Errors, typos and wrong grammar ahead.
Feel free to judge me :) I hope we can be good friends.
Twitter: PrioriShin
THIS IS A FANFICTION
Simula
Malakas ang ihip ng hangin ang tumatangay sa staright at itim kong buhok. Hindi ko minsan maintindihan ang klima dito sa Cagayan De Oro. Sometimes it's too hot but sometimes it's cold. Dala na rin siguro ito ng climate change kaya ganito.
Bumalot ang ang ingay ng hiyawan sa tenga ko. Nakita ko ang tumaas ang kamay ni Kuya Azi sa audience na nanunuod ang game nila. Lalo lamang nagwala ang mga manunuod sa pagyayabang niya sa pangatlong shoot sa bola sa quarter na ito.Tinignan ko naman ang iba kong pinsan na busy sa painit na laro.
60-58 ang score nila. Nangunguna ang Chevaliers na team ng XUHS, kalaban 'yon nina Kuya Azrael at ng mga pinsan ko. Rafael stole the ball from the guy at madali niyang naiwasan ang block ng point guard ng kalaban at naishoot iyon. Kaya pantay na ang score nila ngayon.
Every summer ay may sinasalihan na competition na ganito ang mga pinsan at kapatid ko. Isa si Kuya Knoxx sa team ng Chevalier, nakabangko lang siya ngayon dahil hindi na siya pinaglaro sa last quarter ng game. Hindi ako pamilyar sa team pero alam kong kadalasan sa player nila ay nagmula sa XUHS. Kabilang iyong Hendrix Ty, Eion, Silver Sarmiento at Kuya Knoxx. Iyong iba ay hindi ko na kilala.
Napasinghap ako ng mabunggol ng pinsan kong si Elijah si Eion. Matalim na tinitigan ni Elijah iyon. Napatayo ang pinsan kong sina Erin at Klare para tignan kung anong nangyari. Namimilipit sa sakit si Eion at parang na-sprained pa iyong ankle niya. Inakay siya nina Silver at Hendrix. Narinig kong papalitan daw iyon ng ng ibang player, naisip kong baka si Kuya Knoxx ang magsub ngayon.
Kinakausap naman nina Rafael at Kuya Azi si Elijah na hindi man lang nagsasalita at halatang banas. Napagpasiyahan yata nina Rafael na i-sub si Josiah kay Elijah.
"Ano ba Elijah? Kumalma ka nga!" Pagalit na sigaw ni Rafael ng iwan sa bangkuan si Elijah. Tinapik naman ni Josiah ang balikat ni Elijah at inaya na si Rafael dahil magsisimula na ulit ang laban.
Napapikit nalang ako at sinuot ko uli iyong beats. Napangiti naman ako ng marinig ang boses ng kumakamnta.
"Mian Mian Hajima..." First line ng kanta. Ituon ko naman ang pansin ko sa aking iTouch para maghanap ng susunod na kanta.
"MONTEFALCO!!!" Kahit naka headphones na ako ay narinig ko parin ang chant ng mga babae sa kabilang parte ng covered court para sa mga pinsan ko. Napailing nalang ako.
Sikat ang mga Montefalco sa lalawigan namin. Naging governor kasi ang great grandfather namin kaya siguro naging ganoon na nga. Nadagdagan pa dahil sa mga parents namin na sikat sa kanilang propesyon.
Nilingon ko ang katabi kong si Klare na nakatingin lang sa court. She's fair and has these not so chinky eyes that I think she got from her mother. Her cute younger brother Charles got the same eyes like her.
While Erin is kinda morena like his brother Josiah. Matangkad siya at may slender na katawan. Opposing their older sister named Chanel, she is petite and fair. Habang ang middle child naman na si Josiah ay mayroong mala-anghel na mukha na kahit sino atang malapitan niyang babae ay madadale ng 'kainosentahan' kuno niya.
Rafael and Damon are both tall but all Montefalco boys are tall and good-looking pero si Rafael yata ang pinakamatangkad. The older brother Rafael is sometimes serious and si Damon naman ang pinakamasungit sa kanila but when you saw his devilish smile ay baka kabahan ka.
Kuya Justin is Yasmin and Elijah's brother and he's the oldest Montefalco among us. Matatangkad silang magkakapatid. Justin is the oldest among them and the nicest between my boy cousins. Elijah is sporty like Josiah. Siya yata ang may pinakanakakaengganyo na mata sa aming lahat kaya maraming nahuhulog sa isang tingin lang niya at kahit hindi siya pumuporma. Yasmin is older than Elijah, para siyang model kung tutu-usin at marami rin nanliligaw sa kanya pero binabalewala lang niya.
Si Kuya Knoxx at Kuya Azrael ay magkamukha. Mas matanda ng isang taon si Kuya Knoxx at mas seryoso siya kay Kuya Azrael. They always fight over petty things kaya hindi sila magkasundo. Azi is always carefree and vain. Kuya Knoxx' eyes are dark and cold. They opposes in many things kaya nga hiwalay ang school nila ni Kuya dahil baka magpatayan sila.
Humikab ako sa katatapos lang na kanta at nilipat ko na ito sa nais kong kanta. Sumulyap ako sa score board at hindi na nagtaka na nangunguna parin iyong Chevaliers . Halos dikit parin ang score nila sa 74-73. Magagaling naman maglaro ang pinsan ko kaya lamang ay madalas silang natatalo kapag nandyan iyong Hendrix Ty at si Kuya Knoxx.
Si Rafael ang pinakaganado ngayon sa laro at iyong isang pinsan ni Elijah na si Maxwell. Sina Rafael, Azrael, Maxwell, Josiah at Damon ang naglalaro ngayon. Nakita ko naman na abala si Kuya Justin sa cellphone niya sa bangkuan nila kasama si Elijah at pinsan pa nitong isa na kapatid ni Maxwell. Hindi ngumingiti si Elijah at nakatitig lang sa mga naglalaro. Tinanggal ko ang beats ng matapos ang huling kanta.
"Kawawa naman si Eion." Narinig ko ang awa sa boses ni Klare. It's not new to me, alam kong crush iyon ni Klare at baka mag-away sila ni Elijah mamaya dahil nasaktan niya ito.
"Oo nga! Kainis talaga 'yang si Elijah!" Inis naman na tugon ni Erin dito. As for Erin, hindi ko mahinuha kung nakikisimpatya ba talaga siya kay Klare o galit din siya kay Elijah dahil nasaktan si Eion. Ewan ko, pero pakiramdam ko ay may gusto rin si Erin kay Eion hindi lang niya maamin dahil crush ito ni Klare.
Ako, si Erin at Klare ang magkakabatch sa school. Sina Damon, Elijah, Kuya Azi at Josiah naman ang magkakaklase. Si Kuya Knoxx ay ahead ng one year sa kanila pati si Rafael at Chanel, sila naman ay magkaklase at pareho silang academic monster. Pero madalas magparaya si Rafael para kay Chanel. Ahead rin si Yasmin dito ng isang taon at dalawang taon naman ang tanda ni Kuya Justin sa kanya.
Sinuklay ko ang buhok kong mahaba at itim na itim gamit ang mga daliri ko ng matapos ang laro at nanalo ang team nina kuya Knoxx because of the points given by this guy who have this somber eyes na hindi gaanong singkit. Nagtama ang paningin namin ng mai-shoot niya ang ang puntos na nagpanalo sa kanila.
Malamig ang tingin na ipinupukol niya sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. Lumingon siya kaya naman sinundan ko ang tingin niya at tumama iyon sa kapatid ni Maxwell na hindi ko maalala ang pangalan, nakatingin siya sa akin at nangingiti. Ibinalik ko ang tingin sa lalaking iyon at nagtama ulit ang paningin namin.
Tumayo na ako nang maramdaman na tumayo narin sa kinauupuan ang mga pinsan ko pero hindi parin napuputol iyon titigan namin. Kumunot ang noo ko sa seryosong mukha niya. Tumalikod na ako bago pa ako kilabutan sa pagkacreepy niya.
Bago kami makalabas ng court ay muli ko pang sinulyapan ang lalaki pero nakita kong nakatalikod na iyon. Napanguso ako nang makitang 'Ty' ang nakalagay na apelyido sa Jersey at napansin kong iba ang disenyo ng jersey niya kila Kuya Knoxx. Mula pa yata ito sa Ateneo De Davao.
"Dette, let's go." Tinawag ako ni Kuya Knoxx.
Kumunot lalo ang noo ko nang mapansin na zero pala ang number ng jersey niya. Kasi usually ay date of birthday ang nakalagay 'don hindi ba?
"Dette!" Inirapan ko si Kuya Knoxx nang lingunin ko siya at sumakay na kami sa sasakyan namin.
What's with the zero? Suddenly I'm curious.