Prologue

828 13 8
                                    

I love him too much and I never thought that he will betray me like this. I am in so much agony and my heart is broken. It's excruciating when I felt like my heart is breaking into pieces. I can't bear the pain and it's suffocating.

He was my first love, but I think I wasn't the one he truly loves. I am not the one he was looking for. Akala ko totoo na lahat ng pinakita niya sa akin, akala ko totoo siya. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.

I am sitting here in my bed, as I put my hands and head on my knees. My tears are falling like a waterfall. Hanggang kailan ba ako iiyak ng ganito? Kailan ba mauubos ang mga luha ko? I had been crying for 2 weeks now. It's a good thing that it's semestral break dahil hindi hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Kung paano ko makakaya na makita siya araw araw na masaya na sa piling ng iba. Sa piling ng dating kasintahan niya.

It's funny, right? Matapos siyang iwan ng babaeng iyon babalikan niya rin pala. Did he just use me as a rebound? Ginamit niya lang ba ako para makalimutan niya ang babaeng iyon? At ngayong bumalik na ito, iniwan siya nito sa era. Iniwan niyang luhaan at nasasaktan.

Bakit kasi may mga taong gumagamit ng iba para makalimot. Bakit ba maggi girlfriend o boyfriend na sila kung hindi naman pala nila kayang lumimot sa dating kasintahan nila? Bakit kailangan pang may masaktan para lang hindi makita ng mga ex niya na nasasaktan sila? Why do they have to hurt the one who truly loves them?

Is it to save their pride and ego? Para ipakita sa mga ex nila na naka move on na sila kahit na hindi naman? Mandadamay sila ng mga taong inosente para lang masabi na hindi na sila nasasaktan? Mga walanghiya talaga ang mga ganyang tao.

Isa lang naman ako sa mga nabiktima ng mga walanghiya na yan. Isa ako sa mga ginamit para pagtakpan ang pride ng mga lalaking ganyan. Isa ako sa mga taong nagmahal pero sinaktan lang din naman.

Sabagay ano nga ba naman ang laban ng isang taong relasyon namin sa walong taong pinagsamahan nila? Ano nga ba ang laban ko sa babaeng mahal na mahal pa rin pala niya? Paano ko nga ba naman mapapalitan sa puso niya ang taong ni kahit kailan ay hindi pala nawala sa puso niya? Paano nga ba naman ako lalaban, kung panakip butas niya lang naman pala ako?

Hanggang ngayon hindi ko pa din mapaniwalaan ang nakita ko sa mall noong dalawang linggo na ang nakakaraan. I called his number while looking at him. Nakita ko na kinuha niya sa bulsa niya ang phone niya at sinagot ang tawag ko.

"Hey, where are you? Samahan mo naman ako mag mall?" Paunang bungad ko sa kanya. I expect him to tell me the truth kung nasaan talaga siya. I was hoping that he will be honest with me. Kahit huwag niya nang sabihin kung sino ang kasama niya, basta sabihin niya lang kung nasaan talaga siya. I was getting nervous dahil tahimik lang siya, na para bang tinitimbang kung ano ang sasabihin niya sa akin.

But I was so disappointed when he said "nasa bahay lang ako, sorry, hindi kasi ako makalabas dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Pwede bang next time na lang?" Pabulong niyang sinabi iyon habang nakatingin sa babaeng kasama niya na para bang nag iingat ito na hindi siya nito marinig ang pinagsasabi niya.

Umusbong ang hinanakit at galit sa puso ko, pero hindi ako nag eskandalo. Pagkababa ko ng tawag ay mabilis na akong umalis sa lugar na iyon habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

I remembered the times na hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, I remembered how he was so cold to me a few months ago. I remembered it all now. At doon ko napagtanto na matagal na pala silang may kumunikasyon ng babaeng iyon.

Alam na alam ko na ex niya iyong babae dahil nakikita ko na dati pa ang mga pictures niya cellphone at wallet ni Nathan. Ang her name is Claudia. Claudia Navarro. Hindi ko man siya personal na kilala pero may nakapagsabi sa akin kung bakit sila naghiwalay na dalawa. Dahil hindi niya pinaglaban si Nathan sa mga magulang niya.

Walang sinasabi si Nathan about her ex, at palagi nitong iniiba ang usapan kapag nababanggit ko ang babaeng nasa picture ng wallet niya. Ipinagkikibit balikat ko na lang iyon sa isiping kaibigan niya na lang ang babaeng iyon.

But what I saw two weeks ago, they're holding each other's hand like they don't want to let go. Naalala ko kung gaano siya kasaya habang kasama niya ito. Malayong-malayo sa itsura nito sa tuwing ako ang kasama niya.

Kung hindi niya na pala ako mahal ay sana nakipaghiwalay na siya sa akin. -- no scratch that. Kung hindi niya naman pala ako mahal ay sana hindi niya na lang ako niligawan. May paligaw ligaw sa bahay pa siyang nalalaman. Iyon pala hindi pa nito nakakalimutan ang ex nito. At sa nakita ko noong nakaraan ay mukhang nagkakamabutihan na sila ulit.

Pagkarating ko sa bahay ng araw na iyon ay nag text kaagad ako sa kaniya ng "let's break up!" Inaasahan ko na magre reply siya o di kaya ay tumawag pero ilang oras na ang lumipas ay hindi pa din siya tumatawag.

I smiled bitterly at the thought. I laugh without humor. Para akong baliw na tumatawa habang may luha sa mga mata habang nakaupo ako sa kama ko. I wanted to curse him so bad, but what's the use of it? Sa palagay ko pa nga ay masaya ito sa sinabi ko. Masaya ito dahil hindi na ito mahihirapan sa pakikipag break sa akin. Inunahan ko na siya bago pa niya malaman na nakita ko sila sa mall.

I know he will deny it kapag binanggit ko pa ang na nakita ko siya sa mall kasama ang babae niya. He even lied to me about it. I won't let him explain, pero parang hindi niya naman na gagawin iyon. Bakit pa nga naman siya mag-e explain 'di ba? Bakit pa nga ba siya magsasayang ng laway?

He didn't even ask me why I wanted to break up with him. He didn't even call or chat kahit na 2 weeks na ang nakakaraan. Talaga namang napakawalang hiya ng lalaking iyon. I hate him, I loathe him so much.

Pinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako magpapaligaw o maglalalapit sa mga lalaki, all of them will took advantage of your feelings, lalo na pag alam nila na may gusto ka sa kanila, they will take you for granted. At ikaw namang si tanga, pumayag din dahil nga mahal na mahal mo siya.

Ang hirap pa lang magmahal ng taong hindi ka naman minahal, nagtatanga tangahan ka kahit alam mo naman na wala naman talagang mapapala ang paghihintay mo sa kaniya, na walang patutunguhan ang nararamdaman mo sa isang taong wala namang pakialam sa iyo.

Kaya kung magmamahal ka, siguraduhin mo munang mamahalin ka din siya, siguraduhin mo na ikaw lang ang mundo niya. Siguraduhin mo na sa iyo lang talaga siya.

And don't love someone who can't move on with their ex, dahil kahit kailan hindi ka mamahalin niyan, gagawin ka lang niyang panakip butas at pag bumalik na ang taong iyon ay iiwan ka na lang na parang wala kayong pinagsamahan, iiwan ka lang niyang luhaan. Kaya kung magmamahal ka, doon sa taong mas mahal ka kaysa mas mahal mo siya.

Babakuran ko na ang puso ko sa mga lalaking mapagsamantala, sa mga lalaking walang ibang alam kundi ang manakit ng mga babaeng nagmamahal sa kanila. They will never see your worth, they will never love you the way you love them. Kaya ako hindi na ako makikipag relasyon, hindi na ako kailan man makikipag mabutihan o makikipag lapit sa mga lalaki.

Itataga ko sa bato itong pangako ko sa sarili ko. Titigasan ko na ang puso ko. I don't need a man in my life. I have my family and friends. Papa ko na lang yata ang matinong lalaki na nakilala ko. My father never cheated on my mother, he loved her too much. Sa panahon ngayon wala ka nang makikitang matino at faithful na lalaki. Sa panahon ngayon, puro sex na lang ang nasa utak nila. Gagawin ka lang nilang parausan at kapag nagsawa na sila sa iyo, itatapon ka na parang basura.

Humiga ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Tumutulo pa din ang mga luha sa mata ko. Kailan ba talaga mauubos ang mga luha sa mata ko? Sana kasabay ng pag ubos ng luha sa mga mata ko ay mawawala na rin ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Kung sana ganoon lang kadali iyon. Kung sana lang talaga. Nakatulugan ko na ang pag iyak...

MS. BROKENHEARTED MEETS MR. TORPE ***ON-HOLD***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon