Chapter Forty-Four

13.3K 242 7
                                    


CHAPTER FORTY-FOUR

Unpatient

Tulad ng sabi ni Pierre ay lumabas kaming dalawa. Pero pinauna niya ako sa boardwalk.

Nakita kong may isla sa di kalayuan. Naaalala ko tuloy ang cloud nine. Ganoon din dito e, may boardwalk at white sand. Yun nga lang ay mas pino ang sa cloud nine. Ang sabi ay ito daw ang surfing capital ng Ilocos at sang-ayon naman ako doon.

Kaya siguro ay nagustuhan rin ni Pierre dito. Konting lakad lang mula sa bahay niya ay makakarating na rito sa boardwalk. Sinabihan ako ni Tatang Minyong na isa pala sa tagabantay yata dito na mag-ingat sa hangin dahil mahangin daw ngayon.

Alas kwarto na at hinihintay ko ang paglubog ng araw. Kaya nandito ako sa kubo, na dulo ng boardwalk.

Gusto ko sanang magpicture kaya lang ay wala akong nadalang camera sa pag-alis namin. Cellphone ko lang, kaya lang ay ayaw kong buksan. Yung iTouch ko sana kaya lang ay hassle kung babalikan ko ngayon. Pwede namang bukas na lang.

"...And that beautiful lady is... Claudette Jamila Montefalco Ty..." Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Pierre na may hawak na video camera at nasa nakasabit naman sa leeg niya ang DLSR.

"She's my wife." Tumatawa akong umiling dahil sa pabulong na dagdag niya.

"Is that your hobby?" Tanong ko.

"No..." Aniya at nakatutok pa rin sa akin ang camera.

"Then what?"

"Loving you... Loving you is my hobby." Uminit naman ang pinsgi ko at humalakhak siya.

Sinara niya ang video cam at nakatingin siya sa akin ngayon.

"Shorts too short." Ngumuso siya.

"I don't have much clothes, Pierre." Ngumuso rin ako.

"Hello po!" Napalingon kami sa mga bata na nandito ngayon. Madami sila at napansin kong kasama nila sina Lyro, Lyra at Myca. Maiingay silang nag-uusap.

"Hi! Anong ginagawa n'yo dito?" Lumapit ako sa kanila.

"Gusto po namin kayong makita ikasal e! Tara na Ate Dette! Magbihis kana!" Hinila ako ng apat na batang babae pabalik sa bahay at doon ko lang napagtanto na may dala silang puting dress at korona na gawa sa bulaklak

"Bihis kana Ate! Naghihintay na si Kuya Angelo!" Tinulak nila ako at binigay sa akin ang damit sa loob ng kwarto.

Natatawa na lang akong nabihis at pinagbigyan ang hiling ng mga bata.

"O , ayan, tapos na ako." Nnakangiti kong sabi sa kanila.

"Luhod ka Ate!" At sinunod ko si Lyra. Naramdaman kong ipinatong niya sa akin ang koronang bulaklak.

"Yiee! Ang ganda ganda mo po talaga!" Pumalakpak pa sila.

Binigay naman sa akin ni Myca ang kumpol ng bulaklak na bougainvillea na kulay puti. Saka ko lang naman napansin na pati sila ay may hawak rin pala na maliliit na kumpol ng pink, violet at yellow na ganun din ang uri.

Ano ba talaga ang trip nila? Kasal kasalan?

"Kay gandang bata talaga!" Puri ni Inang nang makarating kami sa umpisa ng boardwalk. May kasama siyang dalawa pang matanda.

"Asawa 'yan ni Angelo!" Si Tatang ay nandon din.

"Lola, naghihintay na Kuya Angelo duuun! Alis na kami!" Natawa ako sa sabi ni Myca.

"Mga bata talaga!" Dinig kong sabi ni Inang.

Nang makarating kami sa kalahati ng boarwalk ay saka ko lang napagtanto ang suot ni Pierre. Kahit nakaputing v neck at skintone khaki shorts lang siya ay nag uumapaw na ang kagwapuhan niya.

"Ang gwapo ni Kuya Ate noh?" Si Lyra.

"Oo naman..." Sagot ko.

"Ayieeeee..." kantyaw nila.

"Dahan dahan ka ate na maglakad patungo kay Kuya a?" Nag mala organizer pa si Jena. Iyong kaibigan nilang bata.

Dahan dahan naglakad ng magkakasunod ang tatlo na naging mistulang abay. Iba talaga ang trip nila. Pati ako ay naging dahan dahan na rin ang lakad.

Sa dulo ay kita ko ang mga batang lalaki na katabi ni Pierre. Tatlo sila at isa doon si Lyro. Ang isa ay nakita kong may hawak ng video cam ni Pierre at iyong isa pa ay hawak naman yung DLSR. Ano 'to? Nirerecord niya? Para saan? Ginawa pa n'yang photographer ang mga bata.

The moment our eyes met made feel heaven to me. Kahit hindi totoong kasal 'to ay pakiramdam ko ito na talaga 'yon.

Iyong ngiti niya sa akin ay iyong ngiti na bibihira ko lang makita sa kanya. It was gentle, genuine, sweet and full blast. Yung para bang pinaparating niya sa akin na ako lang ang nakakapagpangiti sa kanya ng ganoon.

"What's this?" Biro ko nang makalapit na ako sa kanya sa pekeng altar. Iyong sa may kubo.

"Our wedding." Bulong niya sa tenga ko at mahinang humalakhak.

"Ehem ehem." Pekeng umubo si Lyro kaya napatingin kami sa kanya. Siya yata ang tatayong pari. Natawa ako. Ang cute n'ya kasi.

"Ikaw kuya Angelo. Tinatanggap mo ba si Ate Dette para makasama habang buhay? Gagawin mo ba lahat para sa kanya? Ipapangako mo bang kanya ka lang habang nabubuhay ka? Hinding hindi mo ba siya iiwan?" Si Lyro.

"Oo." Walang alinlangang sagot ni Pierre habang titig na titig lang sa mga mata ko.

"Ikaw ate Dette. Tinatanggap mo ba si Kuya Angelo para makasama habam buhay? Gagawin mo ba ang lahat para sa kanya? Ipapangako mo bang kanya ka lang habang nabubuhay ka? Hinding hindi mo ba siya iiwan?" Inulit niya ang tanong.

Hindi agad ako sumagot. Para tuloy kinabahan si Pierre. Tumawa ako sa loob loob ko. Let me tease him for a moment.

"What?" Di na siya nakatiis.

"Ano?" Balik ko.

"Do you allow me to be always at your side? Are you willing to do everything for me and with me? Will you promise me that you are only mine? Mine alone? Are you willing to vow that you'll never gonna leave me, ever?" Napa iling ako ng siya na ang nagtanong. So unpatient.

"Tss." Si Pierre.

"Oo. I promise I will be devoted to you. Only you." At dahil sa sinabi ko ay nawala na ang kaba sa mukha niya. Nalito pa ako nung iniangat niya ang kaliwang kamay ko at suotan ng singsing.

Saan siya nakakuha nito?

"Yieee! Kiss kiss! Kiss!" Hirit ng mga bata matapos silang mag haggis sa amin ng mga bulaklak.

"Uy! Kayo ha!" Sabi ko sa kanila.

"Sige na, ate! Pleaaaseee?" Nagpout si Lyra.

"Please?" Nakisali rin si Pierre.

Pinandilatan ko siya ng mata dahil hindi pwedeng makita ng mga bata ang mga ganoon pero nagulat ako ang hinalikan niya ako sa labi ng mabilis. Sa gulat ay hindi ako nakapagreact at nagkantyawan pa ang mga bata.


To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon