i love you

371 3 1
                                    

3 months na since nagbago nako ng pananaw sa buhay..

sa skul hindi na ko nag ddisguise pa na pang manong ang dating tulad nito =======> (photo sa right)

binago niya kasi ang buhay ko,

sabi niya bakit ko pa kailangang magdisguise eh matatago lang iyong taglay kong kagwapuhan at kakisigan (^.^) siya nagsabi niyan ah.. :P

nahiya nga din ako sakanya nung sinabi niyang

"you dont have to pity yourself , at wag kang mahiya kung malaman nilang you're a callboy... then what's the problem? eh ngayon you are not one , oo callboy ka pero dati iyon .. be confident atleast callboy ka nga noon pero look at yourself ...you didnt work for it just for nothing... you did it to support yourself and study .. so please wag ka na nga magpakabaduy jan ,sa hot mong iyan tinatago mo pa sa skul :) by the way honey, iyong pagiging callboy mo ... dun ako humanga sayo :) im so proud of you and please be proud din ,past is past and experience is the best teacher diba ? kaya tara na ..ako pipili ng susuotin mo ..let's go .."

natuwa ako ng marinig ko sakanya ang mga katagang iyon ... oo nga naman dapat proud ako kasi kagwapuhan ang pinuhunan ko ah :P sabagay ,,, oo callboy ako pero dati iyon at hindi na ngayon .

Si Katya ang unang babae na nagparamdam sakin ng ganun, ung tanggap ka niya bilang ikaw at iyong nakaraan mo . Masyadong masarap sa pakiramdam nun iyong hindi ka matatakot o mahihiya sakanya kasi siya mismo ang nagbibigay sayo ng positive vibes na kahit mismong sarili mo dinadown mo na pero siya positive ang outlook sa buhay.

Naisip kong maswerte ako dahil napili niya akong pakisamahan at tulungang makabangon sa kinasasadlakan kong hanapbuhay,

OO , inaamin kong kinakahiya ko nga ang pagiging Callboy ko , pero hindi ko naman kinakahiya na dahil sa trabahong ito eh, napag-aral ko ang sarili ko at mas lalo akong nagpapasalamat sa Maykapal na ..ni minsan sa buhay ko eh

hindi ko naramdamang mag-isa lang ako sa buhay kahit na iyong mga magulang ko ay di ko nakagisnan . pero nagpapasalamat ako sa kanila kasi kung hindi dahil sakanila , hindi ko mararanasan kung panu ang huminga ,mamuhay ng hindi dumedepende sa iba at gawin ang mga bagay na gusto kong gawin na walang kokontra sayo .

pero kung advantage man iyon may disadvantage din, ako , naiinggit ako sa iba na buo ang pamilya ,may mama at papa, mga ate at kuya , lolo at lola, tito at tita ... 

iyong iba kasi nagagalit sa mga nanay nila kapag palagi silang inuutusan o pinapagalitan ... maswerte nga sila eh kasi naririnig nila iyong boses ng nanay nila, eh ako kahit nga picture wala eh ....

tapos iyong ibang nagtatampo sa mga tatay nila kasi masyadong busy daw sa trabaho.... naku buti nga sila eh kasi ginagawa iyong ng tatay nila para rin sa kapakanan nila, para sa pagkain at pag-aaral at sa mga pangangailangan nila , na kahit wala mang masyadong oras ang tatay nila para sa kanila eh sa gabi uuwi naman iyon para mahalikan sa noo kapag nakatulog na sila sa paghihintay at sa umaga magbibigay ng pasalubong galing sa trabaho... samantalang ako wala din nun,

ako na nga ang nanay at tatay ng sarili ko eh... ako ang nag-aalaga sa sarili ko dapat ay gagawin ng isang ina , ako ang nagtatrabaho para sa sarili ko kasi kung hindi ako magtatrabaho, wala akong kakainin at wala ding magbibigay ng mga pangangailangan ko...

kaya iyong mga anak diyan na may sama ng loob sa mga magulang nila.....

isipin niyo naman ang kalagayan ko... minsan nga nakita ko iyong batang kapitbahay ko doon sa tinitirhan ko, tinatakpan niya ng kamay ung dalawang tenga niya para hindi marinig iyong bulyaw ng nanay kasi ang dumi-dumi na ng damit niya ...

naiyak ako ng makita ko iyon, kasi alam kong pinapagalitan siya ng nanay niya dahil ayaw lamang nitong magkasakit ang anak niya kaya pinapangaralan niya itong huwag magdudumi ng damit kasi kakapitan siya ng mikrobyo... ganun mag -aruga ang isang ina , iyong iisipan niya ang kapakanan mo.. siguro hindi pa iyon naiintindihan ng bata ...

pero kung ako iyon... yayakapin ko ang nanay ko at magpapasalamat dahil alam kong sa sobrang pag -aalala niya at binabalewala nalang kaya siya napapabulyaw na halos maririndi ka ng makinig sa boses niya.... isipin niyo nalang na mawawalan ng boses ang nanay niyo ... malamang mamimiss niyo iyon kahit papano.. kung panu siya mag bigay sa inyo ng mga paalala na kahit pauilit-ulit eh para naman sa kapakanan niyo ... na kapag napaos iyong nanay niyo sa kasisigaw sa inyo eh babalik at babalik padin iyon sa normal ...

eh paano naman ako T.T never kong narinig kahit iyong paghinga niya na maramdaman kong may mama ako na nagluwal sakin , never ko ding naranasan na may bubulyaw at sasaway sakin kapag mali na ang ginagawa ko, iyong papaluin ako sa pwet kasi nakipag-away ako sa skul , iyong magagalit kapag hindi ako gagawa ng assignment, iyong gigising ng maaga para maghanda kapag maaga ang pasok ko, iyong magpapaalala sakin na umuwi ng maaga kasi mag-aalala siya ...

ang sarap ng feeling diba kapag may nanay ka ... kahit magkagalit kayo, siya padin ang iiyakan mo pag may problema ka at hindi mo na kaya....

alam niyo ang swerte niyo talaga.... ako hanggang panaginip ko lang mararanasan iyon T.T

kaya kayo huwag maging pasaway ....mag I LOve You sa kanila araw-araw kasi iyon ang unang-unang sasabihin ko sa nanay  ko kapag nabigyan ako ng pagkakataon  :)

A Call Boy's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon