Mag-aalas otso na nang makarating si Van sa bahay nila. Pagkabukas ng pinto ay sinalubong siya ng amoy ng bagong lutong ulam. Alam niya na kaagad kung ano iyon. Beef Salpicao.
Iniwan niya ang bag sa sala at agad na tumungo sa hapag-kainan. Una niyang napansin na wala doon si Eury. Narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya nilingon niya iyon at nakita ang kanyang kapatid na bahagyang nagulat nang magtama ang mga mata nila.
Saglit silang nagkatitigan saka sabay na nagsalita.
"Kain ka na po."
"I'm sorry."
Natigilan ang dalaga nang marinig ang sinabi ni Van.
"Sorry din po, I made you worry. Alam ko naman na protective ka lang talaga and you don't want anything bad to happen to me. And... And of course may promise tayo sa isa't-isa tapos... Tapos, ano..." Sa bilis nitong magsalita ay halos maubusan na ito ng hininga.
"No. I'm the one who's sorry. I-I shouldn't have scolded at you. I shouldn't have raised my voice like that. Di dapat muna ako nagalit. Hindi tuloy kita naihatid sa school. I'm so sorry for being irrational. N-Nakakasakal ba akong Kuya?" His voice softened on the last senstence na parang nag-aalangan pa sa itinanong. He bowed his head, realizing how he probably scared his sister this morning. Hindi niya naman kasi sinisigawan si Eury. Kanina ang unang beses na naging ganun siya.
Mabilis siyang nilapitan ni Eury at di niya namalayan na napakalapit na pala nila sa isa't-isa. Their gaze locked at each other for a second then she suddenly launched herself at him for a hug. Buti na lang ay napahawak si Van sa mesa dahil kung hindi, baka natumba na sila ng tuluyan sa sahig.
Humigpit ang yakap sa kanya ni Eury. It was one simple move yet it sent his heart racing. Hiniling niya na sana ay hindi iyon mapansin ni Eury. At kung mapansin man, sana ay balewalain na lang nito.
One part in him actually wished na sana ay pareho sila ng nararamdaman.
"KUYA!" Sigaw nito sa kanyang dibdib habang nanggigigil na yakap siya. Ikinagulat niya ang pagsigaw nito. May nagawa na naman ba siyang masama? Lumuwag ang yakap nito sa kanya pero nakahawak pa rin sa bandang bewang niya. He gulped when Eury pouted at him.
"Peace na tayo." She smiled genuinely and waved a peace sign at him. Tuluyan na itong kumalas sa kanya saka hinila ang upuan nito. "Kain na tayo, Kuya."
Doon lamang na-realize ni Van na kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga. It upsets him how speechless he can get just because of one tight hug. Umupo na rin siya sa upuan at itinuon ang tingin sa pagkaing nakahain. Excited rin siyang tikman ang luto ng kapatid. Sa pagkakaalam niya ay turo pa iyon ng kanilang Tita Mariella dito. Sa unang subo niya pa lang ng pagkain ay pansin niya na ang pagtitig sa kanya ni Eury. Dahan-dahan niya itong nilingon. She raised her eyebrows at him.
"How is it? Masarap?" Nakangiti nitong tanong.
"O-Oo... Of course, masarap. L-Luto mo eh." Hindi siya makatingin kay Eury and it's so annoying that he is stuttering in front of her. It's so unlike him. Umiling siya para itaboy sa isipan ang pagyakap sa kanya ng kapatid, pati ang mga mata nito.
Damn it. Kapag iniiwasan mong isipin, saka mo naman lalong maiisip.
BINABASA MO ANG
2 Minutes, 23 Seconds
General FictionThe second hand of the clock ticks, counting down every moment, testing her understanding, patience and the power of emotions. Tick; promises are made. Tock; people leave. Tick; hearts are broken. Tock; people hurt each other like they're meant to. ...