KING 15

496 10 0
                                    


Max POV

Haay salamat at natapos na din ang klase. Gutom na kasi ako at gusto ko na din mag weewee.
Kanina ko pa kasi pinipigilan tong pantog ko. Nakakahiya naman kasi mag excuse kanina. Sobrang tutok yung mga kaklase ko sa lecture.

Tumayo na ako at paika ika na naglakad palabas ng classroom.

"Saan punta mo Max?" Pagpigil sa akin ni Danica.

"Sa ladies room lang" paalam ko dito

"Okay hintayin nalang kita dito para sabay na tayo mag lunch"

"Sige" tipid kong sagot at tumungo na papuntang ladies room.

After 25 years na paghihirap kong maglakad papuntang ladies room ay nakarating din ako sa wakas.
Pumasok na ako ng cubicle to do my business.

Habang ginagawa ko yun ay may narinig naman akong nag uusap.

"Sigurado ka bang pumasok siya dito?" Girl1

"Oo sigurado ako. Baka nasa loob pa siya ng cubicle" girl2

"Buksan mo lahat ng cubicle" girl1

Sino ba ang hinahanap nila?

*Blag*

*Blag*

"Ano ba?! What are you doing?" Reklamo ng isang babae.

"Bakit may angal ka? Lumabas ka na lang!"

Tss ang ingay nila! Sino ba yung nang gugulo sa labas? Palabas na sana ako ng cubicle nang bigla ko naman narinig muli ang usapan nila.

"Baka nasa huling cubicle yung malanding Maxine na yun!"

Oh fuck! Tama ba ang narinig ko? Ako nga ba ang hinahanap nila?
Agad ko naman nilock ang pinto ng cubicle.

T^T nag sisimula na ata ang paghuhunting sa akin ng mga fans ng 4Kings.

*dhug dhug dhug dhug*

*dhug dhug dhug dhug*

Naku po! Pag minamalas ka nga naman.. Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa na pilay ako? Wala akong laban ngayon!

"Maxine?!"

Mukhang pamilyar yung boses ng babae na tumatawag ng pangalan ko.

"Alam ko nandiyan ka sa loob. Buksan mo to at lumabas ka na!"

Tss.. ano ba ang kailangan niya sa akin?! Agad ko naman binuksan ang pintuan ng cubicle at bumungad sa akin ang mukhang clown na pagmumukha ni Bianca.

Hindi nga ako nagkamali.
Boses nga ng maldita kong step sister ang narinig ko.

"Ano ang kailangan mo sa akin?" Inip kong sambit sabay labas sa cubicle.
Nagkabanggan pa kami dahil nakaharang ito sa may pintuan.

"Tss.. hwag ka ngang paharang harang sa daan! So spill it! What do you want from me?" Mataray kong tanong while folding my arms infront of me.
Oh diba? Ang tapang ko noh? Akala niyo madali lang ako ma bubully?! Pwes nagkakamali kayo.. hohoho! ^__~

"I heard na magkasama kayo ni Ashton kahapon na lumabas ng school grounds at ngayon naman magkasama kayong pumasok.. whats the deal between you two? Are you one of those despirate girls who wanted to seduced him?" Mataray na tanong nito.

Pssh.. ikinorner niya ako because of some tatle tale? Pero sabagay magkasama nga talaga kami ni Ashton. Pero ano naman ang pakialam niya diba? At ano tong sinasabi niyang desperada ako??! Pagbintangan pa akong siniseduce ko si Ashton? Ayos lang siya?
Baka si Ashton pa ang gagawa non sa akin! Urgh! Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ang totoo.

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon