Nandito ako sa may rooftop ng hospital para nadin magpahangin. Iniisip ko yung nangyare kahapon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Iha?" Napalingon ako nang biglang dumating so Papa
"Hm?" Tangin tugon ko
"May mga bagay na. Hindi natin kayang pilitin, dahil hindi lahat kaya nating mapagtagumpayan, tao rin tayo natatalo,napapagod,umiiyak,nasasaktan at nagmamahal, Sham bigyan mo ng chance si Tyler unang una, mabait siya , sabihin na nating malaki ang kasalanan niya sayo pero kung yun ang tinitibok ng puso mo. Kakayanin mo yan.. By the way pupunta tayo ng states para dun ka magpagaling at ma-operahan" sabi ni Papa
"But, sabi ng doctor? Hindi na nila to kayang paraanan" sabi ko pa
"Dito sa pilipinas yun, Sa states hindi natin sure, malay mo gumana" sabi pa ni papa
"Ee papa, Kung mamamatay din naman pala ako! Pa! Ayokong mamatay sa ospital! Mas gusto kong sulitin yung mga natitirang mga araw sa buhay ko, kasama yung mga mahal ko sa buhay, kasama kayo! Pa please naman." Pagmamakaawa ko pa kay Papa
"Anak, kailangan" sabi pa ni Papa
"Pa! Ayoko pa!" Sabi ko pa
"HINDI PA AKO HANDA! HINDI PA KAMI HANDA! WALA PANG HANDA NI ISA SAMIN! KAYA PLEASE! MAKINIG KA NAMAN SAMIN! LAHAT NG KAIBIGAN MO! LAHAT KAMI NAGPLANO NITO" sigaw pa ni Papa sakin habang nagpipigil ng iyak at saka umalis
Hindi ko naman maitatangging kahit ako din hindi parin handa pero kailangan ko maging handa. Kailangan ko.
--
1 Month Passed.
Okay na lahat. Pupunta nalang kami sa states for the operation halos lahat sila nasa hospital. Pati mga kaklase ko lalo naman yung mga kaaway ko, Pati si Tyler. Hindi ko alam pero madalas nandito si Tyler pero hindi ko siya pinapansin. Ayoko lang makasakit.. Madalas magkasama sila ni Papa. Madalas nagtatawanan sila halos magkasundo na nga sila. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa yun. Ang alam ko lang ngayon ilang month or weeks nalang natitira sa buhay ko.
"Sham?" Sabi pa ni Zylen habang winawagayway yung kamay niya sa mukha ko nakatulala kasi ako
"Oh?" Tanong ko pa pero nanatiling tulala
"Aalis nadaw kayo. Mamimiss ka namin" sabi pa ni Zylen
"Ah." Sabi ko pa at tumayo na tutal nakabihis na naman din ako,kaya aalis nalang. Siguro masakit para sakanila na aalis na ako.
"Sham. Gagaling ka okay?" Sabi pa ni Red nginitian ko lang siya
"Kakayanin mo yan,kakayanin mo" sabi naman ni Siegvon habang kayakap ako, niyakap na nila akong lahat at umalis na kami nila papa. Hinatid na din nila kami sa Airport at ayun. Nakapunta na ng states.
--
"Sham tara na ngayun na ang operation mo" sabi ni papa habangnaghahanda na umalis
"Susunod po ako" sabi ko naman habang nakaupo at nakahanda nadin lahat
"Dalian mo" papa
"Eto na" sabi ko sabay tayo at pumunta kay papa at sumakay ng kotse at nagdrive na si Papa.
Mga ilang minuto lang nandito na kami sa hospital. Hinihintay nalang namin yung oras ng operation na tatawagin kami sa room.
"Mr. Collins, where is your daughter? Is she ready for her operation?" Tanong ng doctor
"Yes,she is." Sabi ni papa at tumayo na naman ako at pumasok na sa isang room. At enoperahan at duggggs.
TBH.
BINABASA MO ANG
Wasted Chance
Teen FictionYung nandyan na yung chance, yung chance na dadakmain mo nalang pero sa kasamaang palad sinayang mo lang kasi nung una naman hindi mo alam na magiging ganun pala yung lagay? hindi mo alam na sa sandaling panahon na napasaya ka niya mamahalin mo pala...