Prologue:

1.9K 36 15
                                    

WARNING: UNEDITED. Medyo informal pa ang pagkakasulat. Read on your own risk.

PROLOGUE:

"First love never dies." Iyan ang kasabihan na alam na alam ng lahat at napatunayan na ng maraming tao. Mga taong nabiktima na ni kupido.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kasabihang iyan?

Na ang First love mo ay mahal mo na habambuhay? Na ang first love ay mahirap kalimutan? Maaaring ganun nga, kaya napaka-maswerte ng mga taong ang first love nila ay ang kanilang forever.

Pero ang alam ko, hindi lang naman first love ang mahirap kalimutan. Hindi lang naman first love ang mananatili sa puso mo habambuhay kundi lahat ng taong mamahalin mo. Naniniwala ako na kapag minahal mo ang isang tao kahit maghiwalaly pa kayo may puwang pa rin ang taong iyon sa puso mo.

Sa buhay pag-ibig uso ang salitang heartbreak at ang kasunod noon ay ang salitang move on at let go. Mga salitang madaling sabihin ngunit mahirap gawin pero in time matutuwa ka na lang dahil nagawa mo na.

First love? Hindi malayong mauwi 'yan sa first heartbreak. So what? Go! Find your second love, maybe it's your last.

***

Meet Alexander Hunter Ocampo, isang lalaking minahal ng sobra sobra ang kanyang first love kaya nakaramdam din ng sobra sobrang sakit nang iwan siya nito.

Isinumpa niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal ulit dahil takot na siyang masaktan muli.

On the other side.

Meet Leslie Joyce Dominguez, isang babaeng minahal din ng sobra sobra ang ang kanyang first love, ngunit ipinagpalit siya nito para sa ibang babae.

Isinumpa niya sa sarili niya na maghahanap siya ng lalaking hindi katulad ng kanyang first love.

Paano kung mag-krus ang landas ng dalawang ito? Isang ayaw nang magmahal at isang naghahanap ng mamahalin.

Ano kayang mangyayari? Will they find Their Second Love?

***

[To be continued]

The other side of DEVIL (Side Story) - Short story. 3-5 chapters.

Click the external link to view the story.

Although maiintindihan niyo ang story na 'to kahit 'di binabasa ang 'The other side of DEVIL', BETTER na basahin niyo na lang po para walang loop holes, at mga question marks "???" sa inyong mga utak. 4 Chapters lang naman po 'yon.

Thank you for reading! VOTE? COMMENT? SPREAD?

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon