"Y-Yes, Kuya?"She wasn't sure if there really was a pained expression on her brother's face because it vanished as soon as she saw it.
Lumapit ito sa kaniya. Pakiramdam niya ay bumagal ang oras. Para kasing sobrang dahan-dahan ang paglakad ng kaniyang Kuya. Nangungusap ang mga mata nito at tila may gustong sabihin ngunit di lang nito magawa.
Nang tuluyan nang makalapit sa kaniya ang kaniyang Kuya ay nakaramdam siya na dapat niya itong yakapin gaya ng lagi niyang ginagawa. Nginitian niya muna ito na ibinalik din naman sa kaniya ng kapatid. Itataas niya na sana ang dalawang kamay niya para yumakap sa Kuya nang biglang may tumunog.
It was her brother's phone. Her hands stopped in mid-air and it felt extremely awkward. Agad niyang ibinaba ang mga kamay nang ilabas ng kaniyang Kuya ang phone nito na patuloy pa rin sa pagtunog. Kunot noo nitong tinignan ang screen saka bumaling sa kaniya. In his eyes were his apology for the hug and for the caller.
Malakas ang pakiramdam ni Eury na alam niya na kung sino ang tumawag. Tipid na nginitian niya na lang kaniyang Kuya bago ito tumalikod upang sagutin ang tawag.
"CC," rinig niyang sabi ng kaniyang Kuya saka lumayo.
Thought so. Unti-unti na niyang nakukumpirma ang mga iniisip niya. She sighed as little needles pricked her heart.
"Left your for another girl?"
Halos mapatalon siya nang bigla na lang may nagsalita sa tabi niya.
"Ivan!" Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat. "Don't do that, please."
Ivan chuckled then put an arm around her shoulder. "Sorry Lambkin," sabi nito sabay kurot nang marahan sa pisngi niya.
"Kausap niya si Stacey." It was not necessary for her cousin to know who her brother is talking to but she just felt like saying it.
Her dear cousin only smirked. "You know what?"
"Hm?" Nilingon niya ang pinsan.
"Whatever that is, it's not worth it."
He slightly patted her back then left to go to the bathroom. She was left wondering what is not worth it. Kahit anong pilit niya sa utak niya ay wala siyang mapiga. Alin ba ang hindi worth it? Napa-pout na lang siya dahil doon.
From a distance, she watched her brother's back. Nakapameywang ito at paminsan-minsan ay inilalagay ang kamay sa batok. I wonder what they're talking about.
"Van... I need you right now," Stacey pleaded over the phone.
Gaya ng pang-araw-araw na pamumuhay niya mula nang magsimula ang summer break ay nakatambay lang siya sa kaniyang apartment.
Nalilito siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Araw-araw at walang palya ang pagbisita sa kaniya ng kanyang tatay. Araw-araw siya nitong ginugulo para humingi ng patawad sa mga nagawa nito noong mga nakaraang taon. Halos dalawang taon pa lang nakakalipas mula nang nagdesisyon siyang mamuhay mag-isa, salamat na rin sa nanay niyang walang pakialam sa kaniya kaya puro oo lang ito sa kung ano mang hilingin niya para lang pabayaan niya ito sa pagiging buhay dalaga nito at para matahimik lang siya.
Akala niya ay tatahimik na nga ang buhay niya ngayong malayo na siya sa tatay niya, pero sino nga ba ang niloko niya? Mayaman ang kaniyang tatay at marami itong koneksyon. Ang kaniyang tito na kapatid ng daddy niya ay ang Chief of Police kaya kahit ilang pagtakas at paglayo pa ang gawin niya ay mahahanap pa rin siya nito.
BINABASA MO ANG
2 Minutes, 23 Seconds
قصص عامةThe second hand of the clock ticks, counting down every moment, testing her understanding, patience and the power of emotions. Tick; promises are made. Tock; people leave. Tick; hearts are broken. Tock; people hurt each other like they're meant to. ...