her private life

307 1 0
                                    

"aaaahhhh" grabe ang sarap talaga ng gising ko araw-araw kahit na pagod sa gabi XD

As usual pag gumigising ako wala na siya sa tabi ko kasi nag -aasikaso na siya sa kusina.

Kahit anung aga ng gising ko , siya parin talaga ang nauuna magising eh...di ko xa matalo sa paunahan magising. Parang di siya napapagod gabi-gabi , kahit anung pag papagod ang gawin ko skanya di ko padin siya maunahan .

Tulad ng araw-araw na gawain ,aasikasuhin niya muna ako bago ako pumasok ng skul. Tapos ihahatid na din niya ako papasok pero minsan ayaw kong magpahatid na sakanya kasi kaya ko naman eh.

Tulad ngayon ,napilit ko siyang huwag nalang akong ihatid kasi gusto ko naman makapagpahinga siya kahit papano.

At ngayon nandito ako sa klase namin sa humanities pinag-aaralan namin iyong mga arts na gawa ng mga sikat na painter. Nakinig padin ako kahit na hindi ko alam ang konek ng course ko sa arts.

''ang mga painter tulad ni Chile ay nananatiling buhay sa ngayon. Kahit na ang pisikal niyang katawan o existence dito sa mundo ay literal ng nawala pero ang kanyang mga painting ang nagpapatunay na siya ay kilala pa hanggang ngayon.

Naging sikat ang kanyang mga obra maestra dahil ang mga painter na tulad niya ay hindi lamang sa kanyang sariling skills umaayon ... alam niyo ba kung anu ang dapat isaalang -alang ng isang painter sa pagpipinta bukod sa skills? " ang sabi ng prof. ko

"ahm sa tingin ko Sir , kailangan din nila iyong damdamin or emotion ? " sagot ng kaklase ko

"tama ka dun, kasi ang isang painter hindi lang sila basta-basta nagpipinta sa kung ano ang magustuhan lang nila kundi sa kung ano ang nararamdaman nila at sa nilalaman ng puso niya. Kung iyong painter ay masaya ,ang kalalabasan ng painting niya ay syempre masaya at makulay pero kung malungkot naman siya habang ginagawa iyon , may pagkamalungkot din iyong kalalabasan ng gawa niya o minsan dark colors ang gagamitin niyang medium." mahabang paliwanag ni Sir

"eh ikaw Sir,ano po ang laman ng puso mo ngayon? " sigaw ng kaklase ko sabay nag hiyawan na iyong iba

"ayiiieh..." asar nila kay Sir

ako naman napaisip din dun sa tanong kung ano ba ang laman ng puso ko sa ngayon?

Inaamin kong kuntento nako ngayon pero alam ko namang may katapusan din to eh :(

Iyong pag-ibig ? hindi ako sigurado . kasi wala din naman kaming kasiguraduhan eh . Pero sekreto lang natin to ah.

Oo may gusto ako kay Katya . Ngayon ko lang naman naramdaman iyon eh at kasi siya lang iyong babaeng nakasama ko ng matagal bukod sa mga naging customer ko noon.

Alam kong tanggap niya ako .pero di ko alam kung tatanggapin din ba niya ang nararamdaman ko para sakanya kahit na alam kong wala pa akong maipagmamalaki sa ngayon.

==========================

(THIRD PERSON's POV)

Habang nasa skul si Rudy at abala sa pag-iisip kay Katya ,ang dalaga naman ay agad na naghanda papunta ng airport dahil ngayon na dadating ang matagal na niyang hinihintay.

Hindi nga siya mapakali kasi sobrang miss na niya ito at dagdagan mo pang .sobrang mahal na mahal niya din.

Maaga siyang nakarating sa airport dahil hindi niya mapigilan ang sobrang excitement na nararamdaman niya

lalo na nung nahagip na ng kanyang mga mata ang physique na hinahanap niya kahit pa napapaligiran ito ng mga kasabayang pasahero.

Dali-dali siyang tumakbo papunta dito at nung magtama ang mga mata nila ay patakbo din itong lumapit sa kanya .

Agad silang nagyakapan at maluhaluhang nagtitigan dahil sa sobrang kasiyahan.

Agad siyang hinalikan nito sa pisngi.

"Oh my God Sweetie, I really really miss you . Look at you ,you look so beatiful and gorgeous" sabi nito sa kanya

niyakap niya ulit ito dahil sobrang tagal niyang hindi ito nakita.

"I miss you too Mom...as in super"

A Call Boy's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon