imposible

285 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa init na nagmumula sa sinag ng araw sa bintana. Kaya naisipan ko nalang bumangon at tulad ng inaasahan wala si Katya sa tabi ko dahil ni minsan di ko pa naunahang magising iyon .

Naalala ko tuloy iyong panaginip ko...

grabeh parang bangungot na sa sobrang panget .. di daw umuwi si Katya ? eh lam ko namang di niya magagawa iyon eh

Inayos ko iyong higaan at agad na bumaba para makaligo na kasi wala namang banyo sa kwarto namin.

Habang bumababa ako

parang may napansin akong kakaiba

parang may mali eh

Kaya agad akong tumakbo sa kusina at iyon...

WALA SIYA !!!

kaya pala hindi ko naamoy iyong mabangong niluluto niya habang pababa ako ng hagdan (-_-)

Nasanay na kasi akong sa umaga nandito lang siya at nag aasikaso ng agahan..

Hindi pala panaginip iyon. totoo pala ang di niya pag uwi sa bahay.

Para tuloy akong bumalik sa dati .iyong ako lang mag-isang namumuhay

ang pinagkaiba nga lang , maganda ang tinutuluyan ko ngayon at wala akong inaalalang bayarin lalo na sa pagkain dahil puno pa ng groceries ang ref kaya di ko na kailangang lumabas pa para bumili ng pang agahan .

Pinilit ko nalang na maging masigla sa araw nato dahil alam kong wala akong karapatan sa kanya dahil deal na namin iyon na hindi ako magtatanong tungkol sa personal na buhay niya.

Ang sakit lang isipin na ang taong gusto ko ay hindi ko maabot. bukod sa langit siya at lupa ako eh wala akong alam tungkol sa kanya o kahit idea man lang sa pagkatao niya .

Naggayak nako para sa pagpasok ko sa skul . at kahit sa pag alis ko ng bahay hindi ko maiwasang hindi siya maalala dahil ngayon lang ako aalis ng bahay na walang naghahatid sakin sa pintuan at walang kiss mula sa kanya.

Kasi para sakin ..ang kiss niya bago ako pumasok ang nagsisilbing inspirasyon ko para sa pag-aaral. iyong nga lang wala talaga akong pang-inspirasyon sa ngayon eh .

Inisip ko nalang na mamaya pag -uwi ko eh nandito na siya bahay .

Bigla akong nabuhayan sa ideyang iyon kaya masaya at may sigla akong gumayak papunta ng skul.

====================

"ahm..Rudy pede pakiayos iyong dun banda sa kanan. Thanks"

"ok ako na bahala"

Nandito kami ngayon sa may stage ng skul . Kami kasi iyong naatasan na mag-ayos para sa gaganaping party.

"Karlo pede bang pakibili nitong mga supplies kasi kukulangin tayo eh" sabi ni Janna ang organizer namin.

"Pede bang isama ko si Rudy ? Kasi ang dami kaya nito" reklamo ni Karlo

" oh sige .mag-ingat kayo ah "

"ok.. tara na "

Walking distance lang naman iyong mall mula sa skul namin kaya di kami masyadong nahirapan.

Pumasok na kami ng National Bookstore at pinamili na ang mga kakailanganin .

Medyo natagalan kaming matapos kasi bukod sa madami kaming kailangang hanapin eh ang haba pa ng pila . Siguro naman di pa kami masyadong hahanapin sa skul kasi maaga pa naman eh.

Pagkalabas namin sa bookstore eh nagyayang mag starbucks muna kami kaya heto kami nakaupo at sinisimsim iyong frapp.

"pare cr lang muna ako ah " paalam ni Karlo at tumango lang ako sa kanya.

"oh my amwafu naman niya papabol talaga"

rinig ko dun sa babae sa katabing table namin at nakatingin sa may labas

"oo nga.. kaso may kasama na eh. pero infairness ang gondoh ni girl ah bagay sila "

"oo nga.. yieeh "

at parang kinikilig pa sila

Kaya napatingin nadin ako sa gawi nila at nakita ko nga iyong lalaking sinasabi nila at oo nga gwapo nga ito. At makikita mo din na galing ito sa mayamang pamilya dahil sa kinis at tikas niya.

Hinahanap ko iyong babaeng sinasabi nilang kasama nito pero

"pare tara na.. nagtxt na si Janna eh hanap na daw tayo." sabi ni Karlo pagkadating niya.

Kaya tumayo nako at inayos ang mga pinamili namin.

Nung palabas na kami ng starbucks eh sinulyap ko pa ang gawi kung nasaan iyong lalaki kanina at

nakita ko iyong babaeng kasama niya ay familiar sakin kahit medyo nakasideview siya.

Di ko masyadong makita iyong babae kasi natatakpan siya nung lalaki.

"Pare bilisan na natin "

"ah ok" at nagmadali na kaming lumabas.

Di ko talaga makalimutan iyong about sa babae kasi..

kamukha niya si Katya !!

pero inisip ko baka guni-guni ko lang iyon dahil sa miss ko lang siya

'hindi din imposible iyon .wala ka namang alam kung san siya pumunta talaga diba? '

sabi ng utak ko . at oo di naman imposibleng mangyari iyon eh

sakto namang pagdating namin sa may stage ng skul eh iyong tugtog pinapatamaan ata ako

HINDI AKO NASASAKTAN

HINDI KITA KINAKAILANGAN

HINDI AKO MAGDADAMDAM

IMPOSIBLE ..

(•_•)

(-_-)

A Call Boy's POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon