Chapter One

37.5K 471 24
                                    


CHAPTER ONE

Spike, volleyball?

Pagkatapos ng laro ay nagsiuwian na kaming mga babae dahil may lakad pa raw ang mga lalaki. They probably girl-hunting again. Knowing Damon and Kuya Azrael? Isali mo pa si Josiah. I don't understand what's with their natural hobby. Simula palang kasi higher year ng grade school ay makati na ang mga pinsan at kapatid ko.

Kuya Azrael said it's for exploring. Para daw ito sa karanasan at ika-eenjoy ng youth life nila. Minsan ay nasapak siya ni Kuya knoxx nang malaman na hinalikan daw nito ang girlfriend niya 'nong grade 5.

"What the heck, Knoxx?!" Sinapo ni Kuya Azrael ang parte kung saan siya nasapok ni Kuya Knoxx at hinimas iyon.

"E, kasi naman po KUYA masyado ka pong mabilis.Di bale sana kung mutual ang kagustuham n'yo sa halik na 'yon, KUYA.I heard she cried because of that ,KUYA. Buti nalang hindi ka na-guidance, KUYA." Natawa ako sa sinabi ni Kuya Knoxx. Everytime he said the word 'Kuya' ay ineempasize niya.

"Tss. If I know crush mo lang si Paula e!" Umirap si Kuya Azi at pumasok sa kwarto niya. Humalakhak si Kuya Knoxx at lumapit sa pintuan ng kwarto ni Kuya Azi.

"FYI Azrael, I have a better taste than yours." Sigaw ni Kuya sa pintuan ni Kuya Azi. Humalakhak ako sa pag-aaway nila. Nilingon ako ni Kuya Knoxx at kinindatan. Umiling nalang ako sa kanila at pumasok na rin sa kwarto ko.

Sa kasalukuyan, bumungad naman sa akin ang frame ng picture nina Kaneki Ken at Taeyang. Puro caricature 'yon na regalo ni Erin nung nakaraang birthday ko, thirteenth birthday ko.Humiga ako sandali sa kama at pumikit.Pero 'yong mata parin ng lalaking 'yon ay hindi maalis sa isip ko.

Ngayon ko lang s'ya nakita. His built is just the same Kuya Azrael has. Matangkad din siya at maputi. Mapula ang pisngi niya, naaalala ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa init o talagang rosy cheeks lang s'ya.

Isa pa, 'Ty' s'ya. I wonder if he's one of Hendrix Ty's relative. Hindi ko naman alam kung anong meron kay Hendrix Ty, sabi ni Erin ay crush daw n'ya iyon. Pero sa nakikita ko sa kanya kay Eion ay hindi ko na alam.

Ipinilig ko ang isipin tungkol sa dalawang Ty na 'yon.Tumama ang sinag ng papalubog na araw sa mukha ko kaya iTinaas ko ang may maputlang kulay na braso ko patungo sa aking mata para matakpan 'yon. Tinamad ako na isarado nalang ang bintana at kurTina.

Kahit na hindi naman ako tumili at nagtatalon kanina ay pagod na pagod ako at antok na antok. Sa tingin ko ay may isang oras akong umidlip. Tinignan ko ang wall clock at six thirty na. Malapit nang maghapunan, hindi ko alam kung nakauwi naba sila Kuya galing sa lakad nila.

Simula nang mag high school sila ay panay na ang lakad at gala nila kung saan. Madalas ay nag s-sleep over sila sa bahay ng iba kong pinsan. Madalas kina Elijah. Minsan kina Rafael dahil wala naman ang mga magulang nito madalas dahil sa negosyo sa abroad.

Ganoon rin naman ang parents nila Kuya Justin. Natatandaan ko dati na grade two si Elijah nang don na mag-aral sa New York kasama ang mga kapatid niya. Umuwi naman sila nang mag grade six si Elijah. Papasyal pasyal nalang din sila sa U.S pag holidays tulad ng Christmas or New Year.

Bumaba ako at as usual ay sumalo sa aming tahimik na dinner. Si Mommy at Daddy lang ang nag-uusap sa hapag at masyadong behave si Kuya Azrael at Knoxx ngayon. Ganito naman lagi ang eksena dito. Magsasalita ka lang pag tinanong ka.

It's like you are only a servant who will do what the king told you so. Pangatlo kasi ang Daddy ko na si Azrael Ian Montefalco Jr. sa lima na magkakapatid na Montefalco. Panganay si Tito Exel, sumunod si Tito Stephen then followed by dad and then Tito Lorenzo and then the youngest of them, Tito Benedict.

Si Kuya Azi ang ginawang the third dahil narin siya ang pangalawang anak ni Daddy. Sa kanilang magkakapatid ay sina Tito Benedict at Lorenzo ang pinaka nakakajamming sa gusto naming mga magpipinsan.

Nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na ako na aakyat sa kwarto. Nagbeso na ako kina Mommy at Daddy pati kina Kuya. My Kuya's did the same at sabay-sabay na kaming umakyat sa hagdanan.

Walang imikan ang namagitan samin dahil baka pag umimik si Kuya Azrael o Knoxx ay baka magbarahan nalang sila kaya siguro ay napili nalang nilang tumahimik. Hindi mabubuo ang araw ko kung hindi ko nakikita na nagbabangyan ang dalawang ito. Ako minsan ang tagatawa o taga-awat nila pag masyado nang mainit ang sagutan.

"Ang panget mo, Kuya." Lait ni Kuya Azi kay Kuya Knoxx nang malapit na itong makapasok sa pintuan niya. Tapat lang kasi ang pinto ng kwarto nilang dalawa at nasa dulo iyong akin. Mabilis na pumasok at sinarado ni Azi ang pinto at narinig ko pa ang halakhak n'ya.

"Hell? Wala ka na namang magawa Azrael! Tss."Kinalabog ni Kuya Knoxx ang pinto ni Kuya Azi bago pumasok sa kwarto nito.

Kung wala silang mapag-awayan minsan ay gagawa ang isa nang pwede nilang pagbangayan. Kahit parati silang ganon ay nagtutulungan naman sila kapag gipitan na kaya lang ay hindi ko pa yatang silang nagsabihan ng thank you.

I entered my room and found my phone vibrating. I saw Elijah's name in the I.D caller. Pagtataka ang bumalot sa akin. Hindi naman ito tumatawag kung hindi emergency. Ano bang meron sa lalaking ito?

Hinintay ko munang may magsalita sa kabilang linya. Eleven seconds ang sinapit bago may madramang umubo.

"H-Hello?" Naulinigan kong hindi boses 'yon ni Elijah. Oh God! Is there something bad happened to my cousin?

"Who's this?" Medyo mataray kong sagot. Hindi ito sumagot agad at nagsisismula na akong mainis.

"Akin na nga 'yan!" Humupa ang nagsisimulang kaba sa puso ko nang marinig ko ang boses ng pinsan ko.

"Elijah?" Tawag ko.

"Hello, Dette?" Boses n'ya. Hindi ako sumagot at hinintay ang mga sasabihin n'ya. Sino ba 'yung kanina? Gusto kong itanong 'yon ngunit naunahan na n'ya akong magsalita.

"Did you know asdspikefghjkl?" Kumunot ang noo ko sa hindi maintindihang tanong n'ya. Naging choppy kasi ang linya.

"Spike, Volleyball?" Tanong ko. Para kasing ito iyong naging tanong n'ya eh. Narinig kong humalakhak si Elijah at may nagmura pa.

"Okay Dette, sorry for disturbance. Sleep well!" Binaba na niya ang tawag na tumatawa parin. I'm not into sports and he knows that. So why?

---


Hope you'll spread it. Thanks!

Twitter

To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon