Tuesday Afternoon
It's so boring
~ Si Claine nandun sa play room naglalaro ng kung ano ano, Si Zylen nasa kwarto niya nagcecellphone, Si Red nasa labas nagmumuni muni, Si Yvette kasama si Claine, Si Seigvon nasa kitchen nagluluto ng kung ano-ano, Si Zaera kasama ko naglalakad lakad sa garde, Si Thyrone nagloloner actually? Si Thyrone ang pinakahindi ako pinapansin sa barkada kasi naman dati halos close na close kami pero isang araw bigla nalang siyang hindi namansin ang cold niya kasi nagpapansinan kami pag kunwari may tatanong siya tapos may tatanong ako dun lang kamo nagpapansinan pero yung mag haharutan na close? Hindi . and cold na niya kasi sa akin e.Wait! Sa ngayun? Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para ipakilala silang lahat hahaha sorna tamad e
Si Claine Angeline Galan, matalino, mabait, chubby, pero minsan lakas ng toyo top 4 namin sa class room.
Si Zaera Marie Cabungcag, mabait, makadiyos, morena, pero maganda,
Si Zylen Floyd Dionisio, May itsura malamang lahat ng tao merong itsura, mabait, sobrang close ko, daming naiisip na pwedeng gawin, mahilig magbasa ng libro
Si Red Andrei Reyes, mabait naman siya nakakaclose ko pero minsan hindi kami nagkakaintindihan, Chubby din. Pandak, medyo kulot yung buhok, astig
Si Seigvon Bosito, hindi ko alam kung anong gender ba nito pero malamya siya kumilos pero lalaki naman daw ewan silahis yata haha!, pero wag ka ang gwapo, mabait matalino,
Si Yvette Keith Pascual, Top 1 namin sa school, medyo kulot yung buhok, lagingnakaipit, may pagakabisexual pero mabait at matalino
Si Thyrone Patrick Sanchez, close kami dati, pero ngayun hindi na, mabait naman siya dati pero ngayun ang cold na, sobrang sweet dati pero gayun hindi na, gwapo! Sobra kung ako nga lang ang tatanungin siya na ang ideal boy pero barkada kami e.
Yan napakilala ko na masaya na kayo?
"Amh? Sham? Natapos mo naba yung speech mo?" Tanong pa sa akin ni Zaera habang naglalakad kami
"Hindi pa siguro sa sunday ko nalang yun gagawin pagkatapos nating pumunta sa church" sabi ko pa
"Good luck ha! Ichecheer ka namin!" Sabi pa ni Zaera habang nakataas ang kamay
"Thanks" sabi ko sabay ngiti sakanya
[A/n;Past forward nga natin ang story.]
Wednesday
Naghahanda na kaming lahat sa pagpunta namin sa mga nasalanta namili nadin kami ng ready to eat can and rice tsaka yung mga towel at unan na pwedeng gamitin ng mga nasalanta nagambagan kami para dito
Nandito kami ngayun sa sasakyan kedyo malapit nadin kami sa pupuntahan namin lahat kami masaya pero si Thyrone ayun nakapasak lang yung earphone sa tega parang ako lang nung dati .
"Alam mo Sham may napapansin ako sayo!" Sabi pa ni Seigvon
"Ha? Ano naman yun?" Tanong ko pa sakanya
"Simula nung nakausap mo yung Dylan dun sa may garden nila Zylen e hindi kana laging lutang minsan nalang?" Sabi pa niya sabay tawa nilang lahat
"Oo nga baka naman magselos na niyan si Thyrone" sabi pa ni Claine at tumawa at yung mga iba tumingin lang ng masama sa kanya si Thyrone din ang sama ng tingin sakanya
"Sorry" sabi pa ni Claine habang nakapeace sign
"Ha? Bakit?" Tanong ko pa pero hindi nila ako pinansin lahat halos lahat sila may pinagkakaabalahan, at pagkatapos nun napuno na ng katahimikan sa van
---
Nandito na kami nagayos na kami at naghanda sa pagdating ng mga tao sa lugar namin, at ayan na nga unti unti ng dumami ang mga tao may mga pasaway kasi pagkakuha bumabalik, at dahil nurse naman ang course ko at si Zaera chineck up nadin namin yung ibang bata at mga matatanda yung mga blood pressure nila. At yung mga kalusugan ng mga bata.
Pero nakita ko sila Tyler dun sa may venue namin, anong ginagawa nila dito?, lumapit sila sa amin kasama yung mga barkada niya at girlfriend niya mas marami silang magababarkada kesa saamin
"Ah? Eh a-ano-- a-anong g-ginagawa niyo dito?" Tanong ko pa kay Tyler
"Wala naman nagbibigay din kami ng relief goods, hindi namin inaasahang nandito din kayo" sabi pa niya habang magkaholding hands sila ng girlfriend niya, iwas na iwas yung tingin ko sa mga kalandiang nakikita ko ngayun.
"O-oh! Mabuti naman" sabi ko sabay ngiti
"Can you go with us?" Tanong pa sakin ni Tyler
"N-no, I can't go marami pa kaming kailangang tapusin s-sa eh dito pala at saka s-sa bahay na pinagbakasyonan namin" sabi ko na medyo utal
"Amh? Kung ganun? Can we join?" Tanong pa niya
"Can you join saan?" Tanong ko pa sakanya
"Sa bakasyunan ninyo?pwede ba kaming sumama?" Tanong niya
"P-pero hon?" Bulong pa ng girlfriend niya sakanya
"Ah eh tanungin mo si Zylen" sabi ko pa
"Pre! Pwede ba kaming sumama?" Tanong pa ni Tyler
"Sure pre! Hahaha malaki naman yung bahay kasya tayo dun" sabi pa ni Zylen ang sama naman ng tingin ko sakanya at peace sign lang yung naiganti niya saakin
"Sino sasama?" Tanong ni Tyler sa kabarkada niya tatlo lang yung nagtaas ng kamay Si Joren Si Kyrie at Si Grace syempre as usual kasama ang girlfriend niyang mukhang tuko.
"Oh? Pwede ba kaming tumulong?" Tanong pa ni Tyler saamin habang nakapulupot padin yung lintik na babaeng yun sakanya nakakairita lang
"Sure!" Sabi ko pa, gusto kong umiyak nakakaselos hindi ko alam yung nararamdaman ko bakit ako nagkakaganito
AT NATAPOS NA KAMI, MAY KAUNTING HINDI NAMIN NABIGYAN NG RELIEF NA SILA TYLER NA ANG NAGBIGAY AT NATAPOS NAMAN KAMI NG MEDYO MAAGA AT NAGSAKAY NA MUNA AKO SA VAN HABANG SILA NAGLILIGPIT PA SA LABAS
"SHIT! SHIT SHAM BAKIT KA NASASAKTAN! SHAM WAG KANG GANYAN!" Impit na sigaw ko sa van habang sinisipa ang upuan sa harap, naiiyak nalamang ako kanina gusto ko ng umiyak sa harapan nila kasi sobrang masakit,
"Wag ka ngang maingay!" Sabi pa ni Thyrone sakin at nandun pala siya nagcecellphone, tinitigan ko naman siya ng matagal ang gwapo talaga niya
"HOY IKAW!" sigaw ko pa sakanya
"Ha? Ako?" Tanong niya pa
"OO IKAW! BAKIT HINDI MO NA AKO PINAPANSIN ALAM MO ANG LABO MO RIN! HINDI MO MANLANG SINABI SAAKIN KUNG ANONG DAHILAN!" Sabi ko sabay crossed arm
"Wala kanang pakialam dun" sabi pa niya
"Ah? Thy? Pwedeng parequest?" Tanong ko pa
"Ano?" Tanong niya at nginitian ko lang siya
-- [TBC]
BINABASA MO ANG
Wasted Chance
Teen FictionYung nandyan na yung chance, yung chance na dadakmain mo nalang pero sa kasamaang palad sinayang mo lang kasi nung una naman hindi mo alam na magiging ganun pala yung lagay? hindi mo alam na sa sandaling panahon na napasaya ka niya mamahalin mo pala...