sa langit nito

"oi mister okay ka lang ba?! gumising ka na kasi jan! hindi ka naman patay e!" yinugyug ko yung lalaki, pero ayaw talaga

dahil sa nerbyos ko ay binuhat ko na yung lalaki pababa ng building, malakas naman ako e

buti nalang at may tumulong sa akin madala tong lalaki dun sa ospital

halos maiyak-iyak na ako ng tinatanong ako ng tumulong sa akin kung anong nangyari, hindi ko kasi alam sasabihin ko, sigurado kasing pagbibintangan niya ako kapag nag-explain ako

sana lang walang mangyaring masama sa lalaking to, sana naman nawalan lang siya ng malay TT^TT

kainis naman! ang malas ko talaga >o< bat kasi umepal pa yun! at ano namang ginagawa niya sa rooftop? wala naman siya nung nagising ako e

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon