"Shh. Stop crying baby girl. It's your special day." Patuloy pa rin sa pagpahid ng mga luha ng kapatid si Van."I wasn't really expecting any more gifts from you Kuya eh," she said in between sobs. "You're spending too much. Baka po maubos na pera mo."
Napangiti siya doon. Siya pa rin ang iniisip ng kapatid niya. "It's okay. Wag mo nang isipin yung pera ko. Pera lang yun. I just want to make you happy because that's what's important. Did you like it?"
Tumigil na ito sa paghikbi at nagliwanag na ang mukha nito. "Syempre po, Kuya! Thank you so so much!" Yinakap siya nito ng mahigpit. Ibinalik niya ang yakap saka hinagod ang likod nito. Doon niya lang napansin ang suot ng kapatid.
Kumalas siya sa yakap. "You're wearing a bikini?"
Ngumiti ito ng pilit saka tumingin sa sahig. "Sabi na nga ba eh, hindi approved 'to. Sorry po. Hehe." Napakamot ito sa ulo. Nakasuot kasi ang dalaga ng two-piece sa ilalim ng manipis na puting pang-itaas nito at maiksing shorts. Tama lang ang iksi noon pero ang shirt na suot nito ay masyadong manipis.
"I ordered this online..." Dagdag ng dalaga. Napailing na lamang si Van. "I thought it might look good on me."
Hell yes! It looks effin' good on her! Kahit pa may nakapatong na manipis na shirt sa ibabaw, halata pa rin kaya kita ni Van na bagay nga sa kapatid ang suot nitong bikini na simpleng neon pink lang ang kulay at walang ibang design. Bagay na bagay sa kapatid ang suot nito at ayaw niyang maging head-turner si Eury pag dating nila sa resort. Mahirap na.
"Wala ka bang dalang one-piece?" Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang kapatid at pinaikot-ikot ito. "Tsk tsk tsk. Hindi lang tayo ang tao sa resort kaya hindi pwedeng ganyan ang suot mo. Mamaya niyan, mabastos ka pa eh. Magpalit ka na. Dali."
Tumango naman ang kapatid saka pumunta sa may maleta nito sa tabi ng kama ni Chyn. Humalukipkip siya habang sinusundan ng tingin ang kapatid.
"Uhh... Kuya?"
Saka lang siya nakabalik sa sarili. Magbibihis nga pala ang kanyang kapatid at kailangan niyang lumabas ng kwarto. "Oh. Sorry."
Isinara niya ng maayos ang pinto at pagtalikod niya ay si Ivan agad ang tumambad sa kaniya. Nakasandal ito sa pader at nakahalukipkip. "May kailangan ka?" Tanong niya.
Hindi ito sumagot. Sa halip, ngumisi lang ito ng makahulugan saka bumaba ng hagdan. Wirdo.
Pumasok siya sa kwarto ni Ivan para kunin ang backpack na dadalhin sa resort. Pagkapasok pa lamang ay napalabas siyang muli nang marinig na tinatawag siya ng kaniyang Tita Mariella.
"Eric! Halika nga dito sandali!"
"Opo!" Agad niyang sagot. Mabilis niyang kinuha ang bag saka patakbong bumaba ng hagdan.
"Bakit pinaiyak mo raw si Eury?" Salubong sa kaniya ng kanyang Tita Ye.
BINABASA MO ANG
2 Minutes, 23 Seconds
General FictionThe second hand of the clock ticks, counting down every moment, testing her understanding, patience and the power of emotions. Tick; promises are made. Tock; people leave. Tick; hearts are broken. Tock; people hurt each other like they're meant to. ...