1' 12"

108 10 5
                                    

Ilang banda pa ang nagperform at karamihan sa mga estudyante ay pagod na sa pagsabay sa mga sikat na tugtog kaya halos lahat sila ay kalat na sa buong venue. Nananakit na rin ang mga paa ni Eury dahil kanina pa siya sa pwesto niya. Baka kasi dumating ang Kuya niya. Naisip niyang maupo muna sa mga upuan na malapit sa punch table. Kumuha na rin siya ng maiinom. Marami sa kanyang mga kaklase ang nakasalubong niya pero wala pa rin ang Kuya niya. Pati sina Nina at Drew ay hindi niya rin makita. Tinext niya ang dalawa ngunit kay Drew lang siya nakatanggap ng reply. Nagsabi itong pupuntahan siya kaya muli siyang nabuhayan ng loob. Kanina niya pa gustong subukan ang mga laro doon sa Vintage Arcade. Nasilip niya iyon kanina at hindi na siya makapaghintay na masubukan iyong Pac-Man.

Ginawa niyang pampalipas oras ang pagtingin sa langit at pagsipol habang hinihintay ang kaibigan pati ang kanyang Kuya. Nainis siya sa kanyang suot na sapatos dahil mukhang hindi niya maeenjoy ang buong gabi. Mukha ring medyo overdressed siya. Sana pala ay nag-cocktail dress na lang siya at mas mababang sapatos.

Binuksan niya ang camera ng kanyang phone para sana magselfie dahil nasa tapat pala siya ng poste ng ilaw nang makita niya sa screen ang isang lalakeng mukhang si Drew. Lumingon siya sa kanyang likod at nakumpirma ngang si Drew iyon na mukhang may hinahanap.

 Lumingon siya sa kanyang likod at nakumpirma ngang si Drew iyon na mukhang may hinahanap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Drew!" Kinawayan niya ito at nilapitan. His face obviously brightened up when he saw her.

"Wow. Ang ganda ganda mo, Eury." Hindi na napigilan ni Drew ang sarili na sabihin iyon. Kung hindi niya iyon masasabi ay pakiramdam niya ay mahihimatay siya. Binigyan niya ang sarili ng ilang segundo para titigan ang mukha ni Eury. Ngumiti lang ito sa kanya. Tulala na pala talaga siya sa mukha ng dalaga. Ang ganda rin ng suot nitong damit.

"Thank you." Bahagyang namula ang mga pisngi nito. Grabe. Maganda na nga, lalo pang gumanda. Tulala na pala talaga siya sa mukha ng dalaga.

"Fruit punch?" Alok ni Eury sa kanya. Agad niyang tinanggap ang basong inaalok sa kanya ng dalaga. Nag-cheers sila saka sabay na uminom.

Pagkainom ng punch ay tila may light bulb na nag-ilaw sa ibabaw ng kanyang ulo. "Alam ko na kung saan magandang pumunta!" He shouted out. Natatawang nalilito ang dalaga dahil sa sinabi niya. Siguradong mag-eenjoy sila sa naisip niyang puntahan. Kahit maraming tao doon ngayon ay makakasingit naman siguro sila. Hinila niya ang dalaga na nagpadala naman agad. Inalalayan niya ito nang makitang nakasuot ito ng high heels.

Nagpasalamat si Van sa sarili dahil marami siyang ipon sa bangko at okay lang na iwithdraw iyon dahil nagpaalam naman siya sa kanilang Tita Mariella. Ang kasunduan kasi nila ay maaari lang magdeposit sa kanilang account ni Eury, tig-isa sila, at hindi pwedeng magwithdraw ng kahit magkano hanggang hindi pa sila nag-ieighteen. At kapag nasa legal age na nga sila ay maaari na nilang gawin ang kahit anong gusto nila sa pera na naipon nila. Iyon ang isa sa nagpush sa kanila noong bata pa sila para matutong magtipid lang at mag-ipon; para sa future ay may pagkukunan sila kapag nangailangan.

2 Minutes, 23 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon