CHAPTER FORTY-ONE
Mrs.
Inalis ko ang wayfarer na suot ko at ibinaba ang hood ng jacket ko. "This is really weird." Natatawang sabi ko at naupo na sa designated seat namin. Siya ay umupo malapit sa bintana.
"We need to disguise." Sagot naman n'ya.
"But are you sure hindi tayo nakita ng mga body guard ny'o kanina?" Tanong ko.
"They didn't. Trust me." He assured me and hold my hand until I fell asleep in his shoulder.
Isang oras at kalahati ang naging byahe namin at alas mag- aalas nuwebe na kami ng gabi nakarating sa Ilocos International Airport. Sumakay pa kami sa UV para makarating sa Brgy. Sabang. At nagtricycle pa kami para makarating sa mismong pupuntahan namin doon.
Pagkababa ko ng tricycle ay sumalubong agad sa akin ang mabini at malamig na hangin na nakita kong nanggagaling sa dagat. Kitang kita ko ang nakakahalinang mga alon nito na nasisinagan ng liwanag mula sa buwan ang mga poste ng ilaw na nakapaligid sa boardwalk.
Napalingon ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at hinila patungo sa gate ng two storey resthouse na malapit doon. Simple lang ang bahay, kulay puti at brown lang ang yumayakap na kulay dito at hindi siya kalakihan at tama lang bilang resthouse. Nagdoorbell siya.
"Angelo?" May lumabas sa pinto noong bahay na matandang babae na siguro ay sixty-five o seventy na. Kulay puti na ang buhok nitong naka bun at nakaduster lamang siya.
"Inang Ising." Malumanay sa sabi ni Pierre. Nagtataka ko naman siyang nilingon ngayon.
"Angelo, ikaw nga! Naku!" Malaki ngayon ang ngisi ng matanda at dali dali at nagkataranta pang binuksan ang gate.
"Naku! Bata ka!" Sinalubong ng yakap ng matanda si Pierre at nakangiti naman niya itong sinuklian. He's really fond with the elders, huh?
"Bakit hindi mo man lang sinabi na paparito kang bata ka?" Kinurot ni Inang Ising sa braso si Pierre at natatawa naman itong ngumiwi.
"Inang naman! Gusto ko lang po magbakasyon." Dahilan ni Pierre.
Bakit nga ba kilala siya dito? At akala ko ay tutuloy kami sa mga pinapaupahang villa dito. Hindi ko naman akalain na mayroon pa lang siyang kakilala dito.
"Naku! At sino naman itong napintas nga ubing na ito?" Nakangiti naman akong binalingan ni Inang Ising at hinawakan pa niya ang dalawa kong kamay. Tumingala ako kay Pierre para humingi ng saklolo dahil hindi ko naintindihan ang ibang sinabi ni Inang Ising.
"Anong pangalan mo iha?" Tanong nito sa akin. Ngumiti siya at nakita ko na wala na pala siyang ngipin talaga.
"Siya po si Dette, Inang." Inakbayan ako ni Pierre.
Ngumiti naman si Inang Ising na para bang may malisya. "Naku kang bata ka! Pupunta ka na lang dito ay may asawa kana pala!" Bulalas nito. Humalakhak naman si Pierre.
"Ganoon talaga, Inang." Sagot ni Pierre.Tiningala ko siya at pasimpleng siniko. Anong pinagsasabi nito?
"Ay! Ano bang ginagawa natin dito? Pumasok na nga tayo sa loob!" At naunang maglakad sa amin si Inang. Pagkapasok namin sa bahay ay namangha ako dahil sa aliwalas nito.
Katamtaman lamang ang laki ng mga bintana kung saan pumapasok ang malamyos na hangin. Ang mga mwebles ay halatang antique at parang laging inaalagaan. Ang sahig ay may puting tiles at ang mga dingding ay kulay puti rin.
The whole house was a mixture of wood and concrete materials.
"Kumain na ba kayo? May niluto akong pakbet sa bahay na dinala ko dito, kumain na kayo." Dumiretso si Inang sa kusina at nilapag naman namin ni Pierre ang mga backpack namin sa wooden sofa na naroon.
Hinawakan naman ni Pierre ang kamay ko at hinila ako papuntang kusina. Inilibot ko agad ang paningin ko sa munting kusina at dining. Sa itaas ng dining table ay may malaking ceiling fan na kulay itim.
Ipinaghila ako ng upuan ni Pierre sa six-seater dining table na nandon. Si Inang Ising lang ba ang nakatira rito mag-isa sa bahay niya? Bakit para namang walang tao dito ay siya lamang?
"Pasensya na kayo at 'yan lang ang naihain. Hindi naman kasi nagsabi ang batang ito na pupunta siya." Turo niya sa nakangiti na si Pierre. Umupo ito sa tapat ko at nagsimulang magsandok ng kanin.
"Okay lang po, Inang." Banayad na sabi ko.
Sinandukan ako ng kanin at ulam ni Pierre bago niya lagyan ang plato niya. Ngayon pa lang ako makaka kain ng Pakbet pero hindi naman ako mapili at kumakain naman ako ng kahit ano.
"Mabuti naman at hindi ka mapili iha, hay! Magaling talaga pumili itong si Angelo!" Hilaw lamang ang ngisi ko at nakita ko naman na ngiting ngiti si Pierre.
"Paano ba 'yan, Angelo? Uuwi na ako at hinahanap na ako ni Minyong!" Nag-angat naman ako ng tingin. Hindi ba siya nakatira rito?
"Sige, Inang! Ingat po kayo sa daan!" Masayang paalam ni Pierre.
"Naku! Andyan lamang ang bahay namin sa tapat!" Huling sambit nito bago lumabas ng pintuan.
Hinarap ko naman si Pierre at tinaasan ng kilay.
"What?" Nangingiti niyang tanong.
Umismid naman ako. "Kaninong bahay 'to?" Tanong ko.
"Mine." Baliwala nitong sabi at nagpatuloy sa pagkain.
Nanlaki naman ang mata ko at para akong nanliit. "Since when?"
"One year ago?." Aniya.
Wow. Just wow. Ibig sabihin ay may naging ari-arian na agad siya kahit hindi pa siya nakakapagtapos ng pag-aaral? Ang galing! Hindi ko mapigilan ang mamangha.
"P-Paano?"
"I'm not fond of business but I know how to save." Paliwanag niya.
Pumalakpak ako dahil hindi ko mapigilan. "Ang galing!" Parang batang bulalas ko.
Humalakhak naman siya at nakita ko ang pagsingkit ng mga mata niya. "Now, continue to eat so you can wash the dishes."
"Huh?" Nalilitong tanong ko.
"That's what a wife job, Mrs. Ty." He simpered at me as he drank his water.
Wife? Mrs. Ty? Ano bang sinasabi nito? Pero bakit din ako kinikilig? Damn Pierre! He knows his words too well!