CHAPTER 3
The Brother
Isang unknown number ang nagtext sa akin kinagabihan ng birthday ni Elijah.
Unknown:
Hey.
Nagreply naman ako dahil hindi naman ako rude kahit papaano.
Ako:
Who's this.
Wala pang dalawang minuto ay nagreply na s'ya.
Unknown:
This is Spike. Elijah's cousin. Maxwell's brother.
Ah! Siya pala iyong kanina!
Ako:
Oh!
Tanging reply ko. Tinamad na akong magtext. Hindi naman kasi ako texter. Kuntento na ako buong araw na manuod ng anime or making sa iTouch ko. Walang silbi ang cellphone na 'to sa akin. Once in a week ko nga lang 'yan i-charge e.
Tumunog ulit ito.
Spike:
You know me right?
Tanong n'ya kaya nagreply naman ako.
Ako:
Yup. Nakikita ko kayo ni Maxwell na laging kasama ni Elijah.
Spike:
Ouch. Buti pa yata si Kuya natatandaan mo ang pangalan.
Napailing ako.
Ako:
Hindi naman.
Mabilis agad ang reply niya.
Spike:
:3
Natawa ulit ako at napa-iling.
I tried to not reply at his texts but I end up doing it dahil sa kakulitan n'ya. Minsan nga ay tumatawag pa si Spike pag hindi ako nagrereply kaya kesa marindi ako sa tunog ng cellphone o vibrate nito ay nirereplyan ko nalang s'ya.
Hindi rin naman nasasayang ang pagtutuon ko ng pansin sa kanya dahil nagagawa n'ya ako patawin somehow with his corny jokes and styles. He really didn't stop until he finally get my attention.
Pasukan na at sabi ni Spike ay sa school ni Yasmin daw sila mag-aaral ni Maxwell.
Mula kasi nung magkatext na kami ni Spike ay nagsunod-sunod na 'yon. Hindi ko alam kung paano n'ya nakuha ang number ko. Pinagbintangan pa nga yata ni Kuya Knoxx si Elijah na pinamigay 'yon.
Pero naniniwala naman ako kay Elijah. Kinompronta ko rin kasi s'ya nang magtext sa akin si Spike. Tinawagan ko s'ya.
"Hey Dette." Bungad n'ya.
"Did you give my number to Spike?" Diretsa kong tanong.
"What? I didn't!" Agad naman n'yang depensa. Nanliliit ang mata ko, hindi parin ako naniniwala sa kanya.
"Oh I swear,Dette! Maybe he get it in my phone while I'm not around! I know he likes you. I don't know he's that desperate to stole it from me." Aniya. Nasatisfy na ako sa sagot n'ya kaya binabaan ko na.
Nanliligaw na sa akin si Spike pero I'm not sure with my feelings for him. There's something, something missing that I should find out before falling for Spike. Alam ko kung ano 'yon pero nahihiya akong i-open.
Makulit at kwela si Spike kaya masarap s'yang kasama. Minsan patago kaming nagkikita dahil magagalit si Kuya Azrael at Knoxx panigurado dahil ayaw pa nila akong magkaboyfriend. I don't want it though. I know, they're just over protective, even Rafael. Pero alam ko naman ang ginagawa ko. Wala naman kaming ginagawang masama.
"Can we go to Centrio on Sat?" Bulong ni Spike nang magkita kami sa school namin. May game yata sila kalaban ang Knights na team ng school namin kaya sila andito ngayon.
"I'm not sure. My brothers are banning me to see you." Sagot ko naman. Hinawakan n'ya ang kamay ko at marahang pinisil 'yon.
"I'm sorry." Yumuko si Spike na ikinagulat ko. He's not usually like this. He's a jolly person!
"Hey, W-Why are you sorry?" Pilit kong hinuhuli ang paningin n'ya kahit nakayuko siya.
"I'm sorry kasi ikaw 'yong piniling mahalin ng puso ko." Hindi naman agad ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. Nakatingin na si Spike sa akin pero nag-iwas ako ng tingin.
"Sorry because your brother are hard on you because of me. Dahil pinagtutuunan mo ako ng pansin."
"They are not hard on me. They're just... just.,."
"Overprotective." Pagpapatuloy n'ya.
"They are doing that because they want to protect you from me, I know. 'coz I'm a jerk. I'm a damn certified jerk." Siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. Ang mga kamay niya na hawak ang akin ay binitawan na niya.
"No, you're not. Sa sandaling pagkakakilala natin napatunayan kong hindi ka ganun." Ako naman ang nag-initiate na hawakan ang kamay niya. He's stuned because of my action. Sa halip na mahiya ako ay binalewala ko nalang.
"I don't know if you realized it but I've change because of you." Hinihigpitan n'ya ang hawak sa aking kamay.
"I know." Ngiti ko sa kanya.
Nilagay niya ang takas na buhok ko sa aking tenga at ngumiti. Nagpaalam na s'ya at may game pa sila. Bumalik naman na ako kay Erin na nasa bleachers na ngayon at nanunuod lang sa game.
Before I commit, I wanna asked it. I wanna find atleast one necessary information about him.
"Erin..." Tinawag ko siya kahit abala siya sa panunuod. Katabi n'ya si Chanel, Yasmin at Klare.
"Hmm?" Nilingon niya ako. Ito na nga ba? Hindi ko alam kung bakit ako nagdadalawang isip na itanong 'yon.
"Wala." Ngisi ko at umismid nalang siya at bumaling ulit sa laro. Kung kay Chanel ko kaya itanong? She won't tease me right?
But I chose not to ask them. Kay Kuya Knoxx nalang tutal nakateam naman na niya 'yon. Hindi ko na inaalala na baka pag-isipan na ako ni Kuya Knoxx na crush ko 'yon. It will lessen their worries about me and Spike. But I'm not saying na cover-up ko ito o panakip butas.
One week later pa bago ko maitanong it okay Kuya Knoxx. Tiniyak ko pang wala si Kuya Azi dahil I'm sure he'll freak out. Mas malala pa kay Kuya Knoxx. Knoxx is calm while Azi's a little freak and gay.
"Kuya." Tumungo siya sa akin. Nasa garden namin siya ngayon at nakatitig lang sa pool.
"Hmm?"
"You know Ty, right?" Panimulang tanong ko patukoy kay Hendrix Ty. Nagtaas si Knoxx ng kilay.
"Do you know where he came from?" Hindi natanggal ang panunuod ni Kuya Knoxx sa akin na para bang binabasa n'ya ang isip ko.
"He's from Davao." Sagot ni Knoxx nang nakatingin parin sa akin. Umirap ako sa loob-loob ko nang hindi man lang siya magkwento pa.
"Ah!" Sagot ko.
"Do you like him?" Nanliliit na mata ang tingin sa akin ni Kuya ngayon.
"No, I'm just curious. What about his Family? Nayayabangan kasi s'ya ni Erin. You know, his body guards." It's true Erin once said it.
"He came from very elite family so that's why. Laging nakabuntot sa kanilang magkapatid ang bodyguards nila." Aniya.
"May kapatid siya?" Pinilit ko ang sarili ko na mabigla para kapanipaniwala. God! I can't believe I'm doing it!
"Nakasalamuha na namin sa court 'yon one time. He's in Davao." Tumango tango ako kahit sa loob loob ko ay nagdidiwang na ako sa nakuha kong sagot.
"So...You like the brother?" Nagulat ako nang sabihin 'yon ni Kuya Knoxx. I'm amazed how he found it out! He winked at me and left me there still jaw-dropped because of the damn instincts of him.