1' 09"

131 11 6
                                    


"Huh?" Drew squinted at the phone he was holding. It was not his. Ang alam niya lang ay inabot iyon sa kanya ni Nina na half asleep pa rin sa kama ni Eury.

"Hello po?" Inulit niya ang pagbati pero binaba na iyon ng tumawag. Sinubukan niyang umupo at ang una niyang naramdaman ay ang pananakit ng katawan. Nakatulog pala kasi siya sa sahig ng kwarto ni Eury samantalang ang dalawang babae ay kumportableng nakahiga sa malambot na kama.

Ang naaalala niya pa lang ay napuyat silang tatlo nang sobra dahil sa kakakwentuhan. Hindi niya siguro namalayan kagabi na nakatulog pala siya sa malamig na sahig.

Tinitigan niya pansamantala ang cellphone na hawak hanggang sa mapagtanto niya kung ano ang nangyari. "Ay hala!"

Nina grunted in response. Nagising kasi siya sa boses ni Drew. "Heyyy. May natutulog eh." Gising na ito ngunit mukhang may balak pang bumalik sa pagtulog. Imbis na patulugin muli ang dalaga ay yinugyog niya ito.

"UY! Yung Kuya ni Eury! Tumawag!" Dahil sa lakas ng boses niya ay pati si Eury na nasa kanang bahagi ng kama ay nagising na rin. Nakaupo na ngayon ang dalawang dalaga na magulo ang mga buhok. Saglit na napatingin si Drew sa bagong gising na mukha ni Eury. Nang ngumiti ito ay saka lang siya natauhan.

"Ay, eto pala." Tumayo siya at iniabot kay Eury ang cellphone nito. "Tumawag yung Kuya mo kani-kanina lang. A-Ako yung nakasagot, sorry." Napayuko siya sabay hawak sa batok dahil sa kahihiyan.


"Oops! Sorry girl! Inabot ko ata kay Drew yung phone mo while I was asleep. Naingayan kasi ako sa tunog eh." Hinawakan ni Nina ang mga balikat ni Eury habang nagsasalita. Si Eury naman ay bahagyang nalaglag ang panga. Hindi niya na kasi naipalam sa Kuya niya na kasama nila si Drew sa sleepover na ito. Paniguradong magagalit iyon lalo na't si Drew pa ang nakasagot sa tawag nito. Sinimulan na siyang kabahan.

Nang subukan niyang tawagan ang kanyang Kuya ay mukhang patay na ang cellphone nito. Lalo lang siyang kinabahan. Baka kasi kung anong isipin nun. Ayaw niya ring magalit sa kanya si Van, kahit pa wala naman siyang ginawang masama. May kasalanan rin naman siya dahil pinatulog niya sa bahay nila si Drew at hindi niya man lang naipagpaalam. Pabalik-balik na lang doon ang kayang isip.

Napagdesisyunan nilang tatlo na kailangan nang umuwi nina Drew at Nina. Dadaan na lang daw sila sa isang fast food chain para magbreakfast.

"I'm so sorry. Baka kasi pag naabutan kayo ni Kuya dito, pagalitan pa kayo," mahinang sabi ni Eury.

"No, it's okay. Sana hindi siya magalit. Wala naman tayong ginawang masama eh." Nina tried to comfort her kaya sinuklian niya ito ng isang ngiti.

Si Drew naman ay nakatayo lang sa may pinto at nakatingin sa kanilang dalawa ni Nina. Kita sa mukha nito ang kaba.

"Wag ka matakot kay Kuya. Mabait yun. May kasalanan lang talaga ako ngayon." Nginitian niya rin ang binata.

"Sorry, Eury." May halong lungkot ang boses ni Drew.

Nina didn't mean to chuckle at a serious situation but she did. Tumingin sina Eury at Drew sa kaibigan na may pagtataka.

"Sorry, ang cute lang kasi nung rhyme." Sa sinabing iyon ni Nina ay bahagyang napagaan nito ang atmosphere. Hindi rin naman kasi maintindihan nina Drew kung bakit sila natatakot kay Van. Tanging si Eury lang ang nakakaalam ng kung anong pwedeng maging reaksyon ng Kuya niya.

Nagpaalam na ang dalawang bisita sa kanya at sabay na lumabas ng gate. Bumalik sa puso ni Eury ang kaba dahil alam niya, pauwi na ang Kuya niya.

Pabagsak siyang umupo sa kanilang sofa at sinubukang muli na tawagan ang Kuya niya pero hindi pa rin siya nagtagumpay.

2 Minutes, 23 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon