"hon...honey wake up "
bigla akong nagising dahil sa pagtapik sa balikat ko...
at pagmulat ko ay nakita ko ang pinakamagandang dilag at ngiti sa buhay ko.
napaupo ako sa kama habang kinukusot ang mga mata.
"good morning" nakangiting bati niya sakin
"morning " sagot ko naman
"ready na iyong breakfast , at hinahanda ko nadin iyong gagamitin mo sa paligo, kailangan nating pumunta sa skul niyo ng maaga ngayon para after nun diretso na tayo sa pag-grocery"
ay uo, nakalimutan ko nga palang pupunta nako ng skul para sa enrollment, next week pasukan na at buti nalang di ko na pproblemahin iyong tuition ko,
iyong ipon ko siguro idedeposito ko nalang sa bangko para magkainteres pa :)
pagkababa ko, as usual anjan na naman iyong mabangong amoy ng niluluto niya at kape na sobrang sarap,
napangiti nalang ako sa isiping , asawang -asawa talaga ang dating niya sa buhay ko
di ko tuloy maalis sa isip ko kung may boyfriend ba siya??
at kung meron man, bakit ganito ang napili niyang set-up?
at sa isang call boy pa,
at bakit ako pa?
alam ko namang di malayong maraming nagkakagusto sa kanya,
Maganda,Sexy, Matalino,Mabait,Maalalahanin, Maalaga at alam kong Mayaman din siya
mahahalata mo namin kasi sa tindig niya at sa kutis .
"may problema ba? " nagtatakang tanong niya sakin, napansin niya sigurong napatulala ako
"wala... ganito pala ang feeling pag- may magbabayad ng tuition mo? di ko pa kasi naranasan eh, sanay na kasi akong pinagpapaguran ko muna iyong mga bagay na meron ako...kaya nakakapanibago lang talaga."
" :) its ok, binabayaran mo naman ako eh bilang kapalit , kaya quits lang "
"eh... ang dali-dali lang naman ng kapalit na hinihinge mo eh, tapos expertise ko pa hehehe..."
"i know right " pagmamalaking sagot niya
"yeah ..."
"di talaga ako nagkamaling ikaw ang pinili ko " sabi niya
"oo nga , bakit ako pa? " natatawang tanong ko sakanya
napansin kong bigla siyang natahimik sa sinabi ko
ay oo nga pala, nakalimutan kong bawal nga pala ako magtanong ng kung anu-ano about sa set-up na to,
pero baka malay natin, madulas siya diba?
"sori...." iyong nalang ang nasabi ko sakanya
"its, ok" sagot niya at sabay ngiti pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain ng tahimik
===============================
pagkatapos naming kumain ay syempre nagligpit na kami ng pinagkainan
at ayun, di na naman siya nagpapigil na siya ang gumawa nun
kahit paghuhugas ng plato ayaw niyang ibigay sakin , at mauna nalang akong maligo..
hindi niya ba inisip na sinabi ko lang iyon para magsabay kaming maligo for the first time ? heheh :)
naku kung mangyari man iyon , eh first time kong maligo na may kasama ah....
BINABASA MO ANG
A Call Boy's POV
General FictionAng istorya pong ito ay kathang-isip lamang na nagmumula sa aking malikot na utak. Basahin niyo nalang kasi ito ay trip trip trip lang :)