Thyrone P.O.V
Nandito kami ngayon sa Club, inaya ako uminom ni Sham gusto daw makalimot? Hindi naman gamot ang alak para makalimot -_-
"Alam mo ikaw? Malabo ka Thy. Kala ko pa naman mabait ka, pero parehash lang kayo pagkataposh niyo akong kaibiganin iiwan niyo din ako!" Sabi ni Sham na punong puno ng galit at lasing na lasing na
"Wala kang alam" sabi ko na kalmado
"Paano ako magkakaalam e ayaw mo ipaalam!" Sigaw pa niya sabay duro saakin
"Wag ka ngang sumigaw maingay na nga dito maingay kapa," sabi ko pa
"Wala kang pake!" Sigaw niya ay nakatulog na sa may counter
"Shet!" Tanging saad ko
--
Pinasan ko na lamang si Sham dahil lasing na talaga siya
"Alam mo ang sharap sha likod mo maluwag na malambot pa at shaka alam mo ang gwapo mo, kaso ang shunget shunget mo naman" sabi niya sa likod ko sabay sundot sundot ng pisngi ko na medyo mahina lang
"Lasing kana talaga" sabi ko
"Lashing? Shino lashing! Beng beng! Shiguro kaparehash ko din shila kaya shila naglalashing kashe hindi nadin shila mahal ng mahal nila" sabi niya at nakatulog na
"Pero mahal kita" tanging nasabi ko nalamang sa kanya na alam ko namang hindi na niya narinig dahil nakatulog na siya. Umuwi nalamang kami dahil baka nagaalala na sila dun
Nasa bahay na kami habang pasan ko padin si Shameral. At inihiga ko siya sa may sofa , mahal na mahal ko itong babaeng to kaya lang naman ako nagalit sakanya kasi mula nung nagkaroon na siya ng Tyler? Minsan nalang kami magkasama.
"Pre? Anong nangyari sakanya?" Tanong ni Tyler habang may kagat na Apple
"Wala pre nagkasiyahan lang" sabi ko pa
"Hon! Hindi kapaba matutulog? Kanina kapa gising ha?" Tanong pa nung babae na gf yata ni Tyler si Casey at sumama na si Tyler sa "Hon" daw niya
Alam ko naman ang dahilan kung bakit hindi pa natutulog si Tyler! Hinihintay niya si Shameral kahit tahimik ako alam ko mga kaganapan alam ko namang may care padin siya kay Sham. Pumunta na lamang ako sa kwarto at iniwan si Sham dun sa sofa.
THURSDAY
Sham P.O.V
"Ahhhhh" (hikab yan), natayo ako nang mahilo hilo umiikot abg paligid ang sakt ng ulo ko , dumiretso nalamang ako sa banyo para sumuka
"Sham? What's happening here?" Tanong ni Grace
"Ah? W-wala masakit lang ulo ko" sabi ko pa sa kaniya,
"BUNTIS KA?" sigaw pa niya na lahat naman nagulantang at nagsipuntahan sa kinaroroonan ko
"What the?" Rinig ko pang bulog ni Thyrone dahil baka soya ang mapagbintangan
"Sham paano mo nagawa to?" Tanong pa ni Yvette
"Di mo manlang sinabi" sabi pa ni Zylen
"Bata kapa" sabi pa ni Seigvon
"Ilang month na yan?" Tanong pa ni Joren
"Disgrasyada -_-" sabi pa ni Red, sila Tyler, Claine, Kyrie at Casey naman ay nakatitig lang sakin at halatang gulat
"TUMIGIL NGA KAYO! HINDI AKO BUNTIS! MUKHA BA AKONG BUNTIS TIGILAN NIYO NGA AKO VIRGIN PA AKO! PARA KAYONG MGA TANGA!" sigaw ko pa sabay labas
"E kung ganun bakit ka nagsusuka?" Tanong pa ni Tyler, tumingin naman ako sakanya sabay lapit ng sobrang lapit.
"Bakit? May paki kaba?" Sabi ko sabay ngiti "haha! Joke, Uminom kasi kami ni Thyrone kagabi sa bar nasobrahan ako hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi si Thyrone nalang tanungin niyo, gulat naman si Thyrone at lumapit sa akin at bumulong
"Ano kaba Sham pinapahamak mo ba talaga ako?" Tanong pa niya na pabulong
"Bakit ba? Edi isagot mo yung totoo!" Sabi ko pa at napatingin naman at lahat at lumapit kay Thyrone umakyat nalamang ako para magpahinga
Thyrone P.O.V
"Shet bro? Aminin mo! Nakascore ka?" Tanong pa ni Zylen
"Tae ka Thyrone lupet mo!" Sabi pa ni Red
"Nagkainitan ba? Hindi yung initan na suntukan ha! Iba iba." Tanong pa ni Seig ang sama naman ng tingin saakin nung iba lalo na si Tyler
"Ano? Bakit ang sama ng tingin niyo? Walang nangyari ang nangyari lang e pinasan ko siya at inuwi dito yun lang malisyosong mga tao to" sabi pa pa sabay akyat at sila naman naiwang tulala na parang tangang nagkukumpulan habang tinitignan akong umakyat
BINABASA MO ANG
Wasted Chance
Novela JuvenilYung nandyan na yung chance, yung chance na dadakmain mo nalang pero sa kasamaang palad sinayang mo lang kasi nung una naman hindi mo alam na magiging ganun pala yung lagay? hindi mo alam na sa sandaling panahon na napasaya ka niya mamahalin mo pala...