She's my wife, Wae? Part 2

1.7K 56 16
                                    

Ipinarada ni Pain ang kotse sa tapat ng isang napakalaking bahay, mas malaki pa sa bahay nila Pain. *O*

Ang dami ring kotse na nakaparada.

Hotel ba to?dahil aanhin naman ng may-ari ang napakalaking bahay?

Ito siguro yung tinatawag na 5 star hotel. Umaygahd, makakapasok na ako sa isang 5 star hotel.

may sumalubong saaming matandang lalaki

"Sir Pain kanina pa po kayo hinihintay ni Sir. Alfred" sabi nung matandang lalaki tsaka na ito nagsimulang maglakad papasok, sumunod naman si Pain at syempre sunod din ako kay Pain.

Ang ganda talaga *O* amazing

"Oy asan tayo?" bulong ko kay Pain pagkakublit sakanya

"Tsk" yun lang ang isinagot niya saakin. Kahit kelan talaga highblood to

Hindi nalang ako nangulit pa

Tumigil kami sa harap ng isang kwarto

"Ito po ang kwarto niyo Sir, nasa loob narin po ang luggage na pinadala ng assistant nyo, mauna na po ako Sir, Ipapaalam ko narin kay Sir Alfred ang pagdating nyo" may inabot na susi yung matanda tsaka na ito umalis

Binuksan naman ni Pain yung pinto tsaka kami pumasok sa loob

Wow, ang laki ng kama, mas malaki pa sa kama ni Pain. At ang puti! walang mantsa +_+

"Isuot mo to" rinig kong sabi ni Pain mula sa may kama

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagmamasid ng kwarto

"Bilis na" nawala ang pagsasight seeing ko sa kwarto ng magsalita ulit si Pain

ano bang problema ng lalaking to?

Pagtingin ko sakanya ay medjo naningkit mata ko. Siraulo talaga to. May hawak lang naman kasi siyang itim na panty at bra, yung string pa ang strap.

"Bakit feeling mo wala ako panty at bra? =___="

"Alam ko, pero ito ang isuot mo, hindi pwede yang suot mo, gusto mo ba akong mapahiya sa mga kaibigan ko?"

Weh? may kaibigan siya?

"At ano namang kinalaman ng bra at panty ko sa kahihiyan mo?"

nagsusukatan lang kami ng tingin, hindi naman kasi niya sinasagot yung tanong ko, alangan namang ako sumagot sa sarili kong katanungan di ba.

"Bilis na, kanina pa tayo hinihintay"

Matapos niyang sabihin yun ay dun ko lang narealize at napag-isip isip na...

Umaygahd..napahawak pa ako sa bibig ko.

"Wag mong sabihin na....walanghiya ka talagang lalaki ka! sinasabi ko na e! kaya ka siguro yumaman dahil sa pambubugaw ng mga babae" lumapit ako sakanya tsaka ko siya pinalo palo sa mukha na agad naman niyang hinarangan ng kamay

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon