Nagising ako sa malambot na kama habang nakayakap na isang malambot na
unan, nakakumot narin ako.
Nakatulog pala ako.
Agad akong umupo at tumingin sa sahig kung saan nakahiga kagabi si Pain.
Wala na siya roon.
Wait...
binuhat niya ba ako dito?
malamang. +_+
Hindi naman siguro siya ganun katanga para tumawag pa ng bubuhat saakin.
Nakakapagtaka lang siguro na pinahiga niya ako dito sa kama. Sa ugali nun, impossibleng gawin niya to. Siguro tumanaw lang ng utang na loob dahil kung hindi dahil saakin nasa morge na siya at nasa kulungan narin ako. Psh.
Tumayo na'ko.
Ai potek. Naka-bra at panty lang pala ako. Paano ako nito lalabas?.
Pagkalaki laki naman kasi nitong kwarto, walang Cr.
At nasan pala ang Pain na yun?.
luminga linga ako sa paligid.
Meron kaming luggage dito e. San ba yun tinago ng lalaking yun?.
Binuksan ko yung malaking cabinet.Kaya pala hindi ko mahanap yung mgadamit, nandito pala nakatago. Naka-lock to kagabi e.
Hinalungat ko yung luggage at naghanap ng pwedeng suotin.
May nakuha akong black T-shirt at maong short, meron din akong nakuhana panty at bra.
Kahit papanu may kwenta din yung lalaking yun.
nagbihis na ako at ng sasarhan ko na yung luggage
"ano naman to?" kinuha ko ang isang silver na kwintas na may pabilog na pendat.
Bubuksan ko na sana yung pendant ng biglang bumukas yung pinto kaya agad ko itong naitapon sa baba tsaka sinipa pailalim ng kama.
"Ai potek, akala ko kung sino!, kaw lang pala -3-" napanguso pa ako ngmakita si Zane na ngiting ngiti
Akala ko kasi si Pain, kaya nga nataranta ako.
Tsk. sayang lang yung effort kong nerbyosin.
"Miss Anes" bati saakin ni Zane habang nakangiti ng napakalapad.
Napanu naman to?
"napanu ka?" tanong ko.
Kahit masayahing tao tong si Zane parang hindi normal yung ngiti niya. Parang may kahulugan na di ko alam.
"wala po" mas ngumiti pa siya, sumabay pa yung mata niya na mas
sumingkit.
siguro nagpapacute lang to.
"weh?, sabihin mo na"
"wala nga po"
"weh di nga? Siguro natuluyan na yung si Pain kaya ngiting ngiti ka jan, kasi sa wakas! malaya kana sa isang siraulong boss"
"wag naman kayong magbiro ng ganyan Miss Anes"
"Seryoso kaya ako"
"kung ganun, hindi siya maganda"
"sus. gusto mo din naman" sabi ko tsaka ko isinara yung luggage
ngumiti ulit siya.
Okay, nahihiwagaan na talaga ako sa ngiti nitong si Zane, ibibitin ko na to patiwarik kapag di pa nagsalita.
BINABASA MO ANG
His Conditions Before I Suicide
RomancePaano na lang kung Mag-su-SUICIDE kanalang ay may sasagip pa sayong ERMETANYONG UBOD NG GWAPO....at sa kasamaang palad ay mauudlot ang balak mong pagpapakamatay dahil sa AYAW KA NIYANG LUBAYAN..... dahil Kailangan mo pang magawa ang CONDITIONS NIYA...