CHAPTER X:

184 7 10
                                    

CHAPTER X:


Isang umiiyak na babae ang nasa harapan ko. Nakatalikod siya at malakas na humihibi. Akmang lalapitan ko siya nang mapagtanto kong sumasabay ako sa bawat paghikbi niya, pati ako ay umiiyak. Bakit? Bakit tila sumasakit ang dibdib ko sa mga pangyayari?

"Pagod na akong mahalin ka, Kuya. Hindi naman ako nagkulang, nagmumukha na nga akong tanga minsan sa kakahabol sa 'yo, ginawa ko naman ang lahat para makalimutan mo ang masakit mong nakaraan, pero sadyang nabalot na ng takot 'yang puso mo at tuluyan mo nang isinara. Akala ko may pag-asa pang mabuksan ko 'yan, pero nagkamali 'ata ako."

Hindi pa man lumilingon 'yung babaeng nasa harapan ko ay alam ko na kung sino siya. Nag-iisa lang naman ang tumatawag sa 'kin ng kuya, at nag-iisa lang 'yong may ganoong tunog ng boses. Si Leslie. Ngayong nakilala ko na ang babae, hindi ko naman mawari kung ano ba ang nangyayari. Kung bakit niya nasabi ang lahat ng iyon.

Ilang sandali pa ang nakalipas, sa wakas ay humarap na siya sa 'kin.Namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak, gusto ko siyang patahanin pero hindi ko alam kung paano. Isa pa, mukhang mahirap gawin 'yon dahil mukhang ako ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.

"Ang hirap mong mahalin, Kuya. Ayoko na. Sana balang araw mabuksan mo paulit 'yang puso mo. Wala na akong pakialam kung sinoman ang babaeng makakagawa no'n, pero kapag dumating ang araw na 'yon, ako ang magiging pinakamasaya sa mundo. At kung may makakagawa man no'n,siguro nga siya na ang nakatadhana para sa 'yo."

Tumalikod na muli ang umiiyak na si Leslie at dahan-dahang naglakad papalayo.Hindi ko maintindihan ang sarili ko, tila ba hindi ko hawak ang sarili kong katawan. Namamalayan ko na lang na sinusundan ko ang papalayong si Leslie at nang maabutan ko siya ay kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"'Wag.'Wag kang sumuko. Give me another chance. Susubukan kong hindi na matakot. I can't say I love you, yet, kasi hindi ko na alam kung ano ba talaga ang pakiramdam kapag nagmamahal. I just know that you're special, at ayaw kong mawala ka sa 'kin." At habang sinsabi ko ang mga katagang iyon, unti-unting naglaho ang Leslie na yakap-yakap ko at napalitan ng unan.

Gulat ang una kong naramdaman pagkagising ko nang dahil sa weirdong panaginip ko at nang dahil sa sakit sa dibdib ko na para bang naiwan mula sa panaginip ko. That so familiar pain in my chest which I felt when Elaine left me. Nararamdaman ko ulit 'yon, pero para sa ibang tao. Ang nakakatawa, naramdaman ko 'yon nang dahil lang sa isnag panaginip.

Babangon na sana ako nang biglang mag-vibrate ang unan ko. Kinuha ko kaagad ang cellphone sa ilalim no'n at binasa ang text na bumulaboog sa umaga ko.

4pm. Sa theme park. See you, Kuya!

'Yon ang nakalagay sa text message ni Leslie. Nakalimutan kong pumayag nga pala akong lumabas kasama siya. Napakamot na lang ako sa ulo at bumangon na sakama para simulan na ang araw ko. Sayang naman ang umaga ko kung maghihintay lang ako hanggang alas quatro.

Nagawa ko ang lahat ng kailangan kong gawin bago mag-alas quatro kaya naman maaga akong natapos magbihis at mag-ayos. Napapailing na lang ako sa sarili habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Paano ba ako napapayag ng babaeng 'yon? Baka naman mamaya, isipin niya pa date 'to.

Hinayan ko na lang na maglakbay ang isipan ko at umalis na ng bahay para pumunta sa meeting place na sinasabi niya. Ang dami ring alam ng babaeng 'yon e.Magkatapat lang naman ang bahay namin, hindi pa kami nagsabay.Pahirapan pa maghanapan, ang liit pa naman ng isang 'yon.

Pero mali ako. Paano ba siya magiging mahirap hanapin, ngayong hindi pa nga ako nakakaparada ay nilalapitan na niya ang sasakyan ko.

"Akala ko ba alas quatro? E bakit nandito ka na? 3:30 pa lang a!" bungad ko sa kaniya pagkababa ko ng sasakyan.

Their Second Love [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon