Another attempt

1.6K 55 9
                                    

Anesthesia's Narration

"Isa dalawa, tatlo, apat, tsk. lima" kanina pa ako nagbubunot ng damo dito habang nakatingin sa direksyon ni Pain.

Nasa tabi ko lang kasi ang isang pabilog na parang mesa na may bermuda grass at dekorasyon ng kung ano-anong bato.

"anim, pito. tsk."

Hinayupak na lalaking yan. Ang lakas ng loob dalhin ako dito para lang pagtambayin.

Okay sana kung tumatambay ako habang kumakain pero...HINDI!

Nahihiya naman ako humingi ng drinks dahil malay ko ba kung may binibigay na ticket, tapos hingan ako. Edi nakakahiya?! Isipin pa niyan nag-gate crash ako.

Badtrip! badtrip! >___<

Sayang ang pagkakataong ito!. Dapat tinotour niya ako sa hotel na ito. hindi yung nakikipagtawanan siya sa mga maarte niyang friends.

"hardinero ka ba?" may tumabi saaking lalaki na naka-shorts lang. Base sa itsura niya mukhang magkaedad lang sila ni Pain. Ibig sabihin may pagkagurang narin. =____=

Medjo nagulat pa ako dahil lumapit siya saakin habang sumasayaw sayaw. Hindi ko nalang pinansin dahil bukod sa hindi ko siya kilala ay mukhang hindi naman ako yung sinasabihan niya dahil nakatuon ang mga mata niya sa pool. At hindi ko nga siya kilala kaya ba't niya ako kakausapin?

Siguro kausap lang nito ang sarili niya. Uso naman yun ngayon, hobby ko na nga yun e.

dineadma ko lang siya. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbunot ng damo.

"O siguro hardinera ka?"

"what do you prefer, rock or something like ballad?"

ano daw? O_o

yae na nga.

Deadma ka lang nga kasi Anes!

"are you alone?" inilapit niya sa may tenga ko ang mukha niya kaya medjo napaatras ako.

Pisting lalaking to! >:O

Muntik na niya machansingan ang tenga ko ah!

Amoy alak pa siya! Pwe! baho!

"oh did I scare you?" sabi niya na medjo matawa-tawa pa.

Tiningnan ko lang siya.

Hay naku. Ang malas ko nga naman at ako pa napiling pagtripan ng lasing na to.

"By the way, I'm Rochelle, Rocky for short. How about you miss beautiful?"

=________=" meaning ako nga kausap niya kanina pa.

"tinanong ko ba pangalan mo?" tiningnan ko siya ng medjo may pagkamataray. Syempre para malaman niya na hindi ako interesado sa mga gurang na tulad niya at para lumayas na narin siya.

"a-e, kung gusto mo lang naman Miss. beautiful" ilalapit niya sana ulit ang mukha niya kaya agad kong iniharang kamay ko para hindi na siya makalapit

"ang totoo niyan kuya, dinedeadma kita, kanina pa, di mo po ba napasin yun?" mas lalo ko pang tinarayan ang boses ko

"uhh, yan ang gusto ko, hard"

Kadiri naman nito! may pahagod hagod pang nalalaman! parang sarap na sarap lang sa pagtatae.

agad akong naglakad paalis bago pa niya mailapit  sarili niya saakin.

Sa pagmamadali ko ay may nabunggo akong lalaki.

Sigurado  akong lalaki dahil matigas ito. Kung babae yun edi sana malambot. At di sana umaray na yan dahil sa dibdib ako na nabump. At alam ko ang feeling ng nabubunggo ang dibdib

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon