Umaga na nang magising si Van. Nang tignan sa kanyang wristwatch ang oras, alas singko na pala. Tinapik niya nang marahan ang malamig na pisngi ng kanyang kapatid para gisingin ito. Ni hindi na pala sila nagising para sa stop over kanina. Mabuti na rin yun at nakatipid sila. Siguro ay gutom na gutom na ang kanyang kapatid.Sana ay sunduin sila agad ng kanilang Tita Mariella para makakain na ng agahan.
Ilang sandali pa, nakarating na sila sa terminal. Bago bumaba ng bus, napansin niyang may tinatawagan si Eury. She mouthed, Tita. Tumango siya at sumunod sa kapatid para bumaba.Kinuha niya ang kanilang maleta saka umupo muna para maghintay sa kanilang Tita. Sa isang gilid ay may nagtitinda ng taho. Bumili siya ng dalawa at binigay sa kapatid ang isa. Nagulat ito kaya muntik nang matapon ang taho.
"Oopsie!" Natatawang sabi nito. Napangiti siya sa cuteness ng kapatid. "Thankies."
Mabilis lang nilang naubos ang taho at limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin ang sundo nila.
Nagitla si Van nang sumandal sa kanya si Eury."Antok ka pa?" Tanong niya rito saka hinawakan ang pisngi nito para hindi ito umalis sa pagkakasandal sa kaniya.
"Yah," sagot nito na nasundan ng paghikab.
His phone pinged. Andyan na siguro sa labas ang sundo nila. Tinignan niya kung sino ang nagtext at nakitang ang Tita Ye nila iyon na nagsabing, We're here.
Tila nabuhayan ang kanyang kapatid na nakibasa pala sa text dahil nauna pa itong tumayo at naglakad hila-hila ang mga maleta nila.
Natawa siya sa ginawa ng kapatid. Sinundan niya ito at kinuha ang dalawang mabigat na maleta. "Excited ka masyado."
Tinawanan lamang siya nito saka naunang muli sa paglalakad.
Agad naman nilang natanaw ang isang pamilyar na puting sasakyan."That's their car, right?" Tanong sa kaniya ni Eury habang nakaturo sa puting sasakyan.
"I think so." Inaninag niya ang plate number. "Yes, that's it."
Pagkasabi niya noon ay tumakbo ang kanyang kapatid papalapit sa sasakyan saka kumatok sa bintana sa side ng driver. Matatawa na lang siguro siya sa kapatid kung maling sasakyan ang nilapitan at kinatok nito.
Dahan-dahang bumaba ang salamin ng bintana. Nang tuluyan na siyang makalapit sa sasakyan ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Malamang ay pareho sila ng naging reaksyon ng kanyang kapatid.
"Ivan!"
Sumaludo pa ito kay Eury maging sa kaniya.
Nagdadrive na pala ang kumag na 'to.
Napakunot ang noo ni Van sa kayabangan ng pinsan. Binuksan nito ang pinto para bumaba.Tumili ang kanyang kapatid saka yumakap kay Ivan. Hanggang ngayon ay close pa rin pala talaga ang dalawa.
"O, pumasok na kayo para makauwi na tayo," natatawang sabi ng kanilang Tita Mariella na nasa shotgun seat pala.
Agad na pumasok si Eury sa loob ng sasakyan para yumakap sa kanilang Tita habang si Ivan naman ay lumapit sa kanya.
"Yo, p're!"
Tinanguan niya lang ito. Hindi kasi sila close. Mas malapit sa kaniya ang dalawa nitong kapatid na babae.
Inilagay na nila sa likod ang mga maleta at bago pumasok sa sasakyan ay tinanong siya nito nang nakangisi nang mapang-asar. "Gusto mo bang magdrive?""No thanks." Sumakay na siya agad sa backseat. Baka pilitin pa siya ng pinsan eh. Hindi naman sa hindi siya marunong magmaneho. Noon pa lang ay tinuruan na siya ng mga naging blockmates niya. Wala lang siyang lisensya at wala rin naman siyang sariling sasakyan at isa pa, hindi pa siya 18. Kahit si Ivan nga eh ka-edad niya lang pero mukhang may lisensya na. Hm. Sa isip isip niya, edi siya na lang ang magdrive. Pagod pa kasi siya sa byahe tsaka...kung siya ang magmamaneho, edi si Ivan ang tatabi kay Eury sa backseat.
BINABASA MO ANG
2 Minutes, 23 Seconds
General FictionThe second hand of the clock ticks, counting down every moment, testing her understanding, patience and the power of emotions. Tick; promises are made. Tock; people leave. Tick; hearts are broken. Tock; people hurt each other like they're meant to. ...