Chapter Thirty-Seven

13.4K 189 4
                                    


CHAPTER THIRTY-SEVEN

Oblivion

Hindi naman sila nagtanan nagpunta lang sila ng Mati City na hindi pala ipina alam ni Hendrix sa mga magulang niya. Pero alam ko naman kahit hindi sabihin ni Erin na sinabihan na siya ng mommy nila Hendrix ang tungkol sa tradisyon nila.

"Peace be with you." I smiled back at Pierre. Ito ang huling araw ng simbang gabi at nakumpleto naman namin.

Sabi nila pagnakompleto mo daw ang simbang gabi ay pwedeng humiling. Kaya ang hiniling ko ay oras. Oras para makasama pa si Pierre nang matagal.

"What did you wish for?" Tanong ko. Alas sais na at nagbrekfast pa kami bago niya ako iuwi sa bahay.

"To be with you always." He held my hand and pressed it gently.

I hope so Pierre. How I wish for that too but I know in the end we still can't.

"Take care sa pag uwi mo sa Davao." Sabi ko.

"Always." He lifted my hand and kissed it.

I spent my Christmas with our family. Ang sabi ni Erin ay pupunta daw siya ng Davao at sasamahan siya nina Klare at Elijah para madalaw si Hendrix. I wanted to come too but I realized I shouldn't. I miss him , yes. But I shouldn't invest more feelings. Lalala lang kung ganoon.

December twenty-six. Almost six a.m I went out for jog na minsan minsan ko lang ginagawa.

Nagsimula ako kaninang five a.m at sapat na ang isang oras na iginugol ko dito.

Pabalik na ako sa bahay ngunit isang Montero ang kanina pa sunod ng sunod sa akin kaya mas lalo kong binilisan an paglalakad ko.

Huminto ito sa harap ko at bago pa ako makasigaw ay natulala na ako ng ibaba ang bintana ng sasakyan at isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

"Are you Claudette Montefalco?" Sopistikada nitong tanong.

His pale skin remind me of my grandmother, my mommy's mother.

I gulped before speaking. "Yes po, bakit po?" Magalang na tanong ko.

Bumukas ang pintuan at pinasadahan nya ako ng tingin mula paa hanggang ulo at ngumiwi siya.

I'm sure I'm dripping with sweat now. My gym clothes hugged my body that much.

"I know you know me but I want to introduce myself to you personally. I am Senica Ty, Pierre's grandmother." Mataray na sabi n'ya.

Abot sa tahip ang puso ko hindi dahil sa pagod kundi dahil sa kaba. "What are you doing here po?" tanong ko.

Tumawa siya ng mapakla. Nakamasid lang ang dalawang gurad sa gilid ko pati na ang driver nito at nurse na kasama nito.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I know you, you are the girl Pierre's playing with. I also want to tell you na layuan mo ang apo ko." Mariing utos niya.

So this is it? Ito na ba yung iniiwasan kong mangyari? Didn't I just wished last Christmas na matagal pa itong dumating? Pero bakit parang napabilis yata? Ano, Na excite?

"Excuse me po, but we're not playing with each other." Sagot ko dito.

Ngumiwi siya. "Believe it for yourself. So what's your label then? Is he your boyfriend?" Sarkastikong tanong n'ya na may mapaglarong ngiti sa labi n'ya.

"N-No Ma'am." I weakly said.

"Goodness gracious! So I am right? Naglalaro lang kayong dalawa dito?" Hirit pa n'ya.

Napalunok ako ng dalawang beses. I can't hide the truth na tama siya. We're not in a relationship, we're not dating and he didn't even courting me. Pero ni minsan ay hindi pumasok sa utak ko 'to. Hindi ko naitanong kung ano nga ba kami. Ang alam ko lang ay Masaya kami sa isa't-isa.

"So I'm telling you this little girl. Consider this as a friendly advice. I know my grandson, he's hard headed and you cannot tame him. No one can ever tame him. He can trick everyone he likes to trick. He will not be my favorite grandson for nothing. He's just like me. Wise."

Napakurap kurap ako. Nahihirapan na akong lumunok dahil sa nakabaradong kung ano sa lalamunan ko na nagiging sanhi ng pang gigilid ng luha ko.

" He's not like Hendrix na masunurin sa amin. Kung susunod man siya ay desisyon nya 'yon. So, I told him to date a girl he wants, even she's not Chinese."

So ako yun?

Tumawa siya. "Then pagka hindi siya na inlove sa babaeng 'yon I'll give him my blessing to marry his childhood sweatheart, Irina."

Kinagat ko ang labi ko to stop myself from the verge of crying. Damn Claudette! Pull yourself up! Huwag kang maging mahina! Hindi si Pierre ang nagsasalita dyan! Huwag kang maniwala!

Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko 'yan. Hindi ganyan si Pierre. Their Ahma is just manipulating us.

"I remember their relationship. It was fresh and full of happy memories. Kaya lang ay pinaghiwalay ko sila dahil nagkaroon ng eskandalo ang pamilya ng mga Chen. Na bank krupt sila and I removed them out of Pierre's life.Wala sinabi si Pierre but I know he's hurt. Pero nung nabalitaan kong nagkita ulit sila nito ay nagalit ako nung una pero nang malaman ko na nagte take ng law si Irina ay nabawasan ang galit ko. Atleast she's proving herself to me, to us. Kaya naisip ko na pwede na sila at mahal naman siya ng apo ko."

I composed myself. This is a lie! I won't believe it. Pero hindi ko maiwasan na masaktan.

"So I challenged him. I think he'll marry Irina because he didn't fall in love with you. But otherwise, kung nahulog man s'ya sa iyo. He won't still end up with you. Kailangan naman niyang pakasalan si Princess Co."

So wala talaga siyang kawala? Konting tulak na lang talaga ay maniniwala na ako sa sinasabi ng Ahma nila but the other side of my head kept insisting that I shouldn't.

"What do you think? I suggest na ikaw na mismo ang lumayo kaysa malaman mo pa sa kanya ang totoo. Masasaktan ka lang lalo. Now, one sentence for you. Stay away from my grandson before you get yourself in oblivion." Huling kataga niya bago pinaandar ang sasakyan palayo.

Habang naglalakad ako pabalik ng bahay ay umulan pa. Napatinagala ako sa langit. Dinadamayan pa ako nito.

But still, I am hurting right now. Ii don't know the truth. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

"Pack your bags Azrael, Claudette..." Ani ni Mommy pagka kain namin ng almusal.

"Where are we going, Mom?" Takang tanong ko.

"Overnight camping tayo!" Sabi ni mommy.

"How about kuya and Entice?" Tanong naman ni kuya Azrael.

"They have better plans." Kindat ni Mommy.

Tumalima naman kami ni kuya Azi.

Magandang bonding din 'to at diversion sa nararamdaman ko. Kaya lang ay nasabi ko naman dati na hindi ako mahilig sa outdoor activities na ganito.

"Is your tent ready?" Tanong ni dad.

"Yup, dad." Sagot ni kuya. Naka established na ang tent na tutulugan namin mamayang gabi at kinabukasan ay aalis na rin kami.


To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon