Umuwi ako sa bahay na lumong lumo at pagod na pagod.
Naghalo-halo na iyong gutom at pagod ko kasi minamadalina namin iyong pag-aayos pero buti nalang at kumain na ako bago umuwi..
Dumiretso agad ako sa kwarto at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama.
" hhhayyhh" napabutung-hininga nalang ako ng malakas..
sabi ko na nga ba eh wala siya dito , lalo tuloy akong nakadama ng pagod dahil sa alalahaning iyon.
Isang araw palang siyang nawawala pero pakiramdam ko ang tagal tagal na.
at ang bigat sa ksloobban dahil nasasanay na akong anjan lang siya palagi.
"kamusta na kaya siya? siya kaya iyong kanina o baka kamukha lang .....zzzZZzz"
Nakadama ako nang panlalagkit kaya napamulat ako, "nakatulog na pla ako kakaisip kanina "
hindi pa pala ako nakapagbihis kaya dama ko iyong lagkit ng katawan ko kaya naisipan kong maligo muna para maganda at dirediretso na iyong tulog ko.
Habang naglalakad akong papunta ng banyo parang may napamsin akong kakaiba.. di ko lang alam kung dahil sa bagong gising ako o naalimpungatan lang.
Pipihitin ko na sana ang doorknob ng cr ng napalingon ako sa may sala at biglang nanlaki ang mata.
Alam kong sakanya iyon eh at agad akong napaalis sa tapat ng pintuan ng banyo .
Tama nga ang nakita ko kay Tanya ang bag na to. Kaya agad akong nabuhayan at namamag-asang hinanap siya.
"Tanya?? andito ka ba? " sigaw ko habang hinahalughog ang bahay. Maliit lang itong bahay namin pero sa mga oras nato... pakiramdam ko ang laki laki at ang hirap hagilapin ang hinahanap ko.
Tumakbo ulit ako papasok ng kwarto at nagbabakasakaling andun siya ..
pero Wala.!!
Takbo ako sa kusina pero wala parin. Kahit na mukhang imposible at para akong tanga ..hinanap ko siya sa ilalim ng lamesa ,sofa, upuan o kahit saan pa .
Alam ko mukha na akong gago dahil nagawa ko iyon ..pero sabik na sabik na talaga akong makita siya eh.
Bigla kong naisip na baka naman dinaan na niya lang ang bag niya dito at umalis agad siya.
Oo bag iyong nakita ko kaya nabuhayan ako kasi alam kong hindi aalis ang karamihan sa mga babae na hindi dala iyon.
Sumuko na ako sa paghanap sa kanya sa isiping iyon at akmang bubuksan na ang pintuan ng banyo para matuloy na ang binabalak kong pagligo pero bago ko pa mahawakan ang knob at kusa itong bumukas..
BINABASA MO ANG
A Call Boy's POV
Ficción GeneralAng istorya pong ito ay kathang-isip lamang na nagmumula sa aking malikot na utak. Basahin niyo nalang kasi ito ay trip trip trip lang :)