First Attempt of Suicide

6.4K 200 39
                                    

Anesthesia Perpetua's Narration

***

kapag ba?

          Namatay ang kaisa-isang nagmamahal sayo at pinamahan ka ng sangkatutak na utang.

At the same week nakipag-break sayo ang baluga mong boyfriend at pinatawag ka pa sa Principal's office para sabihing  bagsak ka sa ilang subject kaya wala ka ng scholarship at kailangan mong magbayad ng sampung libo para maipagpatuloy ang pag-aaral mo.

Gugustuhin mo pa kayang mabuhay?

Yan ang mga katanungan ko sa aking sarili habang binabagtas ang hallway palabas ng Campus.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko dahil wala akong panyo. Madadagdagan lang ang problema ko kapag inuhog ako.

"Salamat sa mga pinagsamahan natin" matamlay kong sabi kay Manong Guard na hindi man lang ako sinagot dahil tiningnan lang niya ako na akala mo hindi niya ako kilala.

Pero siguro nga hindi niya ako kilala dahil 2 108 and estudyante ng Campus na ito at ni minsan hindi pa kami nagkausap.

Lumabas na ako ng Campus

Kung Sundan ko na kaya si Lolo? sigurado miss na ako nun.

tanong ko ulit sa sarili ko habang nakatingin sa paisa-isang sasakyan na dumadaan.

Hindi ko na kasi kaya, sobrang bigat ng loob ko na gusto ko nalang humilata at kalimutan lahat ng problema ko. Pero kahit naman gawin ko yun siguradong hindi ko makakalimutan mga problema ko.

nagsimula na akong maglakad ng makita kong may papalapit na Dyip

"okay na yan, kahit napaka-cheap ng sasagasa sakin, ang importante mamatay ako" 

nasa kalagitnaan na ako ng Highway ng may biglang dumaang lalaki sa gilid ko kaya bigla akong napatigil.

Magpapakamatay din kaya to?

Tss.

dumaan lang pala, akala ko pa naman may kasama na ako papuntang langit

kung hindi siguro siya naka-Sunglass, iisipin ko na saakin siya nakatingin at nakangiti

"Hoy Miss! Jay-walking ka!" para akong natauhan ng may sumigaw at nanghila este nangaladkad saakin papunta sa gilid ng Highway

"Ba't hindi ako nasagasaan?" tanong ko kay Manong Traffic Enforcer habang nakatingin dun sa jeep.

"Hoy Miss may trabaho pa ako! Baliw ka ba?!" pasigaw na sabi ni Manong Traffic Enforcer

Teka nga! kelan pa nagkaroon ng traffic enforcer dito? ba't ngayon ko lang siya nakita?!

"hindi po ako bingi, at kahit sangkatutak ang problema ko, HINDI PO AKO BALIW!"

Ako baliw?!

Siya ata 'tong baliw.

"Aba Miss, wag mo kong sinisigawan dahil hindi ako bingi, tama nga yata yung lalaki na dapat kitang dalhin sa prisinto"

"teka, teka lang po! hindi po ata makatarungan yan, jaywalking lang naman ah! dati pa nagjijaywalking na ako pero walang nanghuhuli saakin!"

"Dami mong reklamo, O sige para matapos na 'to. Magmulta ka na lang ng limang daan"

"limang daan lang pala e" kunot noong kong sagot habang hinahalungkat ang bag ko

"oh asan na?"

"teka lang naman po"

"excuse me"

His Conditions Before I SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon