CHAPTER IX:

196 3 9
                                    

CHAPTER IX:

Nothing seems more perfect than seeing your friends laughing with each other like there's no more tomorrow. Napaisip tuloy ako, kung hindi ko ba piniling magbago makikita ko kaya ang ganito kasayang eksena? Siguro hindi. Ngayon ang tanong, hanggang gaano ko ba kayang magabago? Sa bawat pagbabago ko ba ay mas magiging masaya ang mga eksenang mapapanuod ko sa buhay ko?

"Guys,wait lang ha?" putol ni Zack sa tawanan bago tumayo mula sa sofa at parang palabas ng bahay. Ilang sandali lang, bumalik siya na maykasamang babaeng medyo maliit, chubby na hanggang balikat ang buhok,singkit din ito at maputi. Mga babaeng tipo niya, cute.

Natahimik kaming lahat at napatingin lang sa kanila. Bahagyang nakayuko si Zack na para bang nahihiya sa amin. Para bang nahihiyang ipakilala ang babaeng kasama niya na may malawak na awkward na ngiti. Napailing na lang ako. Tama bang dalhin dito ang girlfriend niya, ngayong puro kami kalalakihan?

"Si Rizza nga pala, mga 'Pre. Girlfriend ko." Nang masabi na niya ang pinakahihintay ng lahat, nabalot ng kantsaawan ang buong paligid, at syempre kasama na ako ro'n. Pwera biro, masaya ako para kay Zack. Sa loob ng mahigit dalawang taon mula nang mabuwag ang Evil Kings, hindi ko pa nakitang may ibang babaeng kasama si Zack. Kaya ngayon na may ipinapakilala siyang girlfriend sa amin, alam naming lahat na seryoso siya.

The feeling of the situation is so foreign to me, at siguro sa iba na rin. Noong mga panahong isa pa kaming malaking grupo ng mga gago, hindi uso ang magpakilala ng girlfriends. Magpaparamihan ng babae, magpapaiksian ng araw ng relasyon, pagkwekwentuhan lang ang kababaihan na parang mgalaruan lang, 'yon ang gawain namin dati. A group of broken hearted man, that's seeking for vengeance, na wala nang alam gawin kundi isisi sa mga babae ang ka-miserablehan ng buhay namin.

Mahirap magbago ng pananaw, lalo na kung minsan ka nang nabulag no'n. Kaya ngayon na nadala ko ang ilang kong kaibigan rito, masaya ako. I am sincerely happy for them.

Bago pa ako malunod na naman sa kung ano-anong kadramahang tumatakbo sa isipan ko,pinukaw ng isang doorbell ang atensyon naming lahat. Kaagad namang lumabas si Jed para tingnan kung sino ang tao sa labas. At sa pagbalik niya, hawak na niya ang kamay ng kapatid ko na kasama si Patricia, ang 4 months girlfriend ni Jeric na sa tingin ko ay pangmatagalan na rin.

"Bakit nandito ka?" tanong ko kay Rice.

"Ako ang nag-imbita sa kanila, Hunter. Para naman hindi mailang sa 'tin si Rizza," sagot naman ni Zack. Tumango na lang ako bilang pagsagot at pinagmasdan na lang ang kapatid ko na i-welcome ang bagong parte ng samahan. Bilang unang babae ng grupo, siguro 'yan na ang magiging trabaho niya sa lahat ng magiging girlfriend friend ng iba pa, pati na ng sa akin.

Nagulat ako sanaisip at agad na napailing para tanggalin iyon sa isipan ko. What the hell was that? Bakit ko naman naisip na magkaka-girlfriend pa ako? Ni wala nga 'yon sa plano ko. Mas nasa options ko pa nga ang pagiging matandang binata.

"Ano'ng gusto niyong miryenda? Bibili ako. Pizza? Barbeque? Pasta?" tanong ni Zack sa lahat, at pare-pareho ang nakuha niyang sagot.

"Pizza!"sabay-sabay naming sabi. Minsan talaga may mga bagay na kahit alam mo na ang sagot kailangan mo pa ring manigurado, para hindi ka magkamali.

Sumama sina Mike at Jeric kay Zack para bumili ng makakain namin at pumunta naman ng living room 'yung mga babae, kaya kaming dalawa na lang ni Jed ang naiwan sa leisure room. Tinawag niya ako at hinagisan ng billiard cue stick na kaagad ko namang nasalo. Inayos na niya ang bola sa gitna at naglaro na kami.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya nagsalita. "Pa'no ba 'yan Hunter?Kayo na lang ni Mike ang natitirang single sa 'tin o! Wala ka bang balak na maghanap ng girlfriend?"

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon