continuation

311 1 0
                                    

"oohh sweetie at alam mo namang may isa pang nakamiss sayo diba?" ngiting sabi ng mama niya

"hahah...I know Mom.. aahm where is he? buti at napapayag mo lam ko namang busy yun maxado eh" sagot ng dalaga

"yeah I know I'm busy working like crazy but its all for you honey "

Napangiti ang dalaga ng marinig ang boses na iyon sa kanyang likuran at mabilis na umikot para makita ang may-ari nun.

Pagkalingon nga niya ay di talaga siya nagkamali. Isang gwapong nilalang na sobrang mahal na mahal niya.

Niyakap niya ito ng sobrang higpit at pinugpog ng halik sa pisngi.

"whooah.. relax honey .di halatang miss na miss mo ko niyan ah :) " natatawang sabi ng lalaki

"naaahh.. oo kaya ..sobra sobra "sagot niya sabay kapit sa leeg nito

"hija... tama na yang pagkapit mo jan sa Dad mo na para kang tuko . Pagod pa yan sa byahe at kailangan na nating umuwi para makapagpahinga na ang tuhod niya hahahah" tatawa-tawang sabi ng mama niya

"speaking for yourself Darling? sabihin mo lang na sumasakit na yang rayuma mo .Miss na miss ko kaya tong unica hijah ko " pang-aasar ng papa niya sabay yakap sa dalaga

"dahh.. whatever old man ." sagot ng mama niya

"whaah I know you both are hungry na ..kaya let's go home na nagpaluto ako ng mga favorites niyo" masayang aya niya sa mga magulang at nagliwanag naman ang mga mukha nila sa narinig kaya dali-dali silang sumakay sa kotse pauwi

Habang nasa biyahe sila ay biglang may naalala ang ginang.

"nga pala sweetie... where is he? " tanong nito sa anak

"hmm nasa bahay po " sagot niya sa ina

"bakit hindi mo siya kasamang nagsundo samin sa airport? " usisa nito

" hindi niya po alam na dadating kayo... I want to surprise him " ngiting sagot niya

" ooh... kaya pala ..kala ko pinapabayaan ka niyang bumiyahe mag-isa eh " pag-aalala ng ginang

>fastforward<

Pagkarating nila sa bahay ay nakita nila ang isang nakaupong binata . Hindi sila nakikita nito dahil nakatalikod ang pwesto nito mula sa kanila kaya hindi sila napapansin.

Nagbilang ang dalaga gamit ang mga daliri ng 1...2....3 at sabay-sabay silang tatlong sumigaw ng

" SURPRISE....!!!!"

Kaya napalingon ang lalaki dahil sa gulat .

"Hi Doc. " nakangiting bati ng ginang sa binata.

"ma'am ...Sir welcome home " sabi ng binata at nakipagbeso-beso sa mga dumating.

Ang binata ay si Doc. Stephen. Siya iyong sinasabi ni Katya na may kakilala siyang doktor nung nag-usap sila ni Rudy.

Inaasikaso na nung dalaga ang mga kakainin kaya naiwan ang kanyang mga magulang at ang doktor sa sala na nag-uusap.

" So Doc. what's the score? " tanong ng ginang dito.

" Ganun padin po eh.. walang nagbago." malungkot na sagot nito

"hmm.. is there any progress? " tanong naman nung ginoo sa kanya

"fortunately naman po meron.... and the condition is still fine."

"don't worry hijo , all we have to do is to believe in miracle and have a strong faith. don't be negative :)" pagpapagaan ng ginang sa binata

"ahm opo " sagot naman nito

" ready na ang pagkain ...let's eat na" masayang alok na dalaga sa kanila at agad naman silang nagpuntahan sa dining room.

=====================

(RUDY's POV)

Heto pauwi na ko ngayon pero hindi parin maalis sa isip ko iyong about sa pag-ibig na iyon. Hindi pa naman talaga kasi ako naattract sa isang babae eh ,sa klase ba naman ng buhay ko may tatanggap pa ba?

Bigla akong napalingon sa bintana at nanlaki ang mata ko ....

dahil lumagpas na ko samin :(

ano ba naman yan , di ko na tuloy namalayan kasi kakamuni-muni ko eh ..ayan tuloy maglalakad ako pabalik (-_-)

Tok.tok.tok.

wala pading nagbubukas

Tok.tok.tok.

wala padin .

Bigla akong kinabahan ah.. bakit kaya di niya binubuksan iyong pinto?

Naalala ko meron pala akong duplicate sa wallet ko kaya agad-agad ko itong hinanap sa bag ko at nagmadaling buksan ang pinto.

Pagkapasok ko eh wala pang ilaw .

Malamang wala ngang tao eh. Asan kaya si Katya ? eh pag mga ganitong oras nandito lang siya sa bahay eh.

"Katya ..... Katya.... !!" sigaw ko yan sa buong bahay ..baka kasi pinagtritripan lang ako eh ..

Hinanap ko sa kwarto ..Wala..

sa Cr.... Wala din.

Bigla akong nakadama ng gutom kaya pumunta ako ng kusina.

Nagtataka ako kasi wala pang ulam .. ibig sabihin buong araw walang tao dito? Saan kaya siya nagpunta?

Buti nalang may laman pa iyong ref kaya hindi ko na kailangang lumabas pa para kumain.

Nagligpit na ko lahat lahat at eala padin siya. Nag-assignment nako, naghalfbath at naglinis nadin ...

pero wala padin siya.

Hindi pa naman ako inaantok kaya nanuod nalang ako ng tv habang naghihintay sa kanya.

Hanggang sa inantok na talaga ako. Tiningnan ko ang oras at mag aala-una na pala .

Napagdesisyunan ko nlang na pumanhik na sa kwarto at matulog .

Alam ko namang uuwi din siya eh..

Tama naman ako diba?

Habang nakahiga ako, di ko mapigilang isipin siya...

unang beses palang na nangyari to na hindi siya umuwi pero parang ilang taon na ang hinintay ko.

Hindi na ko sanay na walang katabi matulog.

'utut mo baka kamo hindi kana sanay matulog ng walang jugjugan na nangyayari' sabi ng konsensya ko

"eeh... sabagay isang factor nadin un hahah .."

halah.. nababaliw na ko at kinakausap ko na ang sarili ko.

'isipin mo ..di kaya may kasama na siyang iba ngayon na kayakap bago matulog? ;) ' bulong ng konsensya ko

Oo nga naman ..panu kung ganun nga ? bigla tuloy akong nainis na ewan..

pero sabagay hindi naman imposibleng mangyari iyon kasi nga...

isang kasunduan lang naman itong sa amin eh.. at wala pang pakilamanan sa private life :(

sa sobrang lungkot ko ..hindi ko na namalayang nakatulog na ko

ZZZZzzzzzzzzzZzzzZzzz

A Call Boy's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon