Anesthesia's POV
Marami ang napapatingin kay Zane habang naglalakad kami sa hallway.
hini-head to toe din ako ng mga babae at as usual nakangiti nanaman
tong si Zane.
Di ko talaga malaman kung bakit lagi tong masaya. Eh kung ako nasa
kalagayan niya, mababadtrip ako lagi dahil may saltik ang boss ko.
"Miss Anes, yung sa camping po pala, nasabi nyo na po ba kay boss? ^_^"
"Zane, wag mo na sabi ako mini-Miss" matamlay kong sabi
"Hindi po kasi ako sanay"
"Hindi rin ako sanay, at wag mo narin nga ako pino-Po"
"susubukan ko po"
"susubukan ah :3"
"susubukan ko"
"yan! very good" tinap ko siya sa likod tapos yun lumapad nanaman
ngiti niya
hayssss. Ang cute niya talaga. >o<
Sino ba kasi ang girlfriend nito at ng maitumba ko na?.
And talking about his girlfriend, may time pa ba sila? kasi feeling ko
lagi silang magkasama ni Pain tapos idagdag mo pa na lagi siyang
nakabantay saakin.
Pero ayos na din yun! atleast mas malaki ang chansa na magbibreak
sila. mwehehe. >:]
erase! erase! ano ka ba Anesthesia! kahit naman magbreak sila, hindi
ka matitipuhan ni Zane.
_______________
Pagpasok namin sa room si Agony lang ang nadatnan namin.
Buhay pa pala to. Este... hindi ko kasi siya nakita simula noong
friday kaya feeling ko napadaan lang talaga to dito sa school last friday.
Pero infairness ang aga niya ah.
"Bro!, kamusta date nyo?" lumapit si Zane kay Agony at umupo sa tabi
Close nga talaga sila. Psh. -.-
"walang kwenta" parang wala sa mood na sagot ni Agony.
nasa tabi ko lang siya kaya kita ko ang expression niya.
"oh ba't ka nakatingin saakin?" tanong niya saakin.
grabe ang sungit nito!
Feeler din eh!
"feeling mo naman! yung broom box tinitingnan ko noh!" tinarayan ko
siya at humarap nalang sa blackboard
"ano ba kayo, ang aga aga nag-aaway kayo" sabi ni Zane
"eh kasi ang isa diyan, feeling" inemphasize ko yung salitang feeling
para naman malaman niya na feeling talaga siya.
"Tsk"
"tama na yan bro. Ano na? ano bang nangyari?" sabi ni Zane at mukhang
interesadong interesado siya sa nangyari kay Agony
"wala, maarte, walang sense of humor, yun iniwan ko"
"hah?, ba't mo iniwan, bro. naman , sobrang hirap kong alamin schedule
nun para ma-set kayo"
"hayaan mo na"
BINABASA MO ANG
His Conditions Before I Suicide
RomancePaano na lang kung Mag-su-SUICIDE kanalang ay may sasagip pa sayong ERMETANYONG UBOD NG GWAPO....at sa kasamaang palad ay mauudlot ang balak mong pagpapakamatay dahil sa AYAW KA NIYANG LUBAYAN..... dahil Kailangan mo pang magawa ang CONDITIONS NIYA...