KING 1

738 15 0
                                    


Max POV

Paglabas ko ng hotel ay agad na akong sumakay ng taxi. At hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari sa akin.

"Saan po tayo ma'am?"Tanong ng taxi driver. Nakalimutan ko na hindi ko pa pala nasabi sa kanya ang destinasyon ko.

"Kuya sa Camelton High po."

I checked the time at my wrist watch at maaga pa naman pala hindi pa ako male-late. Good thing lagi akong may spare uniform sa locker ko.
I'll change my clothes when I get there.

Kanina ko pa hinahanap ang cellphone ko sa bag pero hindi ko ito mahagilap. Kaasar! Nasan na yun! Kailangan ko pa naman tawagan si Yaya at baka nag aalala na yun na hindi ako umuwi ng bahay kagabi.

Yes you heard it right! Ang yaya ko ang tatawagan ko not my parents but my yaya Belen.

My parents are already separated at may kanya kanya nang mga pamilya.

At ako?! Well iniwan lang naman nila ako sa pangangalaga ng aking pinakamabait na yaya.
Si Yaya Belen, siya na ang tinuturing kong ina simula nung bata pa ako.

Kaya nga ako lumabas at uminom kagabi para mag celebrate.
Dahil finally na approve na ang annullment ng napakagaling kong mga magulang.
Oh diba?! Ang saya na nila!! Sila lang ang masaya! Tss.. Enough with the drama.

"Shit!  hindi ko talaga mahanap!!"

"Okay lang po ba kayo ma'am?" infairness si mamang driver concern. Concern nga ba o usesero lang.

"Okay lang po Kuya. " sabat ko habang inaalala ko kung saan ko huling naiwan ang phone ko. Napasapo naman ako ng ulo ko.
Naku po! baka naiwanan ko dun sa Hotel. Patay kang bata ka Maxine!  Sana hindi makita ng lalaking yun ang phone ko.

Sa sobrang occupied ang isip ko ay hindi ko na namalayan na huminto na pala ang taxi.

"Nandito na po tayo ma'am."

"Ha?  Ganon ho ba? Salamat kuya eto bayad." Sabay abot sa kanya ng 200 pesos. "Sayo na po ang sukli kuya." sabi ko dito at bumaba na.




-Camelton High-

Pinakita ko lang ang I.D ko sa school guard at pumasok na.
Buti nalang mabait yung guard at hindi na ako sinita dahil hindi pa ako naka uniform.

I immediately went to my locker to get my uniform. Para makapagpalit na, pero hinarangan ito ni Gail my bestfriend.

"Hoy Maxine Anttoinette Dela Vega!!" Tawag nito sa akin sabay taas mg kaliwang kilay nito. Tss parang nanay lang kung maka hoy tong bestfriend ko na 'to. Kahit ganyan yan.  Mahal ko yan! Pero sorry siya wala ako sa mood ngayon para makipag chismisan sa kanya. Sorry Bestie but not now.

"What?!" Inis kong tanong.

"Saan ka natulog kagabi? kanina ko pa tinatawagan ang phone mo dahil tinadtad ako ng text ni Yaya Belen sa kakahanap sayo. And because i'm your so called bestfriend.
I just told her na sa bahay ka natulog kagabi." kapag ganito ang way na pagsabi niya for sure wala na akong kawala.

"Thank you Gail, the best ka talaga!"

"And meron ka bang tinatago sa akin?!" Taas kilay na tanong nito, na parang nanay lang kung mag interogate sa akin.
See?  Wala akong kawala sa pagiging CSI niya.

"Wala akong tinatago bakit ba?!"

"E Sino yung lalaki na sumagot ng phone mo?! Ha?!" Medyo napalakas naman ata ang boses niya.

"Shhh... hwag ka ngang sumigaw diyan! Ang inagay mo!" Napaka ingay niya talaga. Buti nalang wala masyado dumadaan dito kundi baka may nakarinig na sa sinabi niya at magka issue pa.

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon