CHAPTER FOURTEEN
TC
Klare received negative comments from the people around us when the news exploded like a bomb. Pati si Tita Helena at lalong lalo na si Tito Lorenzo. Dahil dito ay lalong hindi na nakikisama sa amin si Klare.
She always refused to be with us. Kung makikisama man siya ay hindi siya nag-eenjoy at pangiti-ngiti na lang. She's not the same Klare we used to know before. Laging lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya.
Kung minsan ay wala siya sa Montefalco Building ay malalaman namin na sa Hillsborough siya. Hindi rin naman siya hinahanap hanap nila Erin at ng mga lalaki dahil may tampo sa kanya ito matapos magpalit ng apelyido.
Simula non ay ako na lang ang madalas niyang nakakausap sa amin o si Kuya Knoxx pag nagbabakasyon siya dito. Malamig rin ang turing sa kanya ng mga pinsan namin. Kaya siguro ay hindi na lang niya pinauunlakan ang ayaya ko tuwing may simpleng gathering o gimik kami.
Nararamdaman ko na pinipiga ang puso niya dahil sa lamig ng pakikitungo ng iba sa kanya at sa biglang nabuong pader sa pagitan nila. Tuwing magkikita naman kami sa school ay nginingitian lang niya ako. Hindi kami magkaklase sa ibang units dahil hindi kami sabay nag enroll.
Kahit gusto ko siyang imbitahin sa mesa namin nina Erin, Liza, Hannah at Julia ay siya na mismo ang kusang tumatanggi kahit na si Erin lang naman ang nandon at hindi siya gaanong ma-o-op. This is not like what Erin's treatment when Klare's turned down Eion. This is way colder. Ni hindi siya magawang tignan nito at kausapin. Same with Chanel, Josiah and Azrael. Pinapansin naman nina Rafael at Damon si Klare but they're a bit cold. It's not the same anymore.
"You'll spend summer with your brothers?" Ibinaba ko ang milkshake na inorder ko. Tumango sa akin si Klare at hindi niya naitago sa mga mata ang lungkot.
"Hiniling nila. Pumayag naman si Mommy because I spent my whole March at the Montefalco Building. Kayo? Any trip?" Tanong niya pabalik at umiling ako.
"Wala pa silang plano. May kanya-kanya yatang bakasyon ang magpapamilya. As for us, Mom planned that we'll visit Cebu again. I dunno if we'll visit Kuya Knoxx too. Sa first week ng April." Ngumiti ako at sinuklian niya iyon pero hindi umabot sa mga mata niya. Maging ang pagngiti niya ay hindi na rin solido. Hindi ko alam kung ganito rin ba siya pagkasama niya ang mga kapatid niya. Simula nang magpalit siya ng apelyido ay mga kapatid na niya ang lagi niyang kasama.
"I think we'll go to Camiguin or Samal again. Pierre requested for it." She shrugged. Ngumuso naman ako nang mabanggit ang panagaln ng kapatid niya.
"How are they?" Curious kong tanong. Tuwing weekdays ay nasa Montefalco Building siya pag may pasok at weekends naman nasa mga kapatid niya siya nanunuluyan. Kahit saglit na panahon pa lang ay napansin kong madali silang nagpakisamahan.
"Hendrix' bossy sometimes but he always give me my whims. Si Pierre din, laging gusto ko ang nasusunod sa kanya. Though nung una ay cold siya at may pagkamasungit but it wiped away nang magsimula ko siyang tuksuhin sa jacket na ayaw niyang ipahiram nang minsan na maghalungkat ako sa closet niya. Yon ang napili ko kasi yun lang ang medyo kasya sa akin." May pumitik sa puso ko. Some of me hope that the jacket she's talking about is the same jacket he lended to me one time.
"Was it Nike, color black and may design na gray line sa sleeves?" I can't helped but to asked this question.
"Exactly. Why?" Nakataas ang kilay niya. Kinunot ko ang noo ko.
"Wala." Umiling ako.
"He said bibilan na lang daw niya ako ng ganong jacket wag lang 'yon. Then he shove me out of his room at pinapunta na lang ako kay Hendrix. Sabi niya don na lang daw ako manghiram. Wala kasi akong jacket sa Hillsborough that time. Kaya napilitan akong suotin ang parang bestida sa akin na jacket ni Hendrix." Natuwa ako kung paano niya ikwento yun. Ngayon ko lang ata ulit nakita si Klare na kumislap ang mata.
"Galing siguro 'yong jacket sa crush niya." Natatawa pa niyang dagdag. Tipid akong ngumiti. May parte sa tiyan ko parang nabutas sa sinabi niya.
"Crush? You think nagkagirlfriend na ang mga kapatid mo?" Tanong ko na nagpabago ng tawa niya sa ngiting may halong panunukso. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumisi lang siya.
"I'm just asking, don't put some malicious label." Pagalit kong sabi pero natatawa parin siyang tumatango.
"I know, I know. As for Hendrix, Siguro Oo. Hindi naman ilag sa babae 'yon e. Si Pierre? Yon ang hindi ko alam. Hindi ko pa 'yon nakitang may pinormahan na babae." Paubos na ang shake niya pero yung akin ay nangangalahati pa lang. The invisible hole in my stomach suddenly filled in.
"CR lang ako, Clau." Tumango ako sa kanya at dumiretso siya sa Comfort Room na malapit lang. Ako naman ay nakatanga lang habang patuloy na nagpla-play sa utak ko ang mga sinabi niya.
'Hindi ko pa 'yon nakitang may pinormahan na babae.'
Natawa ako sa ng lihim. Sa sobrang kasungitan siguro non ay ilag sa kanya ang mga babae kaya hanggang ngayon ay wala pa ring love life. Or is he gay? Bloody hell, no.
Isang lalaking naka kulay Red na poloshirt at maong pants paired with simple red converse ang pumasok sa store. Nakita ko pang nilingon siya ng mga babae sa kabilang table namin. Halos marinig ko ang bulungan nila at pag-puri sa kapapasok lang na lalaki.
I was dazed while he's walking towards my place. His lips we're slightly parted after he licked it. That simple move caused to show up his damn dimple. I startled when he finally approached me.
"Are you with Klare?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko siya madalas kakitaan ng ekspresyon kaya lalo akong nabigla rito.
"She's in the comfort room right now." Huminga naman siya ng malalim at luminga-linga sa table namin.
"Pwede kang umupo." I sarcastically said. Tumaas ang kilay niya pero umupo rin. Tinignan niya ang cellphone ni Klare at binuksan. Kumunot ang noo niya ng makitang dead battery pala 'yon.
"Kaya pala hindi ko siya macontact." Pabulong na sabi niya.
"Kanina pa 'yan ganyan. Nakalimutan daw niya yung powerbank niya. You'll fetch her?" Ngumuso siya habang nakatingin sa cellphone ko.
"It's already 6pm, so yes." Aniya matapos ilabas ang cellphone niya.
"Can I... Can I get your number? It's for emergency purposes. I know Klare's with you if she's not with us." Naniningkit ang mata ko habang lumilibot naman ang paningin niya sa Cellphone na nilalahad sa akin, sa mga mata ko at cellphone ko.
"Fine." I gumbled as I grabbed his phone. I program my number and gave it back to him. He smiled shyly at me and I answered it with a smile too.
"I'm sorry I can't text you.My phone's dead. I left my powerbank too." Klare said as she came to us. Tumayo si Pierre at ako. Klare and I gathered our things at lumabas na kami ng store.
"You want a ride, Dette?" Klare asked me after we reached at Pierre's car. Umiling ako at winagayway ang cellphone.
"You sure?" Tanong ulit ni Klare. Napalingon kaming tatlo sa kabubusinang sasakyan. Dali-daling lumabas ang nagdra drive non at dumalo sa akin. Nilingon niya sina Klare at mabilis na nag iwas ng tingin. Napabuntong hininga ako. Kailan ba 'to matatapos?
"I'm okay Klare. You go." Klare nodded as defeat.
"TC." Narinig ko pa ang boses ni Pierre. Kumunot ang noo ko nang tignan niya ako ng walang emosyon bago pumasok sa driver's seat. TC? What's that? Take care?
"C'mon, Dette." Azrael patted my shoulder. Nilingon ko siya at Tinanguhan.