skul.....

508 2 0
                                    

Sa skul namin ang pag-eenroll ay maraming process na dinadaanan, lalo na ngayong graduating kami.

Buti nga lang di naabutan ung batch namin na mag 5 years kundi...

Naku.... iisipin ko na namanang pangtuition ko nun,

Panu kasi ang kasunduan namin ni Katya 1year lang eh , kakayod na naman ako pagnagkataon

Nakita kong medyo nahaba na iyong pila sa registrar kaya nakipila nadin ako para di ako masyadong mahuli.

======================================

SOMEONE'S POV

Habang si Katya sa mga oras na iyon ay nagmamadaling umuwi ng kanyang bahay,

iyong mismong bahay nila hindi iyong sa apartment nila ni Rudy.

Nakatanggap kasi siya ng tawag na dadating na sa makalawa ang pinakamamahal niya kaya kailangan niyang maglinis muna ng doon.

Huminto ang kotse niya sa tapat ng isang napakalaking gate.... as in malaki talaga ...

at nung makilala ng security ang kotse niya gamit ang CCTV ay automatic na bumukas ang malaking gate.

Agad niyang pinatakbo papasok ang kanyang kotse dahil malayo-layo pa ang bahay niya mula sa gate.

Pagpasok mo sa gate ay isang malawak na hardin ang makikita mo na covered ng bermuda grass.

at sa gitna noon ay may isang fountain na napapalamutian ng ibat ibang anghel na figurines.

Pagkababa palang niya sa kotse ay agad na siyang sinalubong ng mga nakahilerang mga katulong sa may pintuan .

"Magandang umaga po Senyorita" sabay-sabay na bigkas ng mga katulong

"Magandang umaga din sa inyo.... kumpleto na ba ang mga kailangan?" nakangiting sagot niya sa mga ito.

"opo... naayos na po namin "

"mabuti naman kung ganun... let's go " :)

Kahit na marami silang katulong ay gusto padin ni Katya siya mismo ang mag-asikaso sa mga gagawin at pag-aayos nun..

Binigyan lang niya ng mga instructions ang mga katiwala sa kung anu ang mga kulay ng kurtina na gagamitin, mga ulam na lulutuin sa mga susunod na mga araw at sa pag-lilinis sa kwarto na gagamitin.

End of Someone's POV

============================

Ayun... tapos na ko sa iba... isa nalang ang papapirmahan ko para matapos na.

Habang naglalakad ako naisipan ko munang mapadaan sa garden ng skul para makapagpahinga. isa na lang naman ang kulang eh .

May naririnig akong parang may pinagkakaguluhan ang mga estudyante,

dalawa lang naman iyon eh, may gwapo silang nakita o may magandang napadpad sa skul.

Napaupo sa may fountain , napangti nalang ako kasi naalala ko iyong isang babae noon, kamusta na kaya siya?

Last last year pa iyon eh, sayang di ko nakita iyong mukha niya kasi iyak lang siya ng iyak nun,.....

======FLASHBACK======

Naglalakad ako nun sa skul pauwi nako kasi nga may raket pa ako mamaya ..

umuulan nun, paglingon ko sa may bandang fountain may nakita akong babaeng nakaupo tapos nakayuko siya.

nilapitan ko siya at pinayungan .

"ahm miss, baka magkasakit ka, malakas pa naman ang ulan"

A Call Boy's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon