Chapter Twenty-One

15.7K 268 3
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Please

Iyon ang naging huli naming pag-uusap. Hindi niya na ako tinext o tinawagan. I feet empty. Alam ko namang nagtetext lang siya pag hindi macontact si Klare at may rason din naman kung bakit hindi niya ako kinontact dahil hindi ko naman madalas makasama si Klare.

Ang huli naming pagkikita ay noong nagkalaban ang mga pinsan ko at ang team nila Hendrix sa basketball. Nagkainitan pa noon dahil sa pagkakasiko ni Elijah kay Vaughn. I know Elijah is pissed so he did that purposely. Nakikita kong nagseselos siya kay Vaughn dahil close sila ni Klare.

Matatalim na titig lang ang ibinato ko kay Pierre noong araw na iyon na ikinagulat ko dahil sa tuwing magtatama ang paningin namin ay malamlam ang mga mata niya. He's like a cat ready to surrender the fish bone he stole from the other cat.

My heart melted just like that. Just like the way he stared at me. Kahit hindi ko pa maintindihan ang mga gusto niyang iparating ay parang alam na ng puso ko kung ano iyon.

"Hazel, stop crying. He's not worth it." Kumunot ang noo ko sa narinig. Nandito ako malapit sa field at nakaupo sa isang bench. Tahimik at masarap ang simoy ng hangin kaya dito ko napili na magpahinga saglit bago umuwi.

Nakita ko na may dalawang babae na nag-uusap sa malapit lang sa akin. Umiiyak ang isang babae na medyo morena at may kahabaan ang buhok. Ang isa naman ay pinapatahan siya.

"Hindi Gina e, ang sakit e. Ang hirap tanggapin." Sabi noong umiiyak. Ibinaba ko ang earphones ko para making sa pinag-uusapan nila. I'm not nosy , I'm just curious. Well...

"I know. Pero kailangan mong tanggapin."

"Shit! Akala ko ako e! Akala ko! Pero hindi pala... dahil iyong walang hiyang intsik palang pinagkakasundo sa kanya ang legal na girlfriend niya..." Napa awang ang labi ko. Intsik? Is this some kind of fixed marriage dramas?

"Kalimutan mo na siya. Maraming iba diyan. Iyong walang mga sabit." Sagot noong kaibigan niya. Patuloy pa rin ito sa paghagod ng likod nung umiiyak para tumahan.

"Hindi ko alam na may ganito pa pala... Hindi ko alam na ganoon pala ang pamilya niya. Kaya ba hindi niya pa ako pinakikilala dahil hindi naman ako Chinese tulad nila? Dahil hindi ako tatanggapin? Pero akala ko mahal talaga niya ako... kasi di ba? Kung mahal niya ako ipaglalaban niya ako!" Ani ng babaeng umiiyak.

Tumalikod ako sa kanila dahil nahihirapan akong iproseso sa utak ko ang mga narinig. Napalingon ako dahil may narinig akong isang malakas na tunog ng sampal. Nakita ko ang pamilyar na mukha nung lalaki at nakilala ko bilang isa sa Architecture student na si Vladimir Lim, senior na rin siya. Star player iyan ng course nila at Chinese.

Umalis ang dalawang babae na sinundan din naman nung Vladimir. Sa conclusion ko ay baka ang pamilya ni Vladimir ay nakahanap ng isang Chinese na babae at ipakakasal silang dalawa kaya naman nasaktan ang girlfriend ni Vladimir.

Kinilabutan ako sa naisip. Talaga palang particular ang mga chinese na dapat ay chinese pa rin ang makakatuluyan nila. Siguro ay ang mga sumusunod na lang sa tradisyong iyon ay ang mga super mayaman na pamilya.

Sa Cagayan de Oro ay mangilan ngilan lang ang alam kong Chinese family na makapangyarihan. Andyan ang Co, Ang ibang angkan ng Lim, Sy, at... Ty, kahit sa davao naman talaga sila nagmula.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging matamlay. Nakita ko ang text ni Silver na susunduin daw niya ako at nasa malapit daw siya sa Chapel naghihintay. Naglakad ako papatungo roon. Ang usapan namin ay magla-lunch kaming sabay ngayon.

Isa lang ang pinasukan kong subject ngayon dahil wala ang prof ko sa isang subject kaya pinauwi na kami ng maaga.

Hindi ko pa naisip na bastedin si Silver dahil bibigyan ko pa siya ng chance at ang sarili ko. He's good for me pero hindi ko talaga mahanap sa akin ang kaunting attraction para sa kanya.

"Ano sinagot ka na ba?" Tumigil ako sa may puno para making. Eto na naman ako, I'm being nosy again!

"Hindi pa bro..." Nangiti ako nang marinig ang boses ni Silver. Hahakbang na sana ako papunta sa kanila pero natigilan ako.

"Ang hilig niyong magkapatid sa Montefalco! Si Eion kay Klare nung una tapos ngayon si Erin? Ikaw naman si Claudette tapos ano? Pag hindi ka sinagot pupunta ka sa isa nilang pinsan? Si Yasmin?" Nanlamig ako sa sinabi nung lalaki. Dinig ko ang tawanan nila.

"Shut up, bro..." Pabiro ang boses ni Silver. Hindi ako makapaniwala sa nadinig. Totoo ba iyon? Ang hirap paniwalaan!

Nanghihina ang mga tuhod ko at para bang anytime soon ay babagsak ako sa kinatatayuan ko. Not until I felt some support.

Nang muntikan na ako mawalan ng lakas ay nahawakan niya ang mga braso ko and pulled me into his warm and gentle embrace.

Nagulat na lang ako nang maramdaman na umiiyak na pala ako. Gusto kong tanungin kung ano ginagawa niya dito pero pinili kong huwag na lang.

"Shh... Stop crying. I'm here." And with that I hugged him to. Mahigpit. He patted my back and I cried more. With his hug I felel accurate. Too accurate to feel that this is my safe zone.

Sigurado ako na hindi ako umiiyak ngayon dahil sa narinig ko kay Silver. Nasaktan ako oo pero hindi ko basta bastang iniiyakan ang ganoon. Umiiyak ako ngayon dahil nandyan na naman siya. Lagi na lang niya akong inililigtas sa tuwing masasaktan ako. Nung una sa pagtama sana ng bola ngayon naman sa paglagapak ko sana sa sahig.

He cupped my cheeks and wiped my tears away. Nakatitig lang ako sa mga mata niya ngayon. Unlike before, this time his eyes are filled with so much concern.

Hindi siya nagsalita at iginiya niya ako sa loob ng sasakyan niya. Silence filled our ears. Natigil na ako sa pag-iyak at siya nama ay pinagmamasdan lang ako. Na pinaparating niya na kapag nasaktan ako ay gagamutin niya ako.

"Reject him, Claudette." His voice was algid. He held my hand and pressed it gently.

"Reject him... for me, please?" Pierre pleaded with so much emotion. Halo-halo hangang sa tumango na lang ako.

To LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon