KING 18

621 16 6
                                    


Max POV:

I steal a glimpse at Ashton while he was driving at parang bad mood ito. Ano ba talaga problema niya?! Hindi ko talaga siya gets. Kaya tahimik lang ako na naka upo sa passenger seat.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay ng parents ni Ashton my so called in laws. Malapit lang pala ang bahay nila sa subdivision namin. At napahanga ako sa laki at ganda ng bahay nila. Kalahati lang ata ng laki ang bahay namin sa bahay nila.

"Wow Ash grabe! alam ko mayaman kayo pero hindi ko akalaing ganito kayo kayaman. Parang sing lawak ng MOA ang buong bahay ninyo. " sabi ko dito habang inililibot ko ang paningin ko sa buong lupain nila.

"Tss tama na nga yan! Para kang bata! Sumunod ka na nga lang sa akin baka maligaw ka pa. " sabi nito habang diretso lang ang paglakad niya patungo sa main house nila.

Grabe may Tennis court akong natanaw. At parang may sarili pa ata silang Basketball court. Wow! May Archery din sila? Ano tong bahay nila? Parang sports club lang.

*BANG!! *

"WOAH! Ano yun?" parang lumundag naman ang puso ko sa gulat. Putok ba yun ng baril? Palingon lingon ako. Baka bigla nalang ako tamaan ng ligaw na bala n wala sa oras.

"It's just dad! Nasa shooting range siya at kasama daddy mo. " sabat naman ni Ashton sabay turo sa kanan ko. Nung napalingon ako sa kanan. Nakita ko sina dad at tito Sam na masayang nag uusap. Nandun pala ang shooting range. Kaya naman pala.

"Tara!" Pag aya ni Ashton. Nagulat naman ako nung hinawakan nito ang kamay ko sabay hila sa akin palapit kina Dad at Tito Sam. Parang natural lang kay Ashton na hawakan ang kamay ko. Pero parang tambol naman yung tibok ng puso ko.
Kilig ba ito? O kinakabahan na baka nahuhulog na ang loob ko sa kanya. I really don't know. And i definitely don't want to know. Natatakot ako. Natatakot ako baka kapag nalaman ko. Masasaktan lang ako.

"Ash! Maxine! Buti at napadalaw kayo!" bati ni Tito Sam sa amin. Sabay tingin sa kamay namin ni Ashton. Agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Ash. At lumapit na kina tito at daddy para mag beso. "Good noon po tito, dad.." bati ko sa kanila.

"Good noon din anak! " bati ni dad sa akin. At ngumiti naman si tito Sam.

"Good noon po" bati ni Ashton sa kanila. Pero bakit paran ang awkward kapag gumagamit ng po si Ashton. Hindi ako sanay na marinig siyang magsalita ng magalang. Nasanay kasi akong marinig siya na arogante at suplado. Yung tipong walang sinasanto. Hari in short.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo hija? " tanong sa akin ni tito Sam. Ha? Pakiramdam? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Ha?! Ano po? " takang tanong ko dito. Hindi ko kasi maintindihan. Wala naman akong sakit. Pero baka nalaman nito na napilayan ako. baka yun nga yung tinutukoy niya.

"Hindi ba may sa--" naputol yung sasabihin ni Tito dahil sumingit si Ashton. Tss walang galang.

"Nasaan pala si Mommy?" pagputol nito kay Tito Samuel.

"Nasa may garden kasama si Baby Anton." sagot naman ni tito Sam.

"By the way anak. Ano yang sa leeg mo?" tanong ni Dad sa akin. Nahalata niya ata yung rashes na nasa leeg ko. Kahit ako nga hindi ko din alam kung ano at saan ko to nakuha.

"Hindi ko nga po alam dad e. Bigla ko nalang nga nakita to pagkagising ko." sabay hawak sa leeg ko kung nasan ang pantal.

"May i see.. " sabi naman ni tito Sam. At lumapit ito sa akin at tiningnan ang leeg ko. Napatango naman ito at bahagyang ngumiti at napatingin kay Daddy at sabay sila napatingin kay Ashton.
It's like they are having a conversation by just staring with each other. Weird right?!
When i look at Ashton. Para itong namumulang kamatis. Anyare sa kanya?!

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon