Chapter Thirteen: Park.

30 2 0
                                    

TUESDAY

Nandito ako ngayun sa park kung saan ang unang unang punta ko dito ay kasama ko si Tyler, ayoko na nga sanang pumunta dito e kaso wala naman akong magalaan kaya dito nalang. Habang nakaupo ako sa bench biglang may tumabi saakin

"Sham! Magusap nga tayo" sabi pa ni Tyler

"Para saan? Para maging ayos lahat? Para maging okay lahat? Diba hindi na mangyayari yun?" Tanong ko pa

"Mangyayari pa yun" sabi pa niya

"Oh eto piso Tyler hanapin mo pake ko bye! Oh at saka happy 2nd Anniv. sa inyo ni Casey!" Sabi ko sabay alis at sumakay na sa Jeep, ano bang akala niya sa sarili niya? Kala niya lahat ng problema kaya niyang sulusyunan.

--

Naglalakad ako sa Library ng pinatawag daw ako ng teacher namin sa English

"Sham! Pinapatawag ka ni Ma'am" sabi pa ni Clydel [KAKLASE KO]

"Ah. Sige sige susunod nalang ako Clydel" sabi ko sabay balik nung mga hiniram kong libro sa library, at tuluyan na ako pumunta sa may kabilang building masyadong mainit para maglakad sa oval kaya sa may gilid nalang ako dumaan nakita ko naman si Tyler na nandoon kasama si Casey break time na kasi.

"Hon, mahal na mahal kita" sabi pa ni Casey habang nakahilig yung ulo sa balikat ni Tyler at magkahawak yung kamay si Tyler naman parang ewan lang parang walang narinig

Pero alam mo ba yung masakit? Na napagtanto ko na hanggang ngayun pala nasasaktan padin ako, hanggang ngayun pala sobrang nasasaktan padin ako, kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad, Oo nadaanan ko sila pero pinasak ko yung earphones sa tenga ko at nilakasan yung sound at lumakad sa harap nila, malamang wala ng ibang daan.

Pagkadating ko sa Roomnagulat naman ako ng nagtatatalon sa tuwa ang zero's

"Hala? Kailan pa layo nagdrugs?" Tanong ko pa pero tinawanan lang nila ako taos lumapit saakin yung teacher ko sa english

"Ms. Collins, Kung hindi dahil sayo hindi mananalo ang university na ito,Congratulation Ms. Collins binigyan mo ng isang pangalan ang university. Sa araw ng bukas paparangalan ka namin sa stage at walang klase meron tayong program na inihanda na namin bago pa ang laban manalo matalo pero sa hindi inaasahan nananalo tayo, hindi ako nagkamali ng pagpili sayo Ms. Collins" sabi niya sabay palakpakan naman ng mga kaklase ko at umupo na ako sa may desk ko.

"Hindi ko to inaasahan" sabi ko sa zero's

"Walang hindi imposimble" sabi pa nila

"Thank you guys, sa pagcheer laong lalo na sa panonood" sabi ko sabay ngiti sakanila at nagsimula na nga muli ang klase.

Maraming Subject ang nagdaan para sa oras na yun at umuwi na ako saamin. Walking distance lang yung university samin kaya madalas ng lalakad ako siyempre kasama ang zero nang makarating na ako sa bahay nakita ko sila Mama at Papa kumakain na sila. Actually hindi ako lumaki na suportado na suportado nila ako, kahit nga nung 16 years old na ako pinapalo pa ako. Strict sila . lalo na nung nagkaroon ako ng grades na mababababa, hiyang hiya talaga ako sakanila nun kaya hindi ko naang pinapunta sila mama kasi baka isipin ni sayang lang pampaaral, pero sa totoo lang tama naman sila sayang lang pampaaral saakin kung ganun lang ang grades pero sa totoo lang ulit pinagsikapan ko naman talaga sadyang yung isang teacher ko lang hindi ko makasundo binase niya sa galit niya sakin yung grade niya din sakin kaya hanggang ngayun may sama ng loob padin ako sa teacher na iyon.

"Ma,punta po kayo bukas paparangalan ako" sabi ko kay mama

"Bakit?" Tanong pa ni Mama, Oo tama kayo hindi nila alam na lumaban ako marami silang hindi alam sakin at ayokong magopen kasi alam kong hindi nila maiintindihan

"Sumali ako sa Speech Contest hindi ko pala nasabi kasi baka matalo lang ako dun nakakahiya kung nandun kayo tapos talo lang ako" sabi ko naman habang naghuhubad ng sapatos "pero this time sinwerte na ako nanalo naman ako kaya bukas paparangalan ako bahala nalang po kayo kung pupupnta po kayo" sabi ko pa sabay upo sa kainan. Hindi naman kami mayaman di din mahirap may kaya lang

"Sige itatry ko" sabi pa ni Mama, as usual di naman makakapunta si Papa kaya di ko na inaasahan, kumain na lamang ako kasabay nila

Wasted ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon