pasensya na ... masyado kasi akong naiyak kapag naaalala ko ang nanay ko , hindi ko pa kasi siya nakita eh... :)
heto na nga pala ako ngayon....
Nag-iisa
Naglalakbay Sa
Gitna
Ng dilim…
Lagi nalang akong
Nadarapa
Ngunit heto
Bumabangon parin,
Heto ako, basam-basa……….
Hep! Hep! Hep! Joke lang iyon hahah
Pauwi na ko sa bahay galing skul,
Oo di kayo nagkakamali galing akong skul at syempre Good boy na toits!!
Diretso na uwi ng bahay at dina tumatambay ,
Bayad na tuition ko dahil kay misis eh kaya bayad ko..
Ayun, katawan ko lang naman, gabi-gabi pa nga eh walang kapalya-palya hahahh..
Sa tuwing umuuwi ako lage ko siyang dinadalhan ng French Fries courtesy ng Mcdo (^.^)
Isasawsaw niya iyon sa sundae tapos minsan ipapalaman niya sa burger, di ko nga akalaing ganun siya eh kasi nga mayaman siya , halata naman kahit di niya sabihin , parang kasing pangjologs ung ganung trip sa Mcdo eh.
Bubuksan ko palang iyong pinto alam kong nasa sala lang siya at nanunuod ng tv.
Lage niya kasi akong inaantay eh at syempre pati iyong French fries niya. :-*
“hmm… Hon, asan na?” tanong niya nung makita niya ako
Oo hon iyong tawagan naming, asawa daw eh syempre dapat sweet diba?
Tinago ko iyong hawak ko sa likod.
“ay sorry Hon, nakalimutan ko eh “ :( sabi ko sa malungkot na tono
“ganun ba? Ok lang yan, may assignment ka ba ngayon?” :) nakangiting sagot niya
Oh diba? San ka pa, di nagagalit iyan eh, ngingiti nalang .di kopa siya nakitang magalit simula nung magsama kaming dalawa . swerte ko lang diba ? XD
“oo nga eh , may gagawin pala ako,….. ay Hon?”
“hmmmm??” sagot niya
“patulong naman oh” paglalambing ko
“bakit ano iyon?”
“ang sakit kasi ng braso ko eh , parang nabali ata?”
“teka , hali ka dito , imamasahe ko”
Napangiti nalang ako ng pinatalikod na niya ako.
“Aray! Aray! Hon naman….” Patampo ko kunwari , panu ba naman kinurot ako nung Makita niya iyong Mcdo na hawak ko
“kaw kasi eh…kiss nalang natin iyong masakit” paglalambing niya nung mahawakan na niya iyong Mcdo niya.
“doto oh…” sagot ko sakanya ng nakanguso .. :-*
“asus, kaw ah..maya nalang bago matulog” sabay kindat niya
“oyoko, ngoyon no…”
“sigeh pag kiniss kita ngayon walang rumble mamaya ah, tulog agad , bawal ka mapuyat may pasok kapa ng maaga” pang-aasar niya :P
“ay may gagawin pa pala akong assignment hirap pa naman nun sa accounting” tapos naglakad na akong dirediretso paakyat para makapag bihis na. narinig ko naman siyang tumatawatawa.
==================================================================
“uhhggg!!! Grabeh di ko talaga mabalance kahit iforce balance ko pa ayaw pa din” reklamo ko sa assignment ko
“need help?” alalang tanong niya at nilapag na sa harap ko ang tinimpla niyang kape para sakin.
Mag-aalasdose na ng gabe pero di ko padin matapos tong assignment ko. Si Katya naman nasa tabi ko lang lage akong inaalalayan. Hindi siya umaakyat sa kwarto pag hindi ako kasama. Hindi sa takot siya, talagang tinutulungan niya lang ako ayaw niya kasi iyong himbing na siya sa pagtulog tapos ako , heto nahihirapan sa pag-aaral. Lage niya akong binibigyan ng kape kapag ganitong alam niyang nahihirapan na ko.
Dinampot niya iyong isang scratch ko for computation at sinuri ito.
“Hon, pagod ka lang talaga” sabay ngiti niya at di padin inaalis ang tingin sa papel.
“sa tingin ko din eh” sabay higop ko ng kape
“look” at hinarap niya sakin ang papel
“??” tiningnan ko iyong papel na hawak niya , wala namang kakaiba dun ah, pinagttripan lang ata ako neto eh.
“di mo talaga nagets noh?”pang-aasar pa niya
“wala naman talaga eh”
“nawawalan ka ng P300,000 noh?”
Tumango ako.
“wrong computation , ang sagot dapat sa credit mo P 1,450,000 eh ang sagot mo P1,150,00 lang , dapat equal sila ng debit mo, kaya nawawala iyong P300,000 mo” explain niya at inabot sakin ang papel
“oo nga noh , heheh mali iyong calcu” palusot ko :P
“asus, palusot.com ka pa ah” asar nya
“totoo naman talaga eh, siya ang nagkamali kaya’’ depensa ko naman
‘‘oo na po, mali na si calcu’’ :)
Binilisan kong ayusin ang assignment ko at para makaakyat na kami ng asawa ko sa taas.
Pagod na kasi ako eh , pagod na pagod na in advance .. para mamaya hahha XD
San pa ba ako, Hot, Sexy, Mabait, Maalalahanin, Malambing, Maganda at Matalino ang asawa ko haha… ubos ubos energy ko nito XD
Bawal kayo manilip ah ... :P
BINABASA MO ANG
A Call Boy's POV
Ficção GeralAng istorya pong ito ay kathang-isip lamang na nagmumula sa aking malikot na utak. Basahin niyo nalang kasi ito ay trip trip trip lang :)