KING 11

489 10 0
                                    


Max POV

Baby Anton is still at the hospital pero medyo maayos na ang pakiramdam nito.

After dinner last night ay binisita nila Ashton si baby Anton sa hospital at sa wakas ay nakita na din ni Ashton ang baby namin.
Hindi ko inasahang kakargahin niya si baby Anton.
Marunong din pala siya humawak ng baby.

He's always been this cold arrogant bastard. Pero nung gabing hawak niya si Anton. My heart just melted nung nakita ko kung paano niya ito maingat na hinawakan at kung paano siya ngumiti dito.
It was different sa laging ipinapakita niya.
That night i saw a genuine smile escape from Ashton's lips.

This is the second day na absent ako sa school. And this is the day na ikakasal ako kay Ashton.
Grabe minadali talaga nila. Goodbye to my so called dream wedding with the one I love.

Our wedding it's a secret civil wedding. Napapayag lang kasi kami ni Ashton ng parents namin na itutuloy ang kasal in one condition.
At yun ang walang may makaalam na kasal na kami. to avoid comotions, questions and complications.
Mahirap na.. baka hindi ako makalabas ng buhay sa Xavier High pag nalaman ng fan girls at stalkers ni Ashton na kasal ako sa Idol nila.
Kaya tanging si Gail my bestfriend at Danica Ashton's cousin ang nakakaalam at bisita namin ngayon besides sa parents namin.
Hindi din alam ng kabarkada ni Ashton.
I don't know the reason why he didn't told his friends.
Pero mas makakabuti yun. The lesser who knew our wedding the lesser the problem.
Hindi din alam ng step sister ko about this and i made sure my dad promised me na hindi niya sasabihin kay Bianca.

We are now in front of the judge to say our i do's. We exchange rings and well we kissed. We signed some documents at umuwi na. So much for my fairy tale wedding right?! Tss

Natapos ang kasal na parang wala lang nangyari. Parang normal na araw lang. Ang pinagkaiba lang ay kasal na ako. Sandoval na ang last name ko. Mrs. Maxine Antoinette Sandoval to be exact. Oh diba? Taray?! Misis na ako at the age of 16 san ka pa!? Haaay..

And worst ay magkasama na kami ngayon ni Ashton sa iisang bubong.
Sa isang private subdivision kami nakatira. Medyo may kalakihan ang bahay namin para lamang sa aming dalawa. May malawak na garden. Garage at may swimming pool sa labas. May isang malaking sala, comfort room, malaking kitchen at dining area sa ground floor.
Sa second floor naman ay may dalawang kwarto at may banyo na din ito sa loob at isang storage room.
Nakahanda na ang lahat na gamit sa buong bahay.
Good thing that we have our own separate rooms.
Pero magkatabi ito at merong connecting door in between.
but the lock is at my side. Kaya hinding hindi siya makakapasok sa kwarto ko dahil i'll make sure na laging naka lock ang connecting door namin.

Pumanik na ako sa kwarto at nagpahinga at ganon din ang ginawa ni Ashton. Hindi pa din kami nag papansinan hanggang ngayon.
I still hate his arrogant guts! Hindi ko pa din siya napapatawad sa mga sinabi niya about me.
I guess it won't be easy living together with Mr. Arrogant.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. And in my dream i'm happily playing with my baby Anton.

I woke up with my whole body aching in pain nakatulog ako na hindi man lang nakapag palit ng damit.

I checked my watch and its already 6:45 in the morning.
Dali dali ako bumangon at naligo pagkatapos ay nagbihis na dahil may pasok pa kami. Pero hindi na ako nag nerdy glasses at nakalugay na din ang mahaba kong buhok. Hindi ko na kasi kailangan magtago pa. E asawa ko na ang pinagtataguan ko. Duh?!

Narinig ko naman na bumukas at bumagsak pasarado ang pintuan sa kabilang kwarto. Agad na din akong lumabas at bumaba na.
I saw Ashton already dressed and eating his breakfast.
Ni hindi lang naman ako niyayang kumain. Kainis siya!
Dumiretcho ako sa ref at kumuha nalang ng fresh milk at kumuha ng cereal sa kitchen cabinet.
Tahimik lang kaming kumakain at hindi pa din kami nag iimikan.
Para kaming nagpapakiramdaman kung sino ang maunang magsasalita.

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon