KING 8

477 8 0
                                    

Ashton POV

Bakit ba ang tapang ng babae na yun?! Humanda talaga yun sa akin!

Tss.. ang sakit pa din ng paa ko. Badtrip bakit yung takong nya talaga ang inapak niya sa paa ko?!

"Pffftt.. ayos ka lang ba pre?!" Pigil tawa na Jake. Isa pa to e! Alam niya na nga na hindi. Magtatanong pa.

"Ano ba sa palagay mo?!"

"Relax lang.." sabar nito sabay taas ng kanyang dalawang kamay.

"Hindi pa ba tayo kakain?!" Walang gana na sambit ni Paul. Isa pa din to e. Pagkain lang ang laman ng isip. Tss.

Tiningnan ko lang ito ng masama. kaliit na tao ang takaw talaga.

"Guys! Gutom na daw ang baby Pauline ko! So lets go grab our lunch!" pabirong sabat ni Jake.
Binatukan tuloy siya ni Paul ng wala sa oras.

"Tss.. tama na yan!" tumigil naman sila sa paghaharutan.

"Ikaw naman kasi Ash, bakit mo pa ginawa yun kay Max?!" pagsaway sa akin ni Blade.

Kunot noo ko naman siya tinignan.

"Max?! Kelan mo pa tinawag yung Amazonang babae na yun sa pangalan niya?!" Kunot noo kong tanong kay Blade.

"Easy lang! Max naman kasi talaga ang pangalan niya.
And i heard earlier that she's a Dela Vega." seryosong sabi nito.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Blade.

"What? Are you sure she's a Dela Vega?!!Kaya ba ganon nalang ang pakitungo niya sa akin?"

"I'm not sure Pare kung ang pagiging dela vega niya ang dahilan kung bakit siya galit sa'yo.
Pero baka siya yung Dela Vega na sinabi ng Dad mo.
Tingnan mo pare bakit bigla nalang siya nagtransfer dito kahit matagal na ang pasukan. At kaklase pa natin." Paliwanag ni Blade

KTeka teka nga!!! Ano ba yang pinag uusapan niyo? What's the big deal of her being a Dela Vega?"Curious na tanong ni Jake sa amin. Oo nga pala hindi ko pa nasabi sa kanila.
Napatingin naman sa akin ng seryoso si Blade.

"Enlighten them pare.. para maintindihan din nila." Seryosong sabi nito sa akin.

Napahinga naman ako ng malalim.
Kahit na hindi ko gustong sabihin, sasabihin ko nalang dahil wala din akong ligtas dito kay Jake.

"Narinig ko kasi dati ang pinag usapan ni dad at ng kaibigan niya na si Mr. Dela Vega.
Matagal na yun isang taon na ata ang nakalipas. Naalala niyo ba nung gabi na nagpakalasing ako?!" Tumango naman sila bilang sagot kaya ipinagpatuloy ko na ang sasabihin ko.

"That time ko kasi nalaman ang plano nila. Kaya nilunod ko ang sarili ko sa alak.Dahil hindi ko matanggap ang pinaplano ni Dad."

"Bakit? Ano ba yung narinig mong plano nila?" Curious na tanong ni Paul

"They are planning to do a fixed marriage. I don't know with the girl kung alam niya o hindi ang fixed marriage namin.
pero pinagkasundo kami without my consent and knowledge.
It means wala akong magawa kung hindi pakasalan ang anak ni Mr. Dela Vega. Alam niyo naman ang ugali ni Dad.
Mahirap siya suwayin at lalong lalo na mahirap siyang kalabanin."

"Uso pa pala yung ganon?" Takang tanong ni Jake

"You never know Jake. Baka kahit ikaw may fiancee ka na din pala. Hindi mo lang alam."
Sabat ni Paul dito.

"Tss.. tumahimik ka nga diyan Pauline!" Reklamo nito at bumalik na ang atensyon sa akin.

"It means baka si Max ang fiancee mo?!!" tanong ni Jake

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon