KING 16

738 14 0
                                    


Ashton POV

Nagulat nalang ako nung bigla nalang bumagsak sa sahig si Max.
Pero mukhang may malay pa naman ito dahil pinipilit pa nitong tumayo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito habang inaalalayan ko siyang tumayo.

"Huh?" Yun lang ang tanging sambit niya. Habang napatingin naman sa akin ang namumungay niyang mga mata sabay ngumiti ito na parang inosenteng bata.

I felt my heart skip a beat.
Napailing nalang ako sa naramdaman ko. Habang sinusuportahang tumayo si Max. Na ngayon ay nakasubsob sa dibdib ko. Shit ang init niya! may sakit pala siya hindi niya man lang agad sinabi.

"Hwag mo nang pilitin ang sarili mong tumayo kung hindi mo naman kaya?" Saway ko dito

"Hmp!" sambit nito sabay pout at agad naman siyang yumakap sa akin at sinisiksik ang mukha sa bandang kili kili ko.

"Pfft.. Oy oy!! Teka nga.. Anong ginagawa mo?!" Pagpigil ko sa kanya dahil sa nakikiliti na ako sa ginagawa niya.

Lumayo naman siya ng bahagya at tumingin muli sa akin. ngayon ko lang nahalata na namumula pala ang mga pisgi nito at kahit ang mga labi nito ay namumula din.
Siguro dahil sa taas ng lagnat niya.

"Ambango mo! Hihihi" tawa nito na parang bata at bumalik muli sa pagsiksik sa kilikili ko.

"Oy! Max! Ano ba ang ginagawa mo?!!" Reklamo ko dito at pilit na inaalis siya sa pagsiksik sa kili kili ko.
Pero hindi ito nagpatinag at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin na parang bata na sabik sa yakap.

"Sarap naman dito.., hihihi!" Natutuwang sambit nito.

Haaay.. suko na ako..
Mukhang nag dedeliryo ata tong babae na to dahil sa lagnat niya.

"Alisin mo na nga ang pagkayakap sa akin at mahiga ka na para makapagpahinga ka." Utos ko.

"Ayaw!!!" Sambit nito sabay iling iling nang kanyang ulo habang nakapulupot pa din ang dalawa niyang kamay sa katawan ko.

Haaayy.. ano ba pwede kong gawin dito. Parang bata lang yung kausap ko. Ayaw umintindi!
Napaisip tuloy ako..
Tama! Bata! Hmmm.. Siguro naman makikinig na to sa akin.

"Max? Bakit ayaw mong kumawala sa pag yakap sa akin?" Mahinahon kong tanong sabay himas ng ulo nito na parang isang bata lang ang kausap ko.

Bahagyang kumawala naman ito at napatingin sa akin ng seryoso pero namumungay pa din ang mga mata nito. Na parang wala talaga ito sa kanyang sarili. Because i saw both her iris were dilated.

"Baka kasi iwan mo ako, ayoko nang mag isa" inosenteng sagot nito. Na parang isang bata na natatakot iwanan ng kanyang magulang.

"Bakit mo namam naisip yun? Gusto ko lang naman na mahiga ka na at magpahinga" mahinahong sambit ko same as earlier na parang bata lang ang kausap ko.

Napatingin muli ito at sumimangot.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko. Baka kasi mas lalong lumala ang sitwasyon at mag lumpasay siya dito na parang bata.

"Basta!!!" Sambit nito at yumakap muli ng mahigpit sa akin.

Haaayy.. wala talaga patutunguhan itong usapan na to. No choice but to surrender. Ayoko naman na magdamag ganito ang posisyon namin. Napahinga ako ng malalim bago mag salita. Sana naman tumalab tong naisip ko.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko para makinig ka?" Lambing ko dito.
Nagsisitsyuan naman ang balahibo ko sa ginagawa ko ngayon.
God! This is the first ever na nag sweet talk ako sa babae.

Secretly Married with the Campus KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon