KING 13

436 10 0
                                    


Max POV

Akala ko ba ay dadalhin ako ni Ashton sa school clinic pero bakit kami lumabas ng school grounds?

"Saan tayo papunta? Bakit tayo lumabas ng school? May pasok pa ako." Tanong ko dito at protesta na din.

"I'm going to bring you to the hospital." Sagot nito

"Ha? Bakit sa hospital pa? Pwede naman sa clinic na sprain ko lang naman ang ankle ko"

"Hwag ka na magreklamo. Kapag sa school clinic kita dadalhin baka malaman ni Daddy na nasprain ka at mapagalitan pa ako.
Akalain nun pinapabayaan kita."

"Bakit? Hindi ba?" Bulong ko dito.

"Tss.." ang tanging sagot nito

Pero sa totoo lang hindi niya naman talaga ako pinabayaan. Ako naman kasi tong si tanga na hindi nag iingat.
At isa pa kasalanan to ni Daddy! Bakit naman kasi hindi niya pinagamit ang kotse ko sa akin!

Dumating na kami sa hospital at pinatingnan ko na ang sprain ankle ko.

Namaga pala ito ng husto.
Mga 1 week ko daw dapat ipahinga yung sprain ankle ko hanggang sa gumaling daw ito sabi ng doctor.
At pinagamit na muna ako ng saklay for support.
Kaya sobrang hirap ako maglakad ngayon.
Pagminamalas ka nga naman.

Pagkatapos namin magpacheck up at magpagamot na din. Ay idiniretcho na ako ni Ashton sa bahay namin.

Dahil nga may pilay ako naging mabait naman si Ashton sa akin at inaalalayan ako nito pababa ng motor niya.

"Salamat" sambit ko pag baba ko ng kanyang motor.

"Pumasok ka na." Ang tanging sagot nito.

Nagpapasalamat na nga ako wala man lang siyang reaksyon?!
Hindi ko talaga siya maintindihan.
Sala sa init sala sa lamig.

Hindi nalang ako umimik at pumasok na sa bahay.
As usual, nahihirapan akong maglakad.
Hindi kasi ako sanay na may saklay.

Pumanik ako ng hagdan na hirap na hirap.
I'm counting every step i make.

14..

15..

16..

17..

18..

19..

And lastly step number 20..

"Whew! Success!" Sobrang tuwa ko nung narating ko ang ika 20th step ng hagdan namin.
Narealize ko tuloy na ang taas pala ng hagdan namin.

Dumiretcho na ako sa kwarto at nagbihis na.
Narinig ko namang bumukas at sumirado ang pintuan ni Ashton.

Nahiga na muna ako sa kama para magpahinga at nagbasa na din ng wattpad sa phone ko.
Mahilig kasi ako magbasa ng mga stories. Hehehe..
Minsan kasi nakakarelate ako sa mga characters na binabasa ko.

Hindi ko na namalayan na ilang oras na pala akong nagbabasa.
Nalaman ko nalang nung kumulo na ang tiyan ko sa gutom.

"Bbrrrrrr..."

I looked at my wall clock at 8pm na pala ng gabi almost 4 hours akong nagbabasa sa mobile phone ko.

Tumayo na ako sabay charge na din ng phone ko.
Lowbatt na kasi.
at lumabas na ng kwarto.
Napatingin naman ako sa katabing pintuan.

Nakakain na kaya ng dinner si Ashton? Hindi ko kasi siya narinig na lumabas ng kwarto niya.

Nakatayo pa din ako sa harapan ng pintuan ni Ashton.
Nag iisip kung kakatok ba ako o hindi.
Kinakabahan kasi ako baga magalit siya sa akin.

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon