Rivals

1.5K 52 21
                                    

Anesthesia

"ba't po kayo nakabusangot Miss. Anes?" tanong saakin ni Zane na

hinawakan pa ako sa balikat para ipaharap sakanya.

Nagulat nga ako sa ginawa niya, kung wala lang sigurong mga tao dito,

nabatukan ko na to.

Pabigla bigla e.

Nga pa, nandito kami ngayon sa canteen at naka-upo sa isang pang-apatan na mesa.

Hinihintay namin si Agony, dahil ehemn. ehemn. teka may nakabarang

plema, yun okay na. Nag-volunteer kasi siyang bumili ng lunch namin.

Para ngang ewan yun kanina pagbalik ko sa room. Sobrang lapad ba naman

ng ngiti ng makita ko. =_=.

Nung huli ko siyang makita akala mo magtatumbling na dahil parang bored na bored na siya tapos biglang magiging masaya?. Hay naku, may deperensha talaga ang lalaking yun.

"Miss Anes" sabi ni Zane na parang naghihintay parin ng sagot ko.

"maraming dahilan Zane" humarap na ulit ako sa mesa at nagpalumbaba.

Ba't ba mahilig tong magtanong si Zane? ~.~

"sabihin nyo po, makikinig ako"

"wag na"

"sige na po"

"wag na nga"

"sige na --"

"o sige na =_= una, tinawag mo nanaman akong Miss"

"Pangalawa, pino-po mo nanaman ako, LAGI NALANG"

"Pangatlo, di ko alam kung libre ba yung bibilhing pagkain ni Agonyo.

Hindi man lang kasi nah-inform, gumora lang ang lalaking yun"

"Pang-apat, san ako kukuha ng pera kapag hindi libre yon?, Wala naman

akong savings sa banko"

"Pang-lima, napapraning na ako" dahil feeling ko may mga taong

nakatingin saakin. Hindi dahil kasama ko tong si Zane kundi dahil sa

nangyari kanina sa harap ng Cr.

tatanga tanga kasi yung si Pain.

"at pang-anim, wala akong maisip na paraan para todasin yang Bossing mo"

"Ano po bang napag-usapan nyo?"

"Marami rin at wag mo ng tanu--"

"Mag-iingat ka nga" napatingin ako sa direskyon ng nagsalita kaya

hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

At tama nga  ako na kilala ko ang nagsalitang iyon,

Si Toto iyon na ngayon ay basang basa ang uniporme.

kasama niya si Weency

Kaharap naman nila si Agony.

Bahagyang tumahimik ang canteen kaya talagang mapapatingin kana sa gawi nila.

Napatingin narin nga si Zane.

Inilapag ni Agony yung tray na hawak niya tsaka parang may kinuha sa

bulsa niya.

bumili ka nalang ng bago, keep the change" tinapalan ng isang

libo ni Agony sa dibdib si Toto.

May mga nag-react na estudyante sa ginawa ni Agony.

Para kasing nakakagago yung ginawa niya. Ang lakas pati nung

pagkakatapal niya. Akala mo may sama ng loob e.

"ang angas mo ah"

"hayaan mo na yan Moe, wala lang yan magawa sa buhay" -Weency

"kulang pa ba, ito pa oh" tinapalan na ulit ni Agony ng isang libo si Toto

Teka sayang yung pera!

agad na tumayo si Zane at pumunta sa kinatatayuan ni Agony.

Naupo lang ako at nanuod sakanila

Naririnig ko naman ang usapan dito kaya ba't pa ako lalapit?, Baka

mamaya magsuntukan mga yan, edi nadamay pa ako.

"Bro. tama na yan, pasensha na dude ah" iginiya ni Zane si Agony

papalayo pero parang tuod si Agony na ayaw magpahila.

"wag mo ng patulan yan Moe, halika na" hinila naman palayo ni Weency

"eto pa oh, mukhang wala kang pera "sumunod si Agony kay Toto at

tinapalan ng isang daan sa batok si Toto

Sige lang Agony! Susuportahan kita jan! mwaha! awayin mo lang yan!

Sayang dapat pala pumunta na ako doon, para makita man lang ni Agony

na sinusupport ko siya at mas lalo siyang ganahan awayin yang si Toto.

Pero sayang talaga yung pera, nakaka-2100 na ang balugang iyon!

Try ko ngang bungguin si si Agony ng matapunan din ako ng juice.

mwehehe.

"Ano ba Agony! para kang bata! ano bang problema mo ah!?" bulyaw ni

Weency kay Agony

Wooo! matapang din pala yang si Weency. All these years akala ko

tahimik yan.

"yang boyfriend mo ang problema ko. Masyadong masakit sa mata"

sinong boyfriend?

hindi naman siguro si Toto ang tinutukoy niya dahil iba ang girlfriend

ng balugang yan.

Assuming din tong si Agony.

"Bro. tama na kasi yan" hinila ni Zane si Agony palayo ganun narin si

Weency

__________

"Anong nangyari dun?" tanong ko pagkaupo nila

"pakialam mo?" -Agony

=_____=

"Excuse me, hindi ikaw ang tinatanong ko"

"Hindi rin ikaw ang kausap ko. Psh."

"nye. Edi sino?" nag-roll eyes nalang ako.

Papalusot pa e!

"ito kausap ko oh" kinuha niya yung isang siopao at binato sa mukha ko

"ano ba!" tiningnan ko siya ng masama at ngumisi lang ang loko!

matapos ko siyang isupport in mind! gaganituhin niya ako!?

sumandal nalang ako sa upuan at tumingin sa ibang direksyon dahil ayaw

ko na makakuha ng atensyon.

"Ano ba bro. Wag mo namang ginaganyan si Miss. Anes" inis na

binalingan rin ni Zane si Agony

Sapakin mo nga yan Zane!

walang galang sa babae.

Isip bata! psh!

"Okay lang po ba kayo Miss. Anes?"

Hindi ako sumagot.

Nagconcentrate nalang ako sa pagpapakalma sa sarili ko.

Kalma lang....

Kalma lang....

Kalma....

"hindi porket ikaw bumili niyan ay mangbabato ka na!" hindi na kinaya

ng pasensha ko at dinampot ko ang coca cola in can at akmang ibabato

yun sakanya ng may pumigil sa kamay ko.

"That's not what a lady should do"

ai bwusit. Epal talaga ang lalaking to. =_________=

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon