1' 07"

136 11 0
                                    


"Hatid na kita?"

Palinga-linga si Eury sa paligid at nagbabakasakaling dadating ang Kuya niya habang si Drew naman ay nasa tabi niya at naghihintay ng sagot. Nauna na kasing nakaalis si Nina dahil may sundo ito.

"Sige, tara na. Baka busy si Kuya eh. Di pa siya nagtetext." She shrugged then stood up. Sabay silang naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Kuya mo yung kanina diba?" Tanong ni Drew.

"Yes, why?" Nilingon niya ang kaibigan at nginitian ito.

"I see," he paused for a moment. "He seems...scary. Is he?"

Bahagyang natawa si Eury sa itinanong ni Drew. "Hmmm. Let me think." Pabiro siyang naglagay ng isang daliri sa kanyang baba at kunwaring nag-iisip. "He's not. Why'd you say so?"

Nagkibit balikat lamang si Drew at ngumiti. "Akin na bag mo." Naglahad ito ng kamay sa kanya. Agad naman itong tinanggihan ni Eury.

"No need. Di naman mabigat eh."

Hindi nagpatinag si Drew at tumigil ito sa paglalakad kaya pati siya ay napatigil na rin.

"I insist." He gave her a wide smile.

She pouted then handed him her bag. "Thankies! Bait mo talaga."

Kinindatan siya ni Drew saka nagpatuloy sa paglalakad. Natawa siya sa kaibigan at umiiling-iling na sumunod dito.


"Sure kang ayaw mong pumasok sa loob?" Muling tanong ni Eury sa kaibigan. For the nth time, tumanggi ito at sinabing kailangan na rin nitong umuwi sa kanila.

"Di na talaga. Thank you. Maihatid lang kita and masiguro ko lang na safe ka, okay na yun." Nagthumbs up ito sa kaniya at ngumiti kaya nagpakita na naman ang dimple nito sa kaliwang pisngi. "Goodnight, Eury!"

Ngumuso ito bago sumagot. "Okay, fine. Kung ayaw mo talaga, di na kita pipilitin. Thank you sa paghatid. Ingat ka na lang sa pag-uwi."

Kumaway ito saka nakangiting naglakad na palayo sa bahay nina Eury. Pumasok na rin siya sa loob ng kanilang bahay at ginawa ang kanyang routine. Tinext niya rin muna ang kanyang Kuya para ipaalam dito na nakauwi na siya. Imbis na magluto ng ulam at magsaing ng kanin ay dumampot na lang siya ng dalawang mansanas saka umakyat sa kanyang kwarto. Iyon na lang ang kakainin niyang dinner.

Nang makapaghilamos na siya at matapos nang kumain ay naisipan niya na lang na tumambay sa Instagram, Twitter at Tumblr. Nakadapa lang siya sa kanyang kama at scroll lang nang scroll, palipat-lipat sa mga apps. Nagsisimula na siyang ma-bore at nahuhulog na rin ang talukap ng kanyang mga mata nang magkaroon siya ng bagong notofication sa Twitter. Hindi niya sana ito papansinin kaya lang ay kataka-takang galing sa hindi inaasahang tao ang tweet sa kanya.

Kunot noo niya itong binasa. Hindi niya alam kung anong iisipin. Hindi rin niya alam kung bakit kailangan pa siyang imention sa tweet na iyon.


-

Stacey Margaret @thestaceyaguirre

OMG! Sleepover with @vaneric_s tomorrow night! ♥♥♥ @euryeurydice

-


Hindi maiwasang isipin ni Eury na baka magkasama ngayon ang Kuya niya at si Stacey. Okay lang naman siguro sa kanya kung magkasama ang dalawa. Wala naman sigurong masama dahil magkaibigan naman ang mga iyon. Pwede ring busy talaga ang Kuya niya sa school works. Hindi iyon gaanong grade consicous pero malay niya naman.

2 Minutes, 23 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon