KING 6

432 11 0
                                    


Max POV

Shit! Shit! Shit! Bakit ko nagawa yun?! Bakit ko sinampal si Ashton?!
Hindi niya naman alam na nabuntis ako at siya ang ama ng anak ko.
Tss ano ka ba Maxine! Nagpadala ka nanaman sa emosyon mo!
Hindi ka talaga nag iisip! Sobrang tanga mo talaga!

"Max! Max! MAXINE ANTTOINETTE DELA VEGA ANO BA!! WAIT UP!!" Inis at nahihingal na sigaw sa akin ni Gail habang hinahabol ako nito.
pero hindi pa din ako huminto sa pagtakbo. I just want to go far away from this place.
Yung malayo kay Ashton.
Hindi ko kasi alam kung ano tong nararamdaman ko nung nakita ko siyang muli.
Gusto kong sabihin sa pagmumukha niya kanina na,
"hoy! Gago! Hindi mo ba alam na nabuntis mo ako?! Panagutan mo naman ako!"
Pero ang tanging nagawa ko ay sampalin lamang siya at tumakbo.
Dahil hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong gawin kung nanatili pa ako dun.
Baka bigla nalang ako magpakababa at magmakaawa sa kanya na panagutan niya kami ng anak ko.
At yun ang hindi ko gustong mangyari.

Dahil alam ko naman sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit niya ako nabuntis.
Pero meron din naman kasalanan si Ashton sa nangyari.
Ang problema lang ay hindi niya ito alam.
At hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya o hindi.
Dahil sa way nang tingin niya kanina sa akin.
Masakit mang isipin pero alam ko na hindi na ako nito natatandaan.
Galit ako sa kanya, pero mas galit ako sa sarili ko.
Kailangan ko munang pag isipan ang lahat nang ito.

Napahinto nalang ako sa pagtakbo nung bigla may humila sa akin.

*** beeeeeeeeeppppp***

"Hey! Watch were you going!" Sigaw ng isang lalaki na nagpabalik sa realidad ko.
Agad naman nito binitawan ang braso ko nung nasa gilid na ako ng kalsada.
The person who save me is still riding its motorcycle and with helmet on.
Tinanggal naman nito agad ang kanyang helmet.

Laking gulat ko naman nung nakita ko kung sino ang nagligtas sa akin.

Paano? Paano nangyaring nasundan niya agad ako?!

He just coldly stare at me.

Nakita ko naman si Gail na papalapit sa amin at sobrang galit ito.

"God Max! What are you thinking?!
May balak ka bang magpakamatay?!!! Hindi mo ba alam na muntikan ka na masasagasaan ng sasakyan?
Buti nalang at nailigtas ka agad!
Paano nalang si Anton kapag may nangyari sa iyo!? Ha?!"Galit na saad ni Gail habang hinihingal pa din ito dahil sa pagtakbo.
Pero nagulat ito nung nakita niya kung sino ang nagligtas sa akin.

"Paano?!..--" ang tanging nasabi nito dahil sa nakita niya. Parehas pa talaga kami ng reaksyon.

Hindi ko nalang namalayang umiiyak na pala ako.
I can't help but cry infront of the guy who made me feel like shit and run like hell in the first place.
Bakit siya pa ang nagligtas sa akin?!
Bakit si Ashton pa?!

"tss.. what are you thinking?! Pagkatapos mo akong sampalin kanina sa harap ng maraming tao, gusto mo na agad magpakamatay?!
Do you think hahayaan kita na mamatay na basta basta lang?!
I'm still going to make you pay for what you've done!" he stated coldly at pinaandar na nito ang motor niya at agad na itong umalis.

Para lang akong nakalunok ng malaking bato at hindi ko magawang makapagsalita kanina.
Sinundan ko nalang ng tingin ang papalayong motor niya.
Masakit man sa damdamin ang sinabi niya pero nagpapasalamat pa din ako na iniligtas ako nito.
Gail came beside me at niyakap nalang ako nito.
Dahil sa wala kong tigil na pag iyak.

"Tahan na Max. hwag ka ng umiyak." pagpatahan nito sa akin. Nang may bigla namang humintong motor sa harap namin.
Nandito pa din kasi kami sa gilid ng kalsada na nag momoment kung saan muntikan na akong masagasaan.

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon