Chapter 1: Bullied

24 0 0
                                        

CHAPTER 1: BULLIED

Masaklap mabully, aminin. Lagi nating naiisip kung bakit may mga taong ganito sa mundo, at ang laging sagot ay baka naman may problema sila na hinaharap.

Pero guys, hindi naman porket may problema ang isang tao, ay kailangan niya itong ipasa sa iba pang tao.

First day of class. Transfer ako. Private school to a.k.a H.H.S or HogwartsHighSchool. Yun talaga pangalan niya. Hindi ko din alam kung bakit mala Harry Potter. 

Well, first day na first day nagkamali pa ko ng pinasukan na room. Room 16 sana papasukan ko. Malaki yung school. May 100 rooms, tapos hiwalay hiwalay pa. Medyo late na rin ako.

"16"

Nakapako sya. Pero may di pala ako napansin kaya biglaan na lang akong pumasok at nagsabing

"ROOM 16 'to?"

Natulala lahat ng nasa loob, may tumayo, babae sya, aba ang ganda ha. Pumunta sa may pintuan.

"Klasmeyts! Nawala nanaman ung isang pako. Nagmukang 16 nanaman tong room natin."

May tumayo ulit na isa pa.

"Patingin nga."

"O sabi ko sayo eh, manghingi ka muna ng pako kay Mang Vein."

"Ako nanaman, bahala na nga. Sige sige."

Medyo nainis ako, antagal nila sagutin tanong ko. Nilapitan ko yung magandang babae.

"Room 16 ba 'to?"

Medyo matagal bago siya nakasagot. Nakangiti siya sakin. Natatawa.

"Sorry, hahahaha. Room 91 'to. Natanggal yung pako nung sa taas kaya bumaliktad, ayan naging 16. Nandun ung 16 sa kabilang building, 50-100 ang nandito eh."

"Ah, pahiya ako ng onti. Salamat, ako nga pala si Mera." Todo ngiti ako. Kailangan may new friends.

"Cream, cream pangalan ko."

Mataray accent niya ha. Ayoko sa kanya. Hahaha, sino bang may gusto sa mga "omg-i'm-fabulous" pa sosyal accent na ganyan -__-

"Parang Cookies and Cream lang ah!"

"Ah, korni mo. Hahaha"

Syet, ano to. Ayoko na, pahiyang pahiya na ako.

"Sige bye, salamat."

"Oh, sure."

Ayt, hindi maganda ang mga unang minuto ko ngayon. Tumungo na 'ko sa kabilang building at sa wakas nakita ko na ang Room no.16

Pagkapasok na pagkapasok ko...

SWOOK!

Bigla ba namang may lumipad sakin na lapis, dalawa pa! Tapos di pa mukang mga 4th year HS itong iba. Ang gulo ng classroom. Mukang napabayaan. 

Naghanap ako ng silya. Wala atang bakante. May tumayo. Syet, ang pogi niya. Hysterical mode ang isip ko. May kamukha siya. Pero mamaya ko na aalahanin, baka mahimatay ako. Lumalapit na siya.

Ayan na.

"Uh, kukuha lang kita ng upuan sa kabilang classroom ha. Tabi na lang tayo, wala naman akong katabi sa likod eh."

"Ah, s-s-sige salamat."

Lumabas na siya para kuhana ako ng upuan. Narinig ko ng malinaw ang mga pangyayari, tabi daw kami. Omg, heaven muna saglit. Tapos sinampal ko sarili ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."

Nagtawanan ang mga bagong classmates ko.

"Miss, okay ka lang?"

Famous MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon