Ashton POVBumungad sa aming harapan ang isang babae na nakahelmet.
At mukhang alam na ng mga kasama ko kung sino ang nasa likod ng helmet.
Hinubad na ni Danica ang helmet at nag dahilan ito na kunwari ay siya yung nakahelmet kanina na kasama ni Blade.
At sinigurado niyang maririnig siya ng mga nang uusisa sa paligid.
Sinakyan naman nina Blade ang palabas ni Danica.
Buti na nga lang talaga ay maaasahan tong pinsan kong ito.
Agad naman ito umupo sa tabi ko."Okay na ha? Wala nang problema, ginawan ko na yung pinag uutos mo" Bulong ni Danica sa akin.
Tumango lang ako bilang sagot.
Ako kasi ang nagsabi sa kanya na tulungan niya si Max.
Dahil alam kong nataranta ito nung narinig niya ang mga bulong bulungan kanina ng mga fangirls ni Blade.Ibang klase din kasi tong si Blade e.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip niya kung bakit niya pa tinulungan at worst pinasakay niya pa sa kanyang motor si Max.
Hindi niya ba alam na maraming mga mata na nagmamasid sa mga galaw namin?!
Buti nalang talaga naka helmet si Max kanina at hindi siya nakilala.
Baka isipin pa ng mga tao girlfriend niya si Max.Kelan ka pa naging concious sa iisipin ng mga ibang tao ha? At isa pa ano naman sayo kung iisipin nila na girlfriend ni Blade si Max? Bulong ng konsensya ko.
Tsk.. its just that ayoko lang ng conflict at misunderstandings.
Basta! Ganon!Itong si Max naman hindi man lang nag iisip. Padalos dalos sa mga galaw niya. Hindi niya man lang naisip na may asawa na siya.
Kung makakapit siya kanina kay Blade parang kinikilig pa. Naduwag naman nung narinig niya ang bulong bulungan ng mga babae kanina.
Paano nalang kung hindi ko ginawan agad ng paraan.
Eh di nagkulong nalang siya sa ladies room maghapon.Ginagawa mo ba ito dahil may pananagutan ka sa kanya? O concern lang? O di kaya dahil may nararamdaman ka na sa kanya at nagseselos ka na may ibang umaasikaso sa asawa mo. Bulong muli ng konsensya ko
Asawa?! Yeah right.. mag asawa nga kami pero sa papel lang.
Napa iling nalang ako.
Kelan ko pa ba naging gawain na kinakausap ang sarili ko?
Tss.. ewan! Basta ang alam ko mali yung ginagawa niya."Guys mauna na ako sa inyo ha?" Pag paalam ni Max sa amin
"Bakit? Maaga pa naman?" Takang tanong ni Danica dito
"Ah kasi dadaan muna ako ng clinic, pagamot ko lang sugat ko at hingi na din ng pain killer" paliwanag nito
"Ay oo nga pala.. gusto mo samahan na kita?" Pag alok ni Danica
"Ha? Ayos lang ako.. sige pagpatuloy mo nalang ang lunch mo." Sabi nito at tumayo na sabay umalis na din ito na paika ika sa paglalakad.
"Teka alam niya ba kung saan ang clinic?" Danica asked no one in particular.
"Ewan" sagot ni Paul at nagpatuloy lang kami sa pagkain. Pero mukhang nagmamadali ata si Blade.
"Pare baka mabulunan ka!" Puna ni Jake kay Blade
"Mauna na din ako kasi.. uhmm.. may aasikasuhin lang ako" pagpaalam nito at tumayo na.
"Ano ba ang aasikasuhin mo at mukhang masyadong urgent ata?" Pagpigil ni Danica kay Blade.
Mukhang wala itong maisagot at napakamot sa kanyang ulo."Ah.. kasi gusto ko lang sundan si Max. Baka kasi hindi niya alam kung saan papuntang Clinic" pag amin nito
"Wow naman bro! Masyado ka atang concern ngayon kay Max! Ano? Tinamaan ka ba sa kanya?" Pabirong tanong ni Jake dito at napa hagikhik pa ito sa pagtawa.