CHAPTER TWENTY
No one
Sa isang malapit na Sizzling restaurant kami kumain ng lunch. Si Vaughn lang ang maingay sa amin at nagkwe-kwentuhan lang sila ni Klare. Pag ako naman ang tinatanong nila ay sumasagot din ako. Tahimik lang si Pierre a gilid habang kumakain.
"Kumuha ka din ba ng grades kanina, Dette?" Tanong ni Klare.
"Oo." Nakita ko ang pag-angat ng ulo ni Pierre. Para bang nagkainteres siya sa sinimulang topic ni Klare.
"Si Erin?" Dagdag tanong ni Klare.
"Kasama si Eion. Sa Lunes na yata siya kukuha ng grades." Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. My heart started to beat in a different rhythm when Pierre stared at me.
"Bakit hindi natin tawagan sina Jack, Andrei at Hendrix?" Suhestiyon ni Vaughn kaya napatingin kami sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Pierre sa narinig.
"Oo nga, Pierre." Sang-ayon naman ni Klare.
"No need. Pupunta sila sa bahay mamaya." He said with a monotonous voice.
"Clau, wanna come?" Nag-angat ako ng tingin kay Klare.
Napa-awang ang bibig ko sa imbitasyon niya. I was never been in their house. All I know is it is in Hillsborough Pointe.
"A-Ah... Maybe next time, Klare." Nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Pierre.
"Why? Hindi ka namin kakainin dun!" Biro ni Vaughn.
"I know." Ngumisi ako. " It's just that... May gagawin kasi ako."
"Magtataxi ka pauwi o nagtext ka kay Azrael o Kuya Silver---"
"We'll send her home." Nagulat kaming dalawa ni Klare sa pagputol ni Pierre sa sinasabi ni Klare.
"No need. Magtataxi na lang ako." I said. Humalukipkip na lang siya at pinag-aralan ang mga mata ko.
"I'll send you home." He said with finality. Napa awing ang bibig ko sa pagpupumilit niya.
"Sige na, Dette." Ginatungan pa ni Klare kaya hindi na ako nagkalakas tumanggi sa kanya.
Tulad ng naging set-up namin papunta ay ganon rin ngayon. Nasa back seat kami ni Klare at si Vaughn ang nasa front seat.
Nag-usap kami ni Klare sa loob habang sina Pierre naman ay may sariling mundo kausap si Vaughn.
"Oh nandyan na pala sina Jack e!" Vaughn exclaimed as he step out of the car. Saka lang ako natauhan ng pati si Klare ay bumaba din. I am here at their house!
"Front seat." Napalingon ako kay Pierre na nasa driver's seat pa pala.
"What?" Naguguluhan kong tanong. Napabuntong hininga siya.
"Be here. Beside me." I am dumbfounded while entering his car's front seat.
"Saan ang inyo?" Tanong niya. Sinabi ko sa kanya ang address at tumalima naman siya at nagdrive.
Katahimikan lang ang bumabalot sa aming dalawa. Pag talaga sa personal ay madalang kaming mag-usap. Hindi ko alam kung ako ba ang mag-o open ng topic o siya.
"You get your grades?" Mabilis akong lumingon sa kanya. Wow! Nagulat ako dahil siya itong nagsimula ng topic.
"Uh yes. Nag enroll rin ako para sa summer class." Nakita kong hindi mabilis ang pagpapatakbo niya ngayon di tulad kanina.
"Summer class? Why?" Kinagat ko ang labi ko nang lingunin niya ako. His wayfarers are on. I wish I could shove it off to him. Gusto kong makita ang mga mata niya.
"Para hindi ako mahirapan sa ibang subject this year." Sagot ko. Ilang ulit ko na ba sinabi ito? Natawa ako sa isip ko.
"Alam ba niyang magus-summer class ka?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Nilingon ko siya at tamad ang kanang kamay niyang nagmamaneho habang ang kaliwa ay nakadantay sa bintana at sa ulo niya.
"Niya?" Tanong ko.
"Silver." Mabilis niyang sagot. Diretso lang ang tingin niya sa daanan habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
"Hindi niya alam." Sagot ko. Nagtanggal siya ng wayfarers niya at tinignan ako.
"Why?"
"Hindi ko pa sinabi." Simpleng sagot. Lumiko ang sasakyan niya at alam kong malapit na ang bahay namin.
"Hindi ba dapat ay alam niya iyon?" Kinagat ko ang labi ko at napayuko. I'm not usually like this! Bawat tanong ay may naisasagot ako!
"Binasted mo siya?" Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"H-Hindi." Alanganin kong sagot.
"You like him?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Yes. No- I mean, I like him as a person but not romantically." Defensive kong sagot.
"You're planning to say yes to him?" He arched an eyebrow.
"Diyan lang sa may puting gate." Turo ko sa sa aming gate. Dahan dahan niyang tTinabi ang sasakyan niya sa gate namin. Pinatay niya ang makina at bawat paghinga lang namin ang naririnig ko.
"Sasagutin mo siya?" He repeat his question.
"I don't know." I stared at his pitch-black eyes. Ang hirap basahin ng mga mata niya. Wala akong makitang emosyon o kahit ano. Noon pa man.
"Then why are still dating him?" His voice seems frustrated. Nakaharap na siya sa akin at maging ako sa kanya. His hands are resting at the steering wheel. I saw how his muscled tensed.
"Dahil hinihintay kong may maramdaman ako sa kanya." Malumanay kong sagot para kahit papaano ay hindi ako sumabay sa init yata ng ulo niya. Hindi ko maintidihan kung bakit pati buhay ko ay pinakikialam niya.
Duh? Claudette magkaibigan kayo!
"Reject him." Mariing sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Is he commanding me to reject Silver?
"Bakit ko naman gagawin 'yan?" Tumaas ang boses ko.
"Because I can't let you fall for him." Tuloy tuloy niyang sabi while I am here with my dropped jaw.
"W-What?" Kumakalabog ang puso ko. Ang mga kung anong insekto sa tiyan ko ay tila ba nagkakagulo ngayon doon.
"I can't. Just... Don't fall for him" Yumuko siya at umiling.
"You don't tell me what to do, Pierre." I managed to say. Fighting my edging stuttered words.
"I know. I'm sorry." Pumipintig ang puso ko sa kakaibang ritmo. I can't understand what just happened. I immediately off to his car.
"I know I'm just your no one—" Pabagsak kong sinarado ang pintuan ng sasakyan niya at hindi ko na Tinapos ang dapat sasabihin niya at nagmartsa na ako papasok sa gate namin at sa bahay. I rougly fall to my bed. Yinakap ko ng mahigpit ang stuff toy na nadoon.
"Shit! Claudette! Ano ba yang iniisip mo?" I said. I tried to distract myself afterwards but I didn't win. Unsure ideas keep building in my head. And only one person right now is clouding my mind.
Pierre, don't give me false ideas please? I wished as I close my eyes.