Girlfriend

3K 110 26
                                    

Dedicated sa aming new member na si Jeremy, kaya ibig sabihin tatlo na kaming cute (mwaha.joke) #nami

//Anesthesia Perpetua's Narration//

Natapos ang klase na nakatingin lang ako sa direksyon ni Agony dahil

malamang  NO CHOICE ako

sa mismong silya, na nasa harap ko lang naman kasi siya umupo.Habang nasa kanan ko naman naka-upo si Zane, Banas lang dahil natapos din ang klase na nagkukwentuhan yung dalawa, ang sarap nga nilang pag-untugin sa ingay, lalo na tong si Agony na sobra sobra kung makapag-asar. Dahil sa tuwing lilingunin niya si Zane ay tumitingin din siya saakin tsaka kikindat at ngingiti ng nakakaloko.Yung bang nang-aasar talaga!? Grr. Sarap niyang ilampaso sa sahig, Feeling niya siguro hindi ko pa nakakalimutan yung katarantaduhang ginawa niya saakin.

At akala mo kung sinong gwapo kanina habang nagpapakilala sa harap ng klase

Na keso kahit gwapo daw siya ay ayaw daw niyang may umaaligid-aligid sakanya at mas lalong ayaw niyang hinahawakan ng basta basta, tapos may pasuklay suklay pa siya ng buhok niya

Yung mga kaklase ko namang babae, nagsitilian, Jus me! di ba dapat binato na nila tong lalaking to dahil sa kahanginan?

___

Pagkatapos ng klase ay agad kong hinila si Zane palabas ng classroom

"Miss. Anes bakit tayo nandito?"

"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan, bakit nandito ang Agony na yun! alam mo bang saksakan ng manyakis yun!?"

"Hindi ko rin po alam Miss. Anes"

"Eh bakit parang tuwang tuwa ka ng makita mo siya kanina?"

"Hah? bawal ba akong matuwa kanina?" kumakamot kamot pa siya sa ulo niya, na animoy naguguluhan, pero i'm sure nagpapanggap lang siyang walang alam

"Wag ka ngang magkunwaring wala kang alam!, Sabihin mo nga sakin, ano ba talagang balak ng boss mo? gusto nya ba talagang maging impyerno ang buhay ko"

 Bago pa siya makasagot ay nakarinig kami ng tilian sa labas

"Kyaa! may lalaki sa loob"

"may nag-p-PDA sa loob ng CR!"

matapos kong marinig yun ay inaligid ko paningin koo, tapos namilog nalang mata ko ng marealize ko n,a nahila ko pala si Zane dito sa loob ng Women's Comfort Room. Kaya agad kong hinawakan kamay ni Zane para lumabas ng cr pero ng nasa pinto palang kami ay bigla kaming hinarang ng mga babae na tingin ko papasok ng cr

"Hello ^_^" nakangiting sabi ni Zane tsaka niya bahagyang kinaway kaliwang kamay niya, kaya mariin kong pinisil kamay niya. May gana pa siyang mag-hello diyan, e baka ma-principal office kami ngayon, lalo pa't may ususera ng sumigaw na nag-p-PDA daw kami.

Ang tanga ko naman kasi, bakit di ko napansin?

At bakit sa lahat ng lugar, sa CR pa ng babae kami napadpad?

tsk. kasalanan to ng Agony na yun, at naman bakit kasi di man lang sinabi ni Zane na nasa Women's CR kami, o di kaya pumalag siya nung papasok palang kami ng CR

"tabi nga" sabi ko dun sa babaeng naka-make-up na halatang hinaharang talaga ang daan

"Ayoko nga, hintayin mong dumating ang teacher" tinaasan niya pa ako ng kilay. lintek to! sino ba tong babaeng to? kung makapagsalita akala mo kung sinong reyna.

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon